Chapter 08

464 24 31
                                    

Marami kaming dapat na pag-usapan, pero nanatiling tahimik ang buong sasakyan. Wala ni isang nagsalita o kahit na nagtanong man lang tungkol sa mga nangyari. Lahat kami ay nakasandal lamang sa mga upuan namin at payapang nagpapahinga.

Napatingin ako sa labas ng bintana at ganoon pa rin ang nakikita ko. Dilim.

"Kio, pwede bang timeout muna," biglang tanong ni Drake, kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. "Ihing-ihi na kasi talaga ako."

Bigla na lang napabulalas ng tawa si Roger sa sinabi nito. Imbis na mainis sa kaniya, nakaramdam ako ng pagkamangha dahil nagawa pa niyang magpakasaya sa gitna ng mga nangyayari. I almost forgot that happiness is also a part of life.

"Mamaya na," walang ganang sabi naman ni Kio at mas binilisan pa ang pagmamaneho para asarin si Drake.

"No. Stop the car," pabirong utos naman ni Drake, kaya hindi na rin namin napigilan na matawa sa kaniya. "I said stop the car, Kio."

"Taba talaga ng utak nito pagdating sa kalokohan," umiiling-iling na bulong ni Rachel habang pilit na nilulunok ang tawa niya.

Huminto ang sasakyan at dali-daling bumaba si Drake. Nakalimutan pa niyang isara ang pinto dahil sa pagmamadali. Isasara na sana ito ni Luna nang bigla na lang siyang bumalik.

Tagaktak ang pawis sa noo niya at may kabadong ngiti na nakapaskil sa mga labi niya. "Hindi ba kayo naiihi? Umihi na rin kayo para hindi na tayo panay hinto mamaya."

Natawa naman ako. "Takot ka lang, e."

"Ako? Matatakot? Pfft!" Humalakhak pa siya bago niya pinunasan ang pawisan niyang noo. "Hindi, Jami, ah! I'm strong!"

"I'll go with you," Logan offered, and he got out of the van without teasing Drake.

Nagkatinginan naman kami ni Rachel sa inasta niya. Nagkibit-balikat na lang ako at sinundan ng tingin iyong dalawa. Napansin ko pa ang pang-aasar ni Drake dito, pero nanatili lang siyang seryosong naglalakad.

"Luna," tawag ko sa kapatid niya. "Ano'ng nangyari sa kuya mo?"

Napatingin sa akin si Luna at nagdadalawang-isip pa na sagutin ang tanong ko, pero sa huli ay napabuntong-hininga na lang. "Wala naman po siyang sinabi sa 'kin, pero pansin ko nga rin po. He seems a bit off."

"May nalaman 'yon panigurado," sulpot naman ni Roger, kaya napatingin ako sa kaniya. "Why not try to talk to him, Jamira? You two seem close."

"Oo nga naman, Ate Jam," tumatango-tango naman na pagsasang-ayon ni Luna. "My brother still thinks of me as a kid. I'm sure he won't even tell me a thing about what concerns him."

Napatingin ako sa iba at mukhang sang-ayon din naman sila sa ideya na kausapin ko si Logan. Napabuntong-hininga na lang ako at dahan-dahan na tumango. Luna's smile widened before she leaned into her seat at ease.

"I'll try," walang kasiguraduhan na wika ko dahil ayaw ko naman na umasa sila na may magandang ibubunga ang gagawin ko.

Hindi rin naman inabot ng siyam-siyam iyong dalawa at bumalik na rin agad sa loob. Nagbabatukan na sila pagkapasok at panay naman ang halakhak ni Drake. Lalapit na sana ito sa akin, pero mabilis na tinakpan ni Logan ang bunganga niya at kusa siyang iniupo sa upuan.

"What's with you two? Kayo na ba?" tanong ni Rachel.

Napasinghap naman si Drake sa gulat. "Hoy, pangit! 'Wag mo 'kong ginagawang bading diyan, ha? Sisiraan mo pa 'ko ng image kay Jami-babes, e!"

Natawa na lang ako at pasimpleng sinulyapan si Logan. Iiling-iling siyang nakangiti at nagulat ako nang bigla na lang siyang napatingin sa akin. He smirked boastfully, as if he had caught me in the act of committing such a crime.

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now