Na-cancel ang plano ko na puntahan ang sinasabi ni Drake dahil nagsimula na silang magsuka. Wala kaming nagawa kundi ang alalayan ang mga lasing at linisin ang mga suka nila. Gosh, I really didn't sign up for this.
"Pakiabot nga ng timba, Jam," biglang sabi ni Logan sa akin, kaya nagulat ako. Kunot-noo siyang napatingin sa akin habang inaayos ang hawak niyang basahan. "Please?"
"Jam? Bago 'yan, ah?" tanong ko bago ko inabot sa kaniya 'yong pinapaabot niya.
Nanliit ang mga mata niya. "Crush mo ba 'ko, ha?"
"Hoy, ang kapal," hindi makapaniwalang na bulong ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko para mas over tingnan 'yong gulat. "Anong foundation gamit mo sa mukha mo, Logan, ha? Bakit ang kapal?"
Inirapan na lang niya ako. "You're the one making a big deal out of the small things I do. Masama bang mag-assume ako sa mga paganiyan mo, Jamira?"
Napahalakhak ako. "Gago! Assuming ka pala, e!"
"Hello? You're missing the point here!" Mas lalo siyang napangiwi at inis akong tiningnan.
"Na-miss ko ba? Sorry, hindi kasi ako sharpshooter, e," biro ko kahit na out of topic na 'yon.
He smirked and immediately grabbed the chance to turn this conversation upside down. "Yeah, I know. That explains how you used the bow and arrow, just to look cool in a life-threatening situation this morning."
"Ah? Talaga ba, Logan?" inis na tanong ko, pero nginisian niya lang ako. Ako naman ngayon itong inirapan siya dahil sa inis.
"Now you know how I feel every time you make fun of me?" he asked with an arched brow.
"Wala," kaagad na sagot ko.
Kumunot naman ang noo niya. "Wala?"
"Wala akong pakialam," pagkukumpleto ko at nag-iwas na ng tingin. Ipinagpatuloy ko na ang paglilinis ng mga kalat, kaya wala siyang nagawa kundi ang manahimik na lang.
Mabuti naman at hindi na niya ako kinausap pa. Tahimik lang kaming naglinis dito sa labas. Nang matapos na kami nag-unat-unat ako at tiningnan ang oras sa suot kong relo.
"11:48," bulong ko. Grabe, ang tagal din pala naming nagkuwentuhan at nag-inuman dito sa labas.
"Pasok na tayo," aya ni Logan sa akin. Dala-dala na niya ang box kung saan ko nilagay ang mga walang laman na lata ng mga beers. "Baka lamigin ka pa rito."
"Mauna ka na," sambit ko. "Magpapahangin muna ako."
Napabuntong-hininga naman siya. I just nodded my head before looking away. Narinig ko na pumasok na siya, kaya sumandal ako sa pader at pinag-ekis ang mga braso ko.
Ipinikit ko na rin ang mga mata ko at dinama ang lamig na dala ng gabi. I smiled as I felt that tingling sensation on my body, which made my hair on the back of my neck bristled.
"I still don't get it. Bakit mas trip mo ang comfort na dala ng lamig ng gabi kaysa sa mainit na araw?"
Bigla ko na lang narinig ang boses ni Logan sa tabi ko. He walked towards me and copied my position. Napatitig na lang ako sa kaniya bago ako tumikhim.
"Bakit ba? E, sa mas gusto ko 'to, e," sagot ko, kaya napailing na lang siya bago niya ako tiningnan. "Kung hindi mo trip 'yong trip ko, 'wag mo na lang gayahin, okay?"
Bigla na lang siyang napangiti, kaya nakaramdam ako ng pangingilabot sa buong sistema ko. "The Jamira I know is back."
"Gago," mura ko sa kaniya. "Hindi naman ako nawala, e."
Napailing siya at napatitig sa kalangitan. "You will never understand it, kasi hindi naman ikaw 'yong nasa position ko."
"Then make me," I said, making him look back at me. "Make me understand, Logan. Sa ganitong paraan, hindi na mauulit 'yong pag-aaway natin tungkol sa bagay na 'yon."
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
HorrorFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...