Chapter 17

428 27 46
                                    

Rachel

Hindi ko namalayan na nahiwalay na pala kami sa iba naming mga kasama. Kasama ko ang pinsan kong walang kwenta, at ang kapatid ni Logan na si Luna. Buhat-buhat ko rin si Astro na kinuha ko kanina kay Casper noong nagpaalam siyang iihi.

"Shit," mahinang mura ko. "Inaapoy na ng lagnat si Astro!"

Gulat naman na napatingin sa akin si Drake. "Anong sabi mo?! Pucha, wala tayong mahahanap na bahay dito sa gitna ng kakahuyan, Rachel!"

Napapikit na lang ako sa inis. "Walang gatas, walang gamit, tapos wala ring pagkain! Walang gamot o kahit na tubig man lang para masibinan natin 'tong bata!"

"May pagkain po ako rito!" taranta namang hiyaw ni Luna.

"Ayan naman pala, e!" hiyaw naman ng tanga kong pinsan at kinuha mula kay Luna ang bag nito. "May curls dito, oh! May chocolate, gummy worms, tapos may cheese rolls din. Ano ba'ng bet kainin ni Astro?"

"Putangina mo!" inis na mura ko sa kaniya. "Gatas, Drake! Gatas 'yong kailangan nitong bata! Gamot para sa lagnat, saka tubig para sibinan siya!"

"Hala, 'wag po kayong mag-away!" taranta na namang hiyaw ni Luna at pumagitna sa amin ng pinsan ko.

Gulat na napatingin sa akin si Drake. "Heto! Heto, oh!"

Taranta kong tinanggap ang inilahad niyang pakete ng powdered mushroom soup. "Ay, puta naman! Ano namang gagawin ko rito, e wala nga tayong tubig!"

"Edi, maghanap! Maghanap tayo ng batis—"

"Kingina, Luna. Patahimikin mo nga 'yang lalakeng 'yan at baka hindi ko matantya!" sigaw ko bago ko tinuon na lang kay Astro ang atensyon ko.

"Tama naman ako, Mareng Luna, 'ah? Sa gitna ng kakahuyan, mayro'n talagang batis, 'di ba?"

"Oo nga, pero kasi kumukulong tubig dapat para maluto 'yong mushroom soup," paliwanag naman ni Luna sa kaniya.

"Ay, gano'n ba?" Napatingin ako sa kaniya dahil sa wakas, nakuha na rin niya 'yong ibig kong sabihin. "Edi hot spri—"

Naibato ko na lang sa kaniya ang hawak kong pakete ng sabaw dahil sa matinding inis. "Manahimik ka na lang kung wala ka namang sasabihing matino!"

"Aray ko! Masakit 'yon, ha?!" hiyaw niya habang hinahaplos ang noo niyang natamaan.

"Kung hindi ka pa aayos diyan, bato na ang tatama sa 'yo," banta ko pa at pinandilatan siya ng mga mata.

Mabuti naman at nanahimik na siya. Tahimik na lang kaming naglakad habang naghahanap ng pwede naming pwestuhan. Nag-aalala muli akong napatingin kay Astro dahil namumula na ang mga pisngi niya.

"Stay with me," maiyak-iyak na bulong ko at hinaplos ang maliliit niyang mga braso. "Stay with me, hmm? Makakahanap din tayo ng bahay. Just. . . Just stay with me, please."

"Hey," tawag ni Drake sa akin. "Astro will be fine, okay? Malakas 'yang batang 'yan. Muntik na ngang dumugo 'yong daliri ko noong kinagat niya kahapon, e."

Napakagat na lang ako sa labi ko. Tumango ako, kaya mahigpit akong niyakap ni Drake. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko, kaya mas lalo akong naiyak.

"I don't want to lose anyone anymore," nasasaktang bulong ko, kaya napasinghap siya. "Pagod na pagod na 'kong marinig ang mga paalam nila, Drake. Ayaw ko nang masaksihan silang nalalagutan ng hininga sa harapan ko."

"Shhh. . ."

Kaagad na bumalik sa isipan ko ang gabing nawala si Kira sa akin.

"What do you want to eat for dinner, sweetie?" I asked her in a soft voice.

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now