Nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan, kaya mabilis ko na dinilat ang mga mata ko. Tumambad sa paningin ko ang puting kisame at pader. Naalala ko naman agad na nandito pala ako sa infirmary ng bahay ni Dale.
"You're awake." I heard Logan's voice, so I turned to look at him. He was having trouble wearing his t-shirt.
"Poor ahjussi," I teased him before getting up to help him. Nakaramdam naman ako ng awa nang mapatingin ako sa saksak niya sa tagiliran na bumukas noong inapakan ng babaeng militar.
"Enjoying the view?" nakangising tanong niya, kaya sumama ang mukha ko.
Kaagad naman na naglaho ang awa na nararamdaman ko. Stepping on someone's stab wound was like stabbing them two times. Alam ko na masakit itong sugat niya, pero nagagawa pa talaga niyang kapalan ang mukha niya.
"We're even now," I said, making him look at me with a confused face. "You saved my life. I saved yours."
Natawa naman siya. "Okay, I guess?"
"Um-oo ka nang maayos. Baka mamaya sabihin pa ng mga tao na blinackmail kita para mapa-oo ka," inis na saad ko.
He slightly opened his mouth, making a feigned surprise look on his face. "Since when did you care about what other people think?"
"Since now," I answered. Tinapik ko ang balikat niya bago ako naglakad papalapit sa pinto ng kwarto. "Tara na. Gutom na 'ko."
Hindi siya sumagot kaya napalingon ako sa kaniya. His eyebrows were furrowed while looking at my feet. Kumunot naman ang noo ko bago nagbaba ng tingin.
"Magaling na 'yang tuhod mo?" naguguluhang tanong niya, kaya napalunok ako.
"I. . . I don't know," I stammered, giving him a puzzled face. "My knee cap was supposed to twist after what the girl did, but it did not. Tapos ngayon, hindi na rin ako nakaramdam ng sakit sa paa ko, dito na lang sa braso."
"The hell?" hindi makapaniwalang bulong niya. Lumapit siya sa akin at maingat niyang hinawakan ang braso ko para tingnan ang sugot ko roon. "Your wounds are healing too fast."
I froze. "That's not normal, is it?"
Hindi siya sumagot. His eyes were focused on scanning my wound. Napatitig na lang ako sa kaniya, dahil maski ako ay hindi rin makapaniwala.
"Your wounds are already forming a blood clot, na dapat tatlong araw pa pagkatapos ngayon, dahil sobrang lalim ng sugat mo," he informed me. "Of course it's not normal, Jamira."
Napakagat na lang ako sa labi ko. "May superpowers ba ako?"
Nasapo na lang niya ang noo niya sa sinabi ko. "Silly girl."
I smirked. "Another way to say I'm hot, huh? Grabe ka na talaga, Logan. Wala na talagang pinipiling oras 'yang mga paganiyan mo—"
Natigilan ako nang bigla niyang hinaplos ang pisngi ko. He was staring deeply into my eyes, gently caressing my cheek. Napalunok na lang ako dahil sa kaba.
"Here, too," he said.
Nakahinga naman ako nang maluwag. Ang sugat ko pala sa pisngi ang tinutukoy niya. Akala ko kung ano na.
I bit my lip. "What do you think is happening to me?"
"I don't know," he replied, making me feel more anxious about the matter. "Let's figure this out—"
The grumble of my stomach cut him off.
"—after we eat," he continued.
Natawa na lang ako. He slightly tapped my head before opening the door for me. Lumabas kaming dalawa at nakasalubong pa namin si Luna.
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
HorrorFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...