Chapter 37

316 29 2
                                    

"Uy, Ate Jam! Kanina ka pa tulala riyan!"

Napatingin ako kay Luna nang marinig ang sinabi niya. Bumaba ang tingin ko sa kamay namin ni Astro na magkahawak bago ako napabuntong-hininga. Roger didn't answer all of my questions, but him being silent the whole time, makes me wonder if all my suspicions were actually true. . . or not.

Am I just overthinking? Pero kasi, sumakto rin naman ang lahat.

"Ate Jam?" Raine waved her hands in front of my face. "Okay ka lang po ba? Gusto niyo na po bang bumalik sa clinic para magpahinga?"

"I'm fine," I lied. "May iniisip lang."

"Share mo naman sa 'min, ate! Para matulungan ka rin namin kaiisip!" hiyaw ni Luna, kaya natawa ako. "Seryoro, Ate Jam! Mas malala pa ba 'yan sa kung ano ang nauna sa manok at itlog?"

"Malala pa sa kung paano nangyari lahat ng 'to," sagot ko, kaya natahimik sila. I immediately regretted for running my mouth without even thinking. "Hindi ba kayo nagugutom?"

"Ate, katatapos lang natin kumain," Luna said.

Muntik na akong mapasapo sa noo ko dahil sa katangahan ko. Nginitian ko na lang sila bago ko binalik kay Astro ang tingin ko. Kasalukuyan siyang natutulog sa hita ko habang hawak-hawak niya ang daliri ko.

"Mukhang napagod talaga si Astro sa habulan nila ni Casperm kanina, ah?" natatawang bulong ni Luna.

"Casper was here?" gulat na tanong ko. Napasulyap ako kay Janison nang bigla na lang umasim ang mukha niya nang marinig niya ang pangalan na 'yon.

"Opo! Alam niya kasi na mahirap patulugin si Astro, kaya pinagod na lang niya!" natatawang pagsusumbong ni Raine, kaya mahina akong natawa.

"Mautak din pala si Casper," bulong ko.

"Mas mautak ako ro'n," pagpaparinig ni Janison. Napatingin kami sa kaniya, kaya napairap siya at inis na nag-iwas ng tingin. "Mas pogi rin ako."

"Oh, tapos?" masungit na tanong ni Raine sa kaniya.

Gulat kami ni Luna na napatingin sa kaniya dahil ito ang unang beses na nakita namin siyang nagsungit.

"Maiba tayo," tikhim ni Raine. "Bakit parang iniiwasan ka yata ni Casper, Ate Jam? Did something happen between you two?"

"Wala naman. Bakit?" tanong ko.

"Sayang," bulong naman ni Janison. Sinamaan ko siya ng tingin, kaya napanguso siya at inis na tumayo. "I'll go outside na nga lang. You're putting me out of place with your topics kasi, e."

"Janison!" tawag ko pa sa kaniya, pero nakalabas na siya ng nursery room. Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi ko talaga masukat ang kataasan ng pride niya.

"Is he really your brother?" Luna asked all of a sudden.

No, he's not. "He is."

"Ang layo niyo sa isa't isa, Ate Jam! Ang sungit-sungit niya, parang si Casper at Kuya Logan lang din, pero wala nga lang talaga makatatalo sa kataasan ng pride niya!" inis na singhal bigla ni Raine.

Magkasalubong pa ang mga kilay niya na parang ayaw niya talaga sa ugali ng kapatid ko. Napatitig na lang ako sa pinto kung saan lumabas si Janison. Bumuntong-hininga muna ako bago ko inayos ang pagkahiga ni Astro.

"Ate Jam?" patanong na sambit ni Raine sa pangalan ko.

"Kakausapin ko lang si Janison," sagot ko, kahit hindi pa naman niya nakukumpleto ang kung ano talagang itatanong niya sa 'kin.

"Nasa basketball court siguro siya," buntong-hininga ni Luna bago niya nilaro ang paa ni Astro. "Do'n siya palaging tumatambay sa tuwing may bumabagabag sa isipan niya."

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now