Chapter 05

509 18 7
                                    

"Fuck, fuck, fuck, fuck!" ilang beses na mura ni Rachel dahil kahit saan kaming kanto lumiko, may sumasalubong talaga sa amin.

"Nagiging manok ka riyan bigla, e!" Drake amazed me, dahil sa kabila ng sitwasyon namin, nagawa pa niyang magbiro.

Mabilis kong pinigilan na kumawala ang isang sigaw sa lalamunan ko nang may bigla na lang humawak sa paa ko. Umikot ako at malakas na hinampas ang ulo ng babaeng nakadapa. Kabado akong napaatras nang muntik niya nang makagat ang hita ko.

"I thought I was a goner!" manghang hiyaw ko habang nakatitig sa wala nang malay na babae.

"Ang astig mo, Jami! Mas nagiging crush na kita!" nagpipigil naman ng ngiti na hiyaw ni Drake, kaya napatingin ako sa kaniya. "Sabi ko nga, mananahimik na ako! Tara na, let's go! Baka magising pa ang anteh mo!"

Nagpatuloy na kami sa pagtakbo dahil dumadami na ang mga humahabol sa amin. I almost shit myself in fright when I saw a hoard of them coming our way. Wala kaming nagawa kundi ang mapasigaw at bilisan ang pagtakbo.

"Guys, bilis! Sa 7-Eleven! Bilis!" sigaw ni Kio, kaya lumiko kami at natanaw namin ang 7-Eleven na malapit lang sa intersection.

Naunang nakarating si Drake sa backdoor at narinig namin ang malakas na mura niya. "Putangina! Naka-lock 'yong pinto, puta! Ano na'ng gagawin natin?! Fuck, shit!"

Halos lahat ng mga mura ay naihiyaw niya na sa sobrang taranta. Muntik na akong mapasapo sa noo bago ko siya tinulak sa gilid. Pinihit ko ang doorknob at kagaya ng sinabi niya, naka-lock nga 'yong pinto. Napalunok na lang ako at buong lakas na inihampas ang katawan ko, pero nasaktan lang ang balikat ko.

"Let me try," kalmadong wika ni Kio kahit na halata naman sa mukha niya ang pinaghalong takot at pagsisisi, pagsisisi na dito pa niya kami dinala.

Huminga siya nang malalim at malakas na sinipa ang pinto, pero ayaw pa rin nitong bumukas. Napalunok na lang ako at nilingon ang isang grupo na humahabol sa amin kanina. Halos takasan ako ng katinuan nang matanaw na papalapit na sila rito sa direksyon namin.

"Shit, bilis," kabadong bulong ni Rachel habang hinahaplos ang likod ni Astro dahil nagsisimula na itong umiyak. "Shhh! Baby, shhh!"

"Bilisan mo, Kio! Pucha, nandiyan na sila! Bilis!" Halos maiyak na kasisigaw si Drake dahil hindi pa rin mabuksan ang backdoor ng 7-Eleven.

Natigilan ako nang mapagtanto ko na kulang kami ng isa. Napalunok ako bago ako nagbilang ulit, ngunit apat lang kami ang nandito. Napakagat ako sa labi ko at pinigilan na tumulo ang luha ko dahil hindi ko makita si Logan.

"Si Logan?" takot na tanong ko kay Drake, kaya gulat siyang napatingin sa akin at nagpalinga-linga. "Akala ko magkasama kayo sa likuran ko kanina? Ba't hindi na natin siya kasa—"

"Tabi!"

Sabay kaming lahat na napalingon nang makita si Logan na tumatakbo papalapit sa amin. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang magkatinginan kaming dalawa. I saw a meaningful smile plastered over his face before he looked away.

Malakas niyang sinipa ang pinto at bumukas ito. Bumalik naman sa isipan ko ang nangyari din kanina sa pinto ng apartment. Wala sa sarili na lang akong natawa bago ko pinauna 'yong iba sa pagpasok. Sumunod na rin ako at bago ko pa man lingunin si Logan, naramdaman ko na lang na may tumulak sa akin nang malakas at sapilitan akong ipinasok sa loob.

Binalot ng matinding takot ang buong sistema ko nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto. "Lo—"

"Niligtas kita, pero hindi para ibuwis ulit ang buhay mo," seryosong sabi niya habang nakasilip sa maliit na bintana ng pinto at diretsong nakatitig sa mga mata ko. "Take care of yourself. I'll see you again, woman."

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now