Chapter 42

398 32 7
                                    

Nakarating kami sa madilim na kalye. The siblings really know the way and every shortcuts. Hindi naman kami nahirapan, pero kinakabahan lang ako dahil baka may bigla na lang umatake sa amin.

"We should split up now. Rachel, your group should head for Belria now," Logan said. Napatitig ako sa kaniya habang inaayos niya ang buckle ng belt niya. "Be careful."

Nagtama ang mga tingin namin. His eyes suddenly turned blank, again, looking at me with displeased expression. I tried not to lose my cool, ended up rolling my eyes at him.

Ang attitude naman niya. Tangina, parang wala kaming pinagsamahan, e.

"They're here," I heard Janison mumbled. Nakayuko lang siya habang nakatitig nang seryoso sa daan.

"What?" kunot-noong tanong ko.

But before he could answer, we heard faint growls everywhere. Kaagad na binalot ng matinding kaba ang sistema ko. Napalunok ako at napahawak nang mahigpit sa handle ng kutsilyo na nakatago sa ilalim ng sleeves ko.

And in just a snap, the groups started to split up. Kabado akong nagpalinga-linga at hinanap si Janison. He was fighting with a zombie, so I threw my knife directly at the zombie's head.

"Thanks, ate!" hiyaw niya.

Tinanguan ko lang siya bago ko nilabas ang isa ko pang patalim sa baywang ko. Natanaw ko ang isang zombie na tumatakbo papalapit sa akin, kaya hinanda ko ang sarili ko. I was about to stab its head, nang may tumama nang bato sa ulo nito.

"Casper!" gulantang na hiyaw ko. "Bakit ka pa nandito?!"

"Don't get mad," bulong niya at naglagay ng isang bato sa hawak niyang slingshot. "I don't want to keep my ass waiting at Belria while you people fight for your lives here."

Ano ba naman itong batang ito?!

Napatitig ako sa paligid namin at lahat ay may zombie na hinaharap. I clicked my tongue due to frustration. Napapikit na lang ako bago ko hinila si Casper patago sa likuran ng isang malaking basurahan.

"Stay here," bulong ko. Aalis na sana ako, pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. "Alam ko na matigas ang ulo mo at gusto mo talagang sumama, but just stay here first, okay? I need you to stay here."

"Mag-iingat ka," hindi pa rin kumbinsidong wika niya.

I just nodded my head. I ruffled his messy hair before going out to help Logan's group. Natanaw ko si Janison, kaya tumakbo ako papalapit sa kaniya.

"Ate—"

Mabilis ko na tinakpan ang bibig niya bago pa man siya makasigaw sa matinding gulat. "Let's switch groups."

Kumunot ang noo niya, kaya inalis ko ang kamay ko mula sa pagkatakip sa bibig niya. "Why? Akala ko ba may alitan kayo ni Logan and you want him away from your sight?"

"Manunuyo nga ako, e," hiyang-hiya na bulong ko.

"I got you, ate," Janison said and tapped my shoulder. "Punta na 'ko kay papa. You should be careful, okay? Hindi safe 'yong grupo na 'yon, dahil 'di mo 'ko kasama."

Ay, wow. May gano'n?

Tinanguan ko lang siya bilang sagot. He started running towards our father's group direction, kaya nakahinga na ako nang maluwag. Wala na nga 'yong bata sa grupo na 'to, may dumagdag naman na panibago.

"Why are you still here, woman?!" biglang sigaw niya sa akin nang makita niya ako. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil hindi ko inasahan na makikita niya kaagad, e kapapalit pa lang naman namin ng kapatid ko.

"Galit agad? Hindi ba pwedeng nag-aalala lang ako sa 'yo—" Natigilan ako. "Sa inyo!"

"Go to your group!" sigaw niya. Hindi ko siya pinansin, at nagulat na lang ako nang hinablot niya ang braso ko at tinulak ako papalayo. "Now, Jamira!"

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now