Chapter 25

406 23 38
                                    

Nagising ako nang may maramdaman akong naglatag ng higaan sa sahig. Dumilat ako at naaninag ko sina Raine at Luna na nag-aayos ng higaan nila. Mabilis akong bumangon, kaya bahagya silang napahiyaw sa gulat.

"Ate Jam!" Napahawak pa si Raine sa dibdib niya. Her eyes were wide as she stared at me with shock written all over her face.

"Bakit kayo nandito?" inaantok na tanong ko. Napatingin ako kay Astro na nakahiga sa tabi ko rito sa sofa, nang bigla kong naalala kung bakit ako nandito. "Hala! 'Yong mga balde sa labas—"

"Nakuha na po nina Roger at Kuya Drake 'yong mga balde na may tubig ulan," sagot naman ni Luna. Nakangiti niyang ipinagpatuloy ang paglatag ng higaan nila, kaya kumunot ang noo ko. "Ay, ito po ba? Tumutulo po kasi sa kwarto sa taas. Dito na lang po muna kami ni Raine matutulog."

Tumango na lang ako. Inayos ko ang damit ni Astro, bago ako bumangon. Nagpaalam ako sa dalawa na tutungo muna ako sa kusina.

Pagkarating ko roon, nadatnan ko si Zoe sa counter. Nakaupo siya, umiinom ng kape, at nakatitig sa kawalan. Ilang segundo ang lumipas, napatingin din siya sa akin.

"Hey." I flashed my eyebrows and gave her a small smile. "Mas lalo kang hindi makatutulog niyan, Zoe. Sana gatas 'yong ininom mo at hindi kape."

Napabuntong-hininga siya. "If you're looking for hot chocolates, nasa pangalawang cupboard. May isang box pa yatang natitira diyan, kung hindi ako magkakamali."

I checked the storage and found the box she was talking about. Napangiti ako bago kumuha ng dalawang sachet. Kumuha na rin ako ng dalawang pink polka-dotted mugs, saka tinimpla na 'yong hot chocolate.

"How'd you know about this?" I asked Zoe.

Nagkibit-balikat naman siya at humigop muna ng kape. "Daisy always makes them hot chocolate drinks."

Napangiti na lang ako. "Hindi ka na ba galit kay Daisy?"

"Hindi naman ako galit sa kaniya, e," pabulong na sambit niya sabay buntong-hininga. "Naiinggit siguro, oo. Pero hindi ako galit sa kaniya."

"Zoe," I called her. "Kung hindi dahil sa 'yo, hindi maliligtas si Rachel. You're a great doctor yourself, and I'm sure you'll save many lives in the future."

"Pero ako rin naman 'yong rason kung bakit hindi pa rin nagigising ngayon 'yong kaibigan niyo," sising-sisi na bulong niya. Napayuko siya, kaya naglakad ako papalapit sa kaniya. "I'm sorry."

I smiled. "Ini-imagine ko nang susugurin ka kaagad ni Rachel pagkagising niya, e. But I'm sure she'll get over it, Zoe. Mabait na tao si Rachel."

"But her child," she mumbled. Guilt was written over her face.

"Her child will be fine. Ilang beses na kaming tumakbo papunta roon, papunta rito, malakas pa rin naman ang kapit ni Raven," natatawang wika ko, kaya natawa na rin siya sa wakas.

"Raven? Ang gandang pangalan n'on," manghang sambit niya, kaya nakaramdam ako ng lungkot. Sumagi naman kaagad sa isipan ko si Kio.

Tumango na lang ako. "Pinag-isipan talaga ng papa n'on, e."

Sabay kami na bumalik sa sala. Inilapag ko sa maliit na mesa ang dalawang mug, kaya kaagad na nagningning ang mga mata ng dalawa. Napailing na lang ako bago ako tumabi kay Astro at marahan na hinaplos ang pisngi niya.

"Bumaba na rin sa wakas ang lagnat niya. Let's just hope na 'wag nang babalik, lalo na't sobrang sama ng panahon ngayon," wika ni Zoe, kaya tumango ako. Akala ko pa naman ay aakyat na siya, pero bigla siyang umupo sa kabilang sofa. "I'll sleep here for the night. Wala kasing heater ang kwarto ko."

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now