Chapter 12

421 26 14
                                    

Hindi ko mabilang kung nakailang buntong-hininga na ako ngayong araw. Parang may sariling desisyon iyong baga at bibig ko na bigla-bigla na lang bumubuntong-hininga. Napailing na lang ako saka ko na tinuon ang atensiyon ko sa pagtutupi ng kumot.

"Nakapag-usap ba kayo ni Logan nang maayos kagabi?"

Isa rin itong si Rachel, e. Pilit ko na nga na inaalis sa isipan ko 'yong nangyari kagabi, binanggit pa talaga niya sa akin.

"Oo," walang-ganang sagot ko na lang. "Nasabi niya rin sa 'kin na may nakaharap siyang isa sa mga militaries, kaya siya nasaksak."

Napansin ko naman ang pagkagulat niya. "'Yon naman pala 'yong totoong nangyari, e? Bakit kinailangan pa niyang magsinungaling tungkol sa bagay na 'yon?"

Hindi ko na lang sinagot ang tanong niya, dahil maski ako ay hindi rin alam. Napabuntong-hininga muli ako bago ako tumayo. Lalabas na sana ako nang bigla na lang hinigit ni Rachel ang braso ko.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

She was hesitant to speak at first but ended up telling me everything about her pregnancy. Nanatili akong kalmado matapos ang lahat ng mga narinig ko, dahil alam ko naman ang lahat. Napansin ko naman na bahagyang kumunot ang noo niya habang nakatitig sa mukha ko.

"Hoy! Hindi ka ba maiinis na dumagdag pa 'tong pagbubuntis ko sa mga problemang hinaharap natin?" inis na tanong niya.

I sighed for the nth time this day. "It hurts me to hear that you're currently thinking that the baby inside you is a problem, Rachel."

Naglaho ang inis sa mukha niya at napalitan iyon ng matinding pagkagulat. Words left her barely opened mouth. Napatitig ako sa kaniya nang ilang segundo bago ako nag-iwas ng tingin. I sighed in disappointment before leaving her dazed and in shock.

Dumiretso ako sa baba at nadatnan sila sa sitwasyon na parang wala lang kaming outbreak na hinaharap. Roger and Kio are comfortably sitting on the couch while having morning tea. They're casually talking like rich titos at a children's party.

"Jamira," Roger called me.

Naglakad ako papalapit sa sala at diretsong umupo sa single couch. Seryoso ko silang tiningnan habang hinihintay na isali rin nila ako sa usapan nila. Napansin ko pa na nagdadalawang-isip si Kio, pero wala na ring nagawa sa huli.

"Kung umabot na nga rito sa Riverdale ang mga. . . zo-zombies," he paused for a while. "Yes, zombies. Kung umabot na nga sila rito, hindi rin magtatagal at dito naman susunod ang mga militaries."

"Naisip ko nga kagabi na baka pinaplano talaga nilang patayin lahat, e," inis na saad ko. "Infected man or hindi."

"That's possible." Logan suddenly appeared out of nowhere and sat on the couch right across from me.

Sabi ko na nga ba, e. May lahi talaga 'tong kabute. Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot sa hindi inaasahang pagkakataon.

"What's their motive?" Kio asked, looking confused and bothered by the thought.

"It's also suspicious that the government is not doing anything about it," I added. "I mean, this is a state of emergency. Sila ang in-charge sa mga ganitong sitwasyon."

Mas mabuti na sabihin ko na lang ang lahat ng mga iniisip ko para isahang pag-iisip na lang. Saka, para hindi lang ako 'yong inaabala ng mga palaisipan na 'yon. Kung napagdesisyunan namin na magsama-sama, edi hindi ko na kinakailangan na sarilihin ang lahat.

"Fuck this." Kio sighed in disbelief.

"Kahit emergency alert nga wala rin," wika naman ni Logan, kaya napatango na lang ako. "Saka hindi naman sila nag-declare ng martial law para mamuno ang mga militar. Bakit bigla na lang. . . you know? Gano'n."

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now