CHAPTER 55

442 7 0
                                    

THE ENGAGEMENT PARTY...

“You are so stunningly gorgeous Kelsey!” Sambit ni Queen Phorsia. She told me to call her Tita pero iba yung dating kapag nakasuot na siya ng Korona. Nahihiya talaga akong magsalita dahil siya ang nag-aayos sa’kin ngayon.

“T-thank y-you po.” I formally answered kahit nauutal.

Kumpara noon nung nasa Pilipinas palang sila, kayang-kaya ko siyang tawaging Tita. Pero ngayon, kahit yata ang pagsasalita hindi ko na din alam.

Sobrang kinakabahan talaga ako!

Simula nung makarating kami dito 4 days ago, palagi akong nakabuntot sa mga magulang ko. O di naman kaya kay Zill at Zayne. Kung minsan pa ay sa bunso nilang si Zic.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nung ipakilala nila Zayne sa’kin ang buong angkan nila.

Sobrang lawak pa ng palasyo nila. Palagay ko ay apat hanggang limang malalaking Cities ang kailangang pagsama-samahin matumbasan lang ang lawak nito. May 12 na private plane sa labas. Sa may bandang east side ng palasyo. Parang sampung pinagsamang international airport ang lawak nito. Tapos may mga nakaparada ding helicopters, iba’t-ibang uri ng sasakyan. Lahat may mga emblem nila. Maging ang palasyo nila may emblem din mula sa pagpasok hanggang sa pagtingala ko sa magandang kisame nila.

“You okay?” Tanong ni Queen Phorsia sa’kin. Pagtango lang ang naging sagot ko. “Oh no! Don’t tell me, natatakot ka sa’kin?” Hula niya.

Yeah right! Sino po bang hindi? Nagigimbal ang buong sistema ko at para akong kinakapusan ng hininga kahit pa ang luwag-luwag naman sa loob.

“A bit.” Tanging sambit ko.

“So here’s the deal. Kapag tinawag at kinausap mo ako magmula ngayon into casuals just like how you called Sophia, then I will give you the video footage of Zayne and Zill dancing on the stage para sa Mommy nila. They’re so adorable. Gusto mong makita? Promise, hindi ka magsisisi kapag napanood mo. Mas lalo kang maiinlove sa pamangkin ko.” She said. She’s really dealing me.

And what she offers really sounds tempting!

She’s really making me say ‘yes! I’ll accept your deal’

Ang alam ko lang kasi nun, nagpapraktis sila Zayne. Ngunit di ko na naabutan ang practice nila.

“That sounds good Tita.” I said. Napangisi naman siya dahil sa sinabi ko.

“That’s good. Mabilis kang maka-adapt. Haha. Before that, ayusan muna kita ng mabuti para mas lalong mainlove sayo ang pamangkin ko. To tell you frankly, I like you as my niece’s fiancee. Kaya naman I’ll make sure that you two will both ended up together forever.” Sabi niya nang nakangiti. Tinumbasan ko naman ang masayang ngiti niya.

“Thank you po, Tita.” I casually said. But still the respect is there.

Nagpatuloy naman siya sa paglalagay ng mga hair ornaments sa likod ng naka-disenyong tali sa buhok ko. Naglagay din siya ng kaunting hibla ng buhok sa magkabilang pisngi ko. Pina-wave nya pa ito sa dulo.

Ang nakikita ko namang small ornaments at disenyo sa suot kong gown ay gawa sa ginto. Tsaka modern ang gown na ito. Halata ang cleavage ko. May suot din akong itim at mahabang gwantis na may mga globules na ginto sa nakaukit na disenyo.

Damn! Kung ibebenta ko siguro ang gown na’to, panigurado ang instant yaman ko! HAHA!

But If I were to chose between Zayne and gold, I’ll chose Zayne. Dahil ang halaga nya ay mas lamang pa sa gold.

ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon