Chapter 03

638 28 2
                                    

"Rachel," kabadong sambit ko sa pangalan niya. "Let's just run, huh?"

Hindi siya sumagot. Hinihintay niya lang na sugurin siya ng lalakeng iyon. Napalunok ako at tiningnan si Astro, na ngayon ay nilalaro ang mga daliri niya. Pasimple kong hinubad ang baby carrier, saka ko ito mabilis na isinuot kay Rachel.

"What the fuck are you do—" Natigilan siya nang bigla kong inagaw ang hawak niyang patalim. "Jamira!"

I gulped. "Please, take care of Astro for me."

Mabilis kong itinumba ang malaking drum ng tubig, kaya napatakbo papalapit sa akin ang malaking lalake. Napalunok muli ako bago ako tumakbo nang mabilis papalayo sa pwesto ng dalawa. Tumakbo ako at hinayaan ang lalakeng iyon na habulin ako sa madilim na eskinita.

"Fuck, fuck," ilang beses na mura ko habang nakatitig sa hawak kong patalim, na hindi ko naman alam kung makakaya ko bang gamitin laban sa isang tao—dating tao.

"Fuck!" Gusto kong sabunutan ang sarili ko nang wala sa oras akong natisod. "Really?! Of all times?!"

Ito ang kinaiinisan ko sa mga horror movies, pero hindi rin pala ako nalalayo sa mga tangang characters. Mabilis akong napalingon at huli na para tumayo ako at tumakbo muli. Hindi ako nakaiwas nang hinila ng lalake ang paa ko.

"Shit, no," maiyak-iyak na mura ko habang nakahawak sa magkabilang balikat niya para pigilan siya sa pagkagat sa leeg ko.

Shit, I don't want to be his meal!

Napatingin ako sa hawak kong patalim bago ako napapikit. Hindi na ako dumilat pa bago ko ito buong lakas na sinaksak sa leeg. Naramdaman ko ang pagtalsik dugo niya sa mukha ko, kaya napalunok ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Nakapikit siya habang nakatarak pa rin sa leeg niya ang patalim ni Rachel. I was about to leave beneath him—when he suddenly opened his eyes and tried to bite me, again.

"The hell?!" I gasped.

Nataranta ako dahil mas lalo siyang lumalakas. Nanlaki ang mga mata ko nang madulas ang kamay ko mula sa pagkahawak sa balikat niya, at dumiretso ang mukha niya sa leeg ko. I hopelessly closed my eyes and waited for his teeth to pierce my neck—but it didn't happen.

Halos mabingi ako nang marinig ang isang malakas na putok ng baril. Dumilat ako saka mabilis na tinulak ang lalake paalis sa ibabaw ko. Nanginginig kong kinapa ang leeg ko at para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang wala akong makapang kagat.

"Are you okay?!" Mabilis kong binunot mula sa leeg ng lalake ang patalim at agad itong itinutok sa panibagong lalake na lumapit sa akin. "He-Hey! Put it down!"

But those fuckers can't talk, right?

Napalunok ako at mabilis na ibinaba ang patalim, saka na ako tumayo. The man ran his fingers through his dark gray hair as he heaved a sigh of relief. He put his gun back on the gun holster attached to his belt, and I noticed a mole on the bottom side of his right eye.

"Hoy, babae! 'Yong anak mo rito—" Napahinto sa pagtakbo si Rachel nang mapatingin siya sa lalakeng kaharap ko.

"Astro!" Maiyak-iyak akong lumapit sa kanila. "Thank—"

"What the fuck are you doing here?!" galit na sigaw ni Rachel.

"I'm here to save you."

"Hindi na kailangan!" Pumatak ang luha mula sa mga mata ni Rachel, kaya napalunok ako. "Hindi ka na dapat bumalik dito pagkatapos mo kaming talikuran para lang diyan sa lecheng pangarap mo!"

"Rachel, let me expl—"

"And to tell you this, Kira's gone! Our daughter died because of a father like you, Kio!"

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now