Chapter 01

1K 40 11
                                    

"So, what can you suggest?"

Nanginginig ang mga labi ko hindi dahil sa takot, kundi dahil natatawa ako nang makita kong bukas ang cage ng birdie niya sa baba. I was taken back to reality when I remembered that my best friend just died right in front of my eyes. My laughter immediately withdrew, and tears started looming around the corners of my eyes.

"I say we trade," he suggested. "You'll let me borrow your car to fetch my sister, then I'll take you to my hometown. Springdale's not safe, but Riverdale is."

"How am I supposed to trust you?" Napatingin ako kay Astro na kasalukuyang natutulog sa sofa. "May sanggol akong kasama. Paano kita mapagkatitiwalaan na hindi mo kami iiwan kapag nagkagulo na ang lahat?"

He frowned a bit. "You take care of that thing. I can't promise you I won't abandon you two when things get fucked up."

Umarko ang kilay ko sa sinabi niya. Nagsukatan kami ng tingin hanggang sa nauna siyang mag-iwas. Inis siyang napahawi sa magulo niyang buhok, saka na niya ulit ako tiningnan.

"Fine," he surrendered in defeat. "Just do any fucking thing to avoid that weenie from crying if our goddamn lives are on the line."

"Err. . . Speaking of weenie," bulong ko bago ako napatingin sa kisame at napalunok. "Isarado mo na 'yan at baka sumilip pa saka kumaway na lang bigla."

"Wha—" Natigilan siya at nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niya ang ibig kong sabihin. "Woman, you were looking!"

"Hindi, ah!" depensa ko sa sarili ko pero malamang, hindi niya 'yon pinaniwalaan. "Mag-iimpake na 'ko! Ju-Just take everything you think you'll need—I mean, we'll need."

Nagmamadali akong pumasok sa kwarto. Bahagya akong natigilan nang mapagtanto ko na hindi ko pala kwarto ang pinasukan ko, kundi ang kwarto nina Elsie at Astro. Tumulo ang luha ko nang makita ang isang picture frame na naka-display sa study table niya.

Naglakad ako papalapit doon at dinampot iyon, saka pinagmasdan. Astro was just a year old when this picture of the three of us was taken. Hindi ko alam kung sino 'yong napag-utusan ni Elsie na kumuha ng picture namin noong nasa mall kami, gumagala.

"Els, I'm sorry," I silently cried. "I'm sorry, kung wala man lang akong nagawa para mailigtas ka. I'm so sorry, Elsie."

Bumagsak ako sa sahig at napayakap sa picture frame. Walang tigil ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko. Ngayon ko lang napagtanto na iniwan ko pala si Astro, kasama ang isang lalake na hindi ko man lang kakilala. Kahit pangalan nga lang niya ay hindi ko alam.

Mabilis kong pinunasan ang mukha ko saka na ako lumabas. Nadatnan ko ang lalake na nakaupo sa sofa na malapit kay Astro, at kasalukuyang nakapikit. Napabuntong-hininga na lang ako dahil nagmumukha silang mag-ama, kung hindi lang tinik sa lalamunan si Astro para sa lalakeng ito.

Ano ba'ng problema nito sa mga bata?

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis ng simpleng gray long sleeve at jeans. Nagsimula na rin akong mag-impake at hindi na pumili pa ng mga damit. Kung ano lang ang madadampot ng mga kamay ko, 'yon na lang ang inilalagay ko sa bag.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko, lumabas na muli ako. Nakaupo na nang maayos ang lalake at diretsong nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay, kaya inirapan niya lang ako saka siya napatingin kay Astro.

"I know you hate babies, but please don't do anything to him."

Napangiwi siya. "Yes, I hate weenies—ano ba? Bilisan mo na nga mag-impake riyan! Para kang pagong sa sobrang bagal, e!"

"Weenies," nagpipigil ng tawa na bulong ko.

Inayos ko na rin ang mga kakailanganin ni Astro, saka ko na idinagdag sa mga laman ng bag. Ang huli kong kinuha ay ang picture frame. Inalis ko ang litrato sa loob nito, saka ko ito tinupi at ibinulsa bago ako lumabas.

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now