CHILDREN’S CAMP DAY 1
Puyat ako ngayon dahil hindi ako masyadong nakatulog. Dala na din siguro ng excitement. Nasa iisang cabin kami nila Zill at ang tatlo pang kaklase namin na sila Gino, Reyleigh and Joram. May isang adviser din na kasama ang bawat cabin. Yung humahawak sa’ming adviser ay si Miss Beverly Hidalgo.
Nauna kaming nakarating dito sa venue. Naipaliwanag na sa amin lahat ng OIC.
50 lahat ang mga bata at nahahati sa limang pangkat ang mga ito. Tig-sasampu ang miyembro ng bawat pangkat. Gulay ang mga pangalan ng bawat cabin. Team cucumber ang hinahawakan namin.
Naghihintay kaming magsidatingan ang ibang camp counselors mula sa iba’t-ibang schools. Kasama na ang school nila Zayne.
--------------
Isang oras na paghihintay ay nakapag-ayos na din kami ng gamit namin sa loob ng cabin. Lumabas na kami nung may nagpatawag sa team namin.
Paglabas namin sa building kung nasaan ang mga inihandang kwarto ng bawat cabins, nakita namin ang napakaraming counselors na nagsidatingan na rin. Hula ko ay 25 kaming lahat na representatives.
May mga dala rin silang bags.
Nagulat ako nung sumigaw bigla si Zill.
“Kieeer! Roboot!” Tawag nya. Napatingin ako sa direksyon kung saan sya nakatingin. Nakita ko nga ang dalawa na nasa huling bahagi ng kumpulan.
Dumiretso kami sa direksyon nila. Sumunod naman ang tatlo pa naming kasamahan. Hindi na rin ako magtataka kung bakit lahat ng babae nakatingin sa direksyon nila Zayne.
“Anong team nyo?” Tanong ni Zill kay Kier.
“Eggplant.” Sagot ni Kier.
“HAHAHAHAHAHA.” Hagalpak na tawa ni Zill. “Mga lalake kasi kayo, isa lang yata ang babaeng kasamahan nyo ngayon. Hahahahaha. Mga eggplant!” Natatawang pang-aasar ni Zill.
“Tss!” Singhal ni Zayne.
Napa-face palm naman si Kier sabay tinakpan ang bibig ni Zill.
Pasaway talaga si Zill. Kung anu-ano ang nasa isip. -.-
“Good morning everyone, I assume all of you are already here. So, allow me to introduce myself first. I am your officer-in-charge, Miss Reiva Ange Sagai. The goal of this camp is for our children to learn something from you. Kayo ang magiging guide sa mga bata, ang magtuturo kung ano ang dapat nilang gawin, at sila naman ang taga-execute. Syempre kailangan yung mga strategies nyo, hindi makakasakit sa mga bata. Ika nga nila, experience is the best teacher. Ang makukuha nyo namang experience dito ay ang pag-handle sa iba’t-ibang katangian na ma-eencounter nyo rin pagdating ng panahon. Atleast alam nyo na kung paano lusutan yun dahil nga naranasan nyo na ito. Malay nyo sa mga magiging anak nyo. Hahaha.” Pagbibiro ni Miss Sagai. Ang OIC namin. Nagpatuloy naman sya sa pagsasalita.
“Pumili na rin ako ng mga leaders mula sa bawat team cabins. From the Cucumber cabin, the leader would be Miss Zephaniah Allison Zill McKinley. From the Eggplant cabin, it’s Miss Mildred Cheska Realonda. From Carrot cabin, it’s Miss Rachel Jeah Reazon. From Potato cabin, it’s Miss Ivory Fuchsia Estember. From Squash, it would be Miss Lexie Tamara Obeja.”
Rachel? Nandito din sya?
“This is also quite challenging kasi nga you need to deal with their tantrums din, you need to turn the tables into your favor not the other way around. I’m warning you that most of them are spoiled brats. Take all measures to atleast change them, even a little, dahil sumasakit na rin ang ulo ng adviser nila. Alright, I’m giving you 30 minutes to prepare.” Huling sabi ni Ma’am Sagai bago kami dinismiss.
![](https://img.wattpad.com/cover/286488373-288-k464380.jpg)
BINABASA MO ANG
ALONGSIDE YOU (Royalty Series #2)
RomanceSHE WAS HUMILIATED BY HER CRUSH "I'm sorry, but I don't want a conservative girls like you to become a part of my collections. I admit your beauty is impressively and extremely different from my women in bed. Pero yung mga katulad mo ang matatawag k...