12.21.23
Jamira
Napahilot ako sa sentido ko dahil naghahalo-halo na sa tenga ko ang sigawan ng mga tao at tunog ng busina ng mga sasakyan. Hindi ko alam kung bakit sobrang traffic ngayon iyong daan papunta sa intersection malapit sa apartment namin ng kaibigan ko.
Napabuntong-hininga na lang ako at kinuha sa loob ng bag ko ang cellphone ko. I was about to call Elsie when her name suddenly popped up on the screen.
"Hello, Jami? Sa'n ka na?"
I sighed and looked outside the bus window. "I'm just a couple blocks away from the apartment, pero sobrang traffic pala papunta sa intersection."
"Ay, oo nga pala. Kagagaling lang kasi namin ni Astro sa 7-Eleven," tukoy niya sa anak niyang lalake na dalawang taong gulang pa lang. "May aksidente kasing nangyari do'n. Isang truck at ambulansya yata, kung 'di ako magkakamali."
"Kaya pala. Mauna na lang kayong maghapunan, Els. Baka gabihin ako ng uwi," wika ko at narinig ko naman ang pagsara niya ng stove sa kabilang-linya. "Hey, don't let my cutie patootie starve."
"Nah, it's fine. We can wait for you naman." Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa katigasan ng ulo nitong kaibigan ko. "We can wait for the birthday girl to come home. Right, baby? Let's wait for your gorgeous tita, hmm?"
"Ahh!" Astro's response made me chuckle and forget the frustrations I'd felt a while ago.
"Then, I'll just walk home. Malapit na lang naman ako." Sinukbit ko ang bag ko saka ako tumayo. "Manong, pwede ho bang bumaba rito?"
"Hey, are you sure?" nag-aalalang tanong ni Elsie. "I know na nakakapagod ding mag-heels buong araw, Jami. Maghintay ka na lang kaya?"
Tumango ang driver at binuksan na ang pinto, kaya bumaba na ako. "Nakababa na 'ko."
"Edi, umakyat ka ulit," she joked.
"Kalokohan mo talaga, e." Natatawa akong napailing. "I'll walk from here na, Els."
"Okay! Okay! Sunduin ka na lang namin sa 7-Eleven!"
"Huwag na. Sabi mo may aksidenteng nangyari do'n, so it means maraming tao. Baka mapa'no pa kayo ni Astro," pigil ko sa kaniya ngunit naibaba na pala niya ang call. "Tigas talaga ng ulo kahit kailan."
I've known Elsie since first-year high school, and we have become good friends since then. Dapat pareho na kaming third year college ngayon kaso nga lang, nabuntis siya ng boyfriend niya noong first year college pa lang kami. Tumigil muna siya ng isang taon habang dinadala niya si Astro para lang magtrabaho.
Then her boyfriend left her. That just leaves the two of them, including me. Ako ang tumayo bilang godmother ni Astro at ang naging katuwang ni Elsie sa mga hamon sa buhay.
*beep*
Elsie:
Hey, flight attendant. There's a cute guy here at 7-Eleven. Bilisan mo na, baka para sa 'yo na pala 'to! 🤭Napailing na lang ako. Pangisi-ngisi ako habang nagtitipa ng reply ko sa chat niya. I was about to send it to her when someone suddenly bumped into me. Bumagsak sa sahig ang lalake habang nakahawak sa ilong niya.
"Kuya, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko.
Umiling siya. "A-Ayos lang ako! Umalis ka na!"
"Gusto niyo ho bang dalhin ko kayo sa ospital?" tanong ko ulit kaya mabilis siyang tumayo. "Ku-Kuya?"
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
HorrorFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...