I feel so bad for being unconscious for so long again. Hindi ko alam kung ilang araw, linggo, o buwan na ang nakalipas. Wala na rin akong ibang ginawa kundi ang sisihin at sisihin ang sarili ko, pero ganoon pa rin ang ginagawa ko.
"Hindi ka talaga kakain?" asar na tanong ni Rachel sa akin. Kanina pa niya ako pinipilit na kainin ang porridge na siguro ay niluto niya. "Jamira, you need to eat. Kailangan mong bawiin ang lakas mo."
I sighed before closing my eyes. "Am I starting to be a burden now, Rachel?"
"Oo, at mas lalong magiging pabigat ka sa 'min kung hindi ka kakain," sabi niya at itinuro ang tray na nilapag niya sa side table. "Eat that or tatawagin ko si Drake at siya na lang ang magpapakain sa 'yo. Stop being stubborn, Jam."
"I feel so guilty—"
"Edi bumawi ka," pagpuputol niya sa sasabihin ko. "Dalawang buwan din kitang pinapaliguan, 'no? Hindi ko binigay kay Zoe at Hikari 'yong gawain na 'yon, kasi mga bakla 'yong mga 'yon. Ayaw ko rin naman ibigay kay Luna, kasi baby pa natin 'yon, at mas lalong hinding-hindi sa pinsan kong may tinatagong kasamaan."
Hindi ko napigilan na matawa sa sinabi niya. Having Rachel by my side is such a blessing. Huwag lang sanang magtampo si Elsie sa 'kin.
"How's Belria?" tanong ko sa kaniya.
Sumandal siya sa upuan niya at maingat na hinaplos ang tyan niyang malaki na. "May doctor sila rito na nag-aalaga sa 'min ni Raven, and enough medicines, kasi may mga herbs din silang tanim. The walls are keeping us all safe, and we rationed the foods perfectly, thanks to Zoe who suggested to plant veggies and crops. So far so good, wala pa namang naging problema."
"That's nice to hear," buntong-hininga ko. "So far, ako pa lang pala ang proble—"
"Oh, shut up, Jamira! Akala mo ba madadala mo 'ko sa pa-sad girl mo riyan? Hindi, huy! Magtatanim ka ng mga halaman do'n, maglilinis, maglalaba, at gagawa ng mga gawaing-bahay pagkagaling mo!" mahabang lintanya niya, na siyang ikinatawa ko na lang. "Please don't feel bad about your situation. Hindi mo rin naman ginusto 'yan."
Kumawala ang luha mula sa mga mata ko. Kung wala lang dito si Rachel, baka nagwala na 'ko at sinasaktan na ngayon ang sarili ko.
"Pero bakit nga ba ang hilig mo nang matulog ngayon?" natatawang tanong niya sa akin. "Noon, puro ka kain, tapos ngayon, puro ka naman tulog."
Nginitian ko na lang siya, dahil maski ako ay hindi rin alam ang sagot. Pinunasan ko ang mukha ko at pinagmasdan ang puting kisame ng kuwarto. Sobrang dami na ng mga bagay na gumugulo ngayon sa isipan ko.
Hindi ko na rin alam kung paano ko haharapin iyong iba naming mga kasama. All I do was say hurtful words to them, get hurt and lose consciousness, then sleep for too long and wake up to do those things over and over again.
"Kainin mo na 'to, dali! Gusto mo bang subuan pa kita?" pabirong tanong ni Rachel at ilalapit na sana sa bibig ko ang kutsara na may laman na porridge, pero kaagad din naman siyang natigilan. "Ay, hindi pwede! Magagalit si Kio!"
Sabay kaming napahalakhak sa sinabi niya. Napailing na lang ako sa kalokohan niya. Kinuha ko sa kaniya ang kutsara at sinimulan nang kainin ang niluto niya.
"Ayan, buti naman. Baka multuhin ka pa n'on," biro niya ulit, kaya natawa na lang ako. "Ano? Masarap ba?"
Kumunot ang noo ko sa pagtataka, at wala sa sarili rin niyang nasunod ang reaksyon ko. "Bakit matamis?"
"Ha? Matamis?" tanong niya pabalik. Kinuha niya sa akin ang kutsara at tinikman ang luto niya. "Ay, gago na Drake 'yon! Sabi ko asin, hindi asukal!"
* * *
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
HorrorFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...