“Is there something wrong, Miss Javier?” Tanong ko sa kanya.
“Nothing, Iha. Wag mo nalang akong pansinin. Ang mabuti pa ay dumiretso ka na sa canteen. Kanina ka pa ba dito?” Tanong nya.
“Opo. Kagigising ko lang. Hindi man lang ako ginising nung pinatawag sila.” Sabi ko.
“It’s fine. Marahil ay mahimbing ang tulog mo kaya hindi ka nalang nila inisturbo. Anyway, pumunta ka na sa canteen.”
“Okay po. Susunod po ako. Mabilis lang ako dito.” I politely said.
Nauna na syang nagpaalam at naglakad. Ngunit di parin nawawala ang pagkabalisa ng mga kilos nya. Para bang may hinahanap sya.
“Hey!”
“Ay gwapong kabote!” Gulat na sambit ko nung maramdaman ang pagtapik nya sa balikat ko.
“What?”
“Nanggugulat ka naman Zayne e! Para ka ngang kabute! Kung saan-saan ka lang sumusulpot!” Nakakunot-noong reklamo ko.
“Huh?” Nagtatakang tanong nya. Maging ako ay nagulat din sa mabilis na pagrereklamo ko.
“Huh? I mean, anong ginagawa mo dito?” Mahinahong tanong ko. Dun naman nagsalubong ang dalawang kilay nya.
“I’m just wondering why you’re not around in the children’s cabin.”
“Kaya ka pumunta dito?” Tanong ko. Tumango naman sya.
Okay. Baka nga naman maghinala si Zill kapag hindi nya ako pinuntahan dito.
“Nga pala, papunta na din ako dun ngayon.” Sabi ko.
“No need. They’re almost done.”
“Okay. Bumalik ka nalang sa room mo, matutulog ulit ako.”
“Again?” Kunot-noong tanong nya.
“Oo, wala naman akong gagawin. Si Zill, for sure makikipag-asaran ulit kay Kier.”
“Dun ka na sa kama ko matulog. If Zill’s not around, you should be wary of your surroundings. Don’t trust people so easily.” Payo nya. Pero hindi iyon ang nagbigay init sa mga tenga ko.
Mas napansin ko at mas tumatak sa utak ko yung sinabi nyang ‘Dun ka na sa kama ko matulog’.
Hindi ko na sya sinagot. Basta na lamang akong tumango bilang tugon sa mga sinabi nya. Nauna siyang naglakad. Sumunod naman ako. Habang naglalakad papunta sa cabin nila ay may biglang sumagi sa isip ko.
Naalala ko yung sinabi nya kaninang gumawa ako ng paraan para ma-convinced namin si Zill. He even said na kahit pa in a naughty ways. Kaya naman...
Pinulupot ko ang kaliwang kamay ko sa kanang braso nya. Hindi sya nagulat at hindi rin sya tumigil sa paglalakad. Hinayaan nya lang akong gawin ang gusto ko.
Nung makarating kami sa harapan ng pinto ng cabin nila ay narinig ko naman ang ingay ni Kier at Zill. Katawanan din nila ang ilan sa mga kasamahan nila Zayne sa eggplant cabin.
Binuksan ni Zayne ang pinto. Napatingin naman silang lahat sa’min.
Kukunin ko na sana yung kamay kong nakapalupot sa braso nya dahil nahihiya ako nung bigla nya itong hinawakan.
“It’s fine.” Bulong na sabi nya.
Muntik ko nang makalimutan na nagpapanggap pala kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/286488373-288-k464380.jpg)
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...