Pagkatapos ng dalawang buwan, nakita ko na rin siya. Kahit na nakatalikod siya sa amin, kapansin-pansin pa rin ang pagpayat niya. Maybe, Drake didn't even bother to bring her food every time, as his revenge.
"The key?" I asked Dale. Nauna nang lumabas ang mga kasama namin, at kami na lang nina Dale at Zoe ang natira dito.
"Jam," I heard Zoe said. Napatingin ako sa kaniya ang napansin ko ang pagdadalawang-isip niyang ibigay sa akin ang hawak niyang susi. "Are you really sure about this? Pwede naman natin siyang iwan na lang. The cell won't break."
"This is hard for me too, but we need to take her," I said before looking back at Yel.
"Let me open it for you, para hindi ka na mahirapan," bulong ni Dale sa akin bago niya kinuha kay Zoe ang hawak nitong susi. Nagulat naman ako, pero wala na rin akong nagawa kundi tumango na lang. "Take cover."
Tumango ulit ako. "Mag-ingat ka."
Dahan-dahan niyang ipinasok ang susi sa lock. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang pagbukas nito. I wanted to close my eyes, but I also need it open to see everything.
"Labas na," utos ni Zoe rito. Ramdam ko ang galit sa boses niya habang nakatitig nang masama kay Yel.
"Kid," tawag din ni Dale dito, pero hindi pa rin ito gumagalaw. Nakatayo at nakatalikod lang siya sa amin at hindi man lang niya kami nililingon.
"Is she dead?" pabulong na tanong ni Zoe sa akin.
Dahan-dahan na lumapit si Dale sa kaniya. Sumunod na rin kami ni Zoe. Itinutok ko sa ulo ni Yel ang slingshot, at inihanda ang sarili ko sa kung ano man ang mangyayari.
"Let me use the bow," Zoe whispered to me.
"Alam mo ba pa'no gamitin 'yan?" kunot-noong tanong ko.
Tumango siya. "I'm in an archery club during my highschool years, don't worry."
Ay, ngi. Buti pa siya, marunong.
Hinayaan ko siyang gamitin ang bow, ngunit masyadong mabilis ang pangyayari. Nagulat na lang kami nang biglang hinila ni Yel si Dale papalapit sa kaniya. The next thing we know, kagat-kagat na niya ang braso ni Dale habang nagsisisigaw naman ito sa sakit.
"Dale!" tarantang sigaw ni Zoe. She was fast to let go of the arrow, but she missed Yel's head.
Napalunok na lang ako nang makita ang mukha ni Yel. Her eyes were cloudy and veins were visible on her neck, up to her cheeks. She turned without us knowing.
"Let him go, you bitch!" sigaw ni Zoe at pinana muli si Yel. The arrow was fast and punctured directly on Yel's shoulder.
Napasigaw ito, kaya mabilis kaming napatakip sa mga tainga namin. That was also the sound Ryan made, and those zombies outside. Sobrang sakit sa tainga at para akong masusuka na parang mahihimatay sa ingay nito.
"Dale!" Zoe shouted, even in the middle of Yel's scream. Lumapit ito kay Dale, kaya mabilis siuang dinaganan ni Yel.
Bago pa man nito makagat si Zoe, tumama sa noo niya ang bato sa slingshot ko. She growled at me before getting out of the cell, leaving us shocked. Napalunok ako at nanginginig na nilapitan sina Dale at Zoe.
"U-Umalis na ka—"
"No! We are not leaving you here, Dale!" humahagulhol na sigaw ni Zoe. She tried to help his mentor get up, but he was too heavy.
Tumulong na lang din ako. We somehow helped Dale sit on Yel's bed. Tiningnan ko ang kagat nito sa braso at kaagad kong napansin na hindi pa umabot sa balikat niya ang kung anong itim sa mga ugat niya.
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
TerrorFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...