Lahat kami ay bumagsak sa lupa. Hindi na kinaya ng katawan ko na gumalaw pa. Dahil na rin siguro sa mga sugat na natamo ko.
"Drake," tawag ko sa kaniya, para pigilan siya dahil plinano pa niyang saksakin ang babae na nakasandal sa puno. He looked at me with wide eyes, as if he didn't expect me to hinder his attack.
"Ayaw ko na," bulong naman ng babae. Kagat-labi siyang napahawak sa tagiliran niyang sinaksak ko. "Just kill me right away. 'Wag na kayong mag-expect na sasabihin ko pa sa inyo ang lahat."
"I already told you." I tried to get up but my arms hurt so much that Logan come up to help me. "That if I were going to do it, it's not going to be easy. . . and fast. Tell us everything you know, and we'll send you back to your frie—"
"No way, Jam!" hiyaw naman ni Drake. Lumapit siya sa amin at galit na hinarap ang babaeng militar. "Hindi ako papayag na ibalik siya sa mga kasama niya! Baka mamaya, tumawag siya ng back-up!"
Napabuntong-hininga naman ako. "She's still a human being."
"Mas mabuti na lang na mamatay ako sa mga kamay niyo, kaysa sa mga kamay nila," biglang sabi niya. I saw how her eyes softened before she looked away. "Hindi ko na rin naman binabalak na bumalik pa sa kampo, kaya bahala na kayo sa gagawin niyo sa 'kin."
Hindi ako nagsalita. Wala nga ring salita ang lumabas mula sa bibig ng dalawa. Tahimik akong lumapit sa babae at mabilis na pinunit ang suot niyang mask, revealing her bare face.
"What the fuck did you do?!" galit na sigaw niya at agad niyang tinakpan ang mukha niya. She tried to hide, but we already saw her face.
"Join us."
Gulat siyang napatingin sa akin. "What?!"
"Jamira, what are you saying?" gulat naman na tanong ni Logan sa akin. He even looked at me with think-about-it face.
"Jam," hindi rin kumbinsido na bulong ni Drake.
"I said, join us." I sighed before offering the lady my hand, ignoring the two balls beside me. "Join us and stop being hard-headed. Marami-rami na ang mga sakit sa ulo sa grupo namin, kaya 'wag ka na sanang dumagdag pa."
"I tried to kill you!" the lady screamed, completely perplexed by my decision. Hindi siya nag-iisa, dahil kahit ako naguguluhan din sa mga desisyon ko sa buhay.
Just like how I picked tourism, kahit takot na takot ako sa heights.
"You failed, though." I shrugged my shoulder.
"I might try again," she said with a menacing tone. "You should think twice about offering someone who's not on your side to join you."
"And that means. . . you're considering my offer?" I smirked when words left her mouth. That just means that I successfully cornered her. "What, why? Cat got your tongue?"
"Ang dami pang satsat, gusto rin naman palang sumali," inip na bulong ni Drake. Lumapit siya sa babae at tinulungan itong tumayo. "Subukan mong patayin ako habang inaalalayan kita, mumultuhin talaga kita araw-araw, gabi-gabi."
Napailing na lang ako. Hindi na nakapagsalita ang babae at hinayaan na lang si Drake na alalalayan siya. I turned to look at Logan, who's now looking at me with astonished look on his face.
The side of my lips rose, forming a playful smirk. "Man, you're falling."
"You also got a thick face, huh?" nakangiwing bulong naman niya. Natawa ako at inalalayan na lang siya. "Lagot ka kay Rachel 'pag nalaman na naman niya 'tong ginawa mong babae ka."
I snorted. "Chill, mahimbing pa tulog n'on, hayaan mo muna. Saka kung magising man 'yon, I'm sure maghahasik agad ng lagim 'yon. Baka nga aayain pa niya si Zoe na mag-1v1 sila, e."
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
HorrorFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...