"Rachel, malapit na tayo!" umiiyak na sigaw ni Drake habang itinatakbo namin si Rachel papunta sa bahay ni Dale. "Kahit ilang beses mo pa akong batukan, sipain, at batuhin, hindi na ako magrereklamo! 'Wag mo lang akong iwan, please!"
Mabilis kong pinunasan ang luhang kumawala mula sa mga mata ko. Nakilala ko si Drake bilang isang masiyahing tao, palaging nakangiti, at mapagbiro. It hurts me a lot to see him cry and beg someone not to leave him.
Hindi ko siya magawang aluin dahil buhat-buhat ko rin ang inaapoy ng lagnat na si Astro. I couldn't do anything but silently cry in pain and regret as we ran in the cornfield. Hinaplos ko ang pisngi ng walang malay na sanggol sa mga bisig ko, begging him not to leave me like her mother did.
"Astro, please! Open your eyes, baby!" I yelled desperately.
I could still feel his pulse, but it was too weak. His breath was hot and unstable. His face and lips were both pale.
Nabuhayan ako ng pag-asa nang matanaw ang malaking bahay. Mabilis na tumakbo si Zoe para pagbuksan kami, pero hindi ko nagawang magpasalamat sa kaniya dahil din sa ginawa niya kay Rachel. Hindi na ako nag-aksaya pa ng ilang segundo ang mabilis na pumasok sa loob.
"Help!" I cried out. "Dale! Please, help us! Dale!"
"What happe—" hindi na niya naipagpatuloy ang itatanong niya nang makita niya ang sitwasyon dito sa labas. "Zoe, ihanda mo ang kwarto!"
Taranta kong inihiga si Astro sa sofa. Maingat ko siyang niyugyog, pero hindi pa rin siya gumagalaw. Wala ring tigil sa pag-agos ang mga luha ko habang ang mga kamay ko naman ay nanginginig sa takot.
"Astro," I called him. Napatingin sa akin si Drake at umiiyak na napasabunot sa sarili niya, hindi alam kung sino ang dapat na unahin. Ang pinsan ba niya o si Astro.
I bit my lip before I stood up. Nakahanda pang sumalo si Casper sa akin nang muntik na akong matumba dahil sa pangangatog ng mga tuhod ko.
"Luna, pwede ka bang maghanda ng maligamgam na tubig at bimpo para sibinan si Astro?" tanong ko, kaya mabilis siyang tumango at dali-daling nagtungo sa kusina ng bahay.
Lumapit naman ako kay Drake. "Dale and Zoe will take good care of Rachel. Huwag ka nang mag-alala dahil pareho silang doctor, okay?"
"How about Astro?" mapait na tanong niya.
"He'll be fine," tipid na sagot ko. "I'll take care of him."
Naghanap na ako ng gamot sa mga naka-display dito sa unang palapag. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil nakita ko ang paracetamol na pinapainom ni Elsie kay Astro noong nilagnat ito. Dinampot ko ito at mabilis akong nagtungo pabalik sa sala kung nasaan sila.
Bumalik na rin si Luna, dala-dala ang palanggana na may lamang maligamgam na tubig. I thanked her before I took it and the clean towel from her. Sinimulan ko nang sibinan si Astro habang hinahaplos ang noo niya.
Pagkatapos ko ay pinainom ko na rin siya ng gamot. I stayed by his side, not planning to leave him alone. Kahit na alam ko naman hindi siya pababayaan nina Luna at Casper, hindi ko pa rin siya magawang iwan dito.
"Astro," I cried silently.
Umupo sa tabi ko si Luna at niyakap ako. I could feel her care in the warmth of her hug. Napalunok na lang ako at ilang beses na pinunasan ang mukha ko, ngunit walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.
Hindi mapapanatag ang loob ko hangga't hindi ko nakikitang gising si Astro. I already lost his mom, at alam ko na hindi ko kakayanin kapag siya rin ay nawala sa 'kin. They were my only family, and I would do everything to keep them by my side, kahit si Astro na lang ang natitira.
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
HorrorFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...