Chapter 50

98 4 0
                                    


NAPASIGAW ako nang malakas matapos kong maramdaman ang kuryente sa buong katawan ko. I was panting after the shock, nanlalambot ang mga tuhod at nagsimula na namang tumulo ang dugo sa ilong ko.

"Bakit ko ginagawa 'to, Almira?" tanong ni Rachel habang humahagulhol.

"Putangina! Kakapanganak pa lang niyan, Jason! I will fucking kill you kapag may nangyaring masama kay Rachel!" galit na sigaw ko.

Nginisian niya lang ako. Tuwang-tuwa pa siya sa mga nangyayari.

"So who's missing?" tanong niya ulit sa mga kaibigan ko gamit ang boses ni mama.

This fucking bastard. I swear, I am so going to kill him. Makaalis lang ako rito. Ipapatikim ko sa kaniya ang sakit na pinaparanas niya sa akin sa loob ng kinginang tube na 'to.

"Drake and Daisy, the rats," sagot ni Logan.

He's trying to calm himself while holding the fake Jamira's hand. Paano ba 'to nagawa ni Jason?

"My Raven, too! And Astro!" sigaw naman ni Rachel. Namumutla na siya at parang matutumba na, pero tinatatagan niya pa rin ang sarili niya.

"Astro. . ." bulong ko.

Biglang pumasok ang dalawa. Daisy was carrying Raven, at si Drake naman ang may hawak kay Astro. Sinulyapan muna nila ako bago sila dumiretso sa crib na malapit lang kay Jason.

Napakagat ako sa labi ko. "Traitors! Wala ba kayong konsensiya ha?! You ratted us out, you led us all here to die, you freaking rats!"

Daisy glanced at me before laughing. "Ano'ng tinatalak ng babaeng 'yan diyan? Hindi ko marinig eh. Pero ako ba rinig niya?"

Tumango si Jason at nagsalita na gamit ang boses niya dahil nakapatay na pala ang microphone. "You can say anything you want to her all you want, pero hindi mo maririnig ang sagot niya unless lang buksan mo ang tube at palabasin siya."

"Tch! Why would I?" Daisy rolled her eyes before walking towards me. "Hey, bitch. Are you having a great time there—pfft! I guess not. How do you feel right now na wala ka na namang magagawa kundi ang manood lang?"

"Putangina mo," I just cursed her.

"I can't hear anything, sorry," she said and faked a woebegone look. "Enjoy watching them, before they all turned their backs on you. And when they do, especially Logan too, madali lang i-clear ang name ko. I'll just say na nagawa ko lang ang lahat ng 'to dahil blinackmail mo 'ko."

They planned all of this well. She bid her goodbyes before they both left the room. Napahagulhol na lang ulit ako habang nakatitig sa malaking screen kung saan ang mga kaibigan ko.

Jason opened the microphone again. "Just reveal yourself now. It's over."

"What?" pabulong na tanong ni Zoe.

"The last rat," Jason added. "You can reveal yourself now and stop hiding under your cloak. Masyado mo nang napapaniwala 'yang mga kaibigan mo."

"May isa pa?" hindi makapaniwalang tanong ni Hiroshi habang nakahawak sa buhok niya.

Lahat sila ay natigilan nang may pumatak na dugo sa puting sahig. Napalunok ako at wala sa sariling napatitig sa malaking screen.

"No. . . No!" sigaw ko.

"Luna!" tarantang sigaw ni Logan bago niya sinalo si Luna.

He tried to put pressure on Luna's stomach, pero patuloy na umagos ang dugo sa tyan nito. I—The fake Jamira stabbed her through the back in just a blink of an eye.

"What the fuck, Jamira?!" gulantang na sigaw ni Zoe at malakas na tinulak ang pekeng iyon.

The fake Jamira smiled at them before licking the blood off the knife. "You shouldn't have known about Drake, Luna. Right, mama?"

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now