Chapter 36

335 29 4
                                    

"What?! Tatlong linggo?!" gulat na hiyaw ko. "Tatlong linggo akong tulog?!"

Lahat sila ay nakapalibot na sa akin. Even the others were still in shock, seeing me alive, breathing, kicking, screaming, and awake.

"'Yong kay Logan, ayos lang kasi isang linggo lang," wika ni Hikari.

"Anong ayos lang?! Hindi ayos 'yon, aba! Buong linggo, walang tumulong sa 'kin mag-igib ng tubig!" tutol naman si Drake at dinuro-duro pa si Logan. "Ano 'yon? Sleeping beauty lang siya for a week? Gano'n?"

"Bumawi naman ako, ah?" tanong ni Logan sa kaniya.

Natawa naman ako dahil para silang mag-asawa na magkaaway, pero agad din akong sumeryoso. "Tangina, gago. Totoo ba? Tatlong linggo talaga akong tulog at walang malay?"

"Oo nga! Paulit-ulit ka naman, e," kakamot-kamot ang batok na sagot ni Janison. Tiningnan ko siya, kaya nag-iwas siya ng tingin at pasimple pa na nagtago sa likuran ni Luna. "Oo, tatlong linggo nga. . ."

"Janison, may ipis!" hiyaw ni Luna, kaya gulat na napalingon ang kapatid ko. Bago pa man ito makapagsalita, tinulak na siya ni Luna papalapit sa akin.

"Nasa'n. . . Nasa'n 'yong. . ." Nagkatinginan kaming dalawa, at bigla na naman siyang napaluhod sa sahig. Nangatog na naman siguro 'yong tuhod.

I helped him get up, before I sighed. "What's the situation now? How's Dale?"

Nagkatinginan silang lahat. No one dared to answer me. Sumama naman ang mukha ko bago ko nilingon si Zoe.

"He's fine," sagot niya. "He's trying to do work. Nagagalit siya kapag pinipigilan namin siya. Ang sabi niya, ayaw niyang maging pabigat dahil lang nawalan siya ng braso."

"Pero hindi pa maayos 'yong braso niya," bulong ko.

"That's what we're thinking too," sagot naman ni Daisy. Napabuntong-hininga siya bago napatingin sa labas. "I told him not to push himself too hard, pero hindi talaga siya nakikinig."

"May kinalaman ba rito 'yong pagkawala ng bahay niya?" tanong ko.

Zoe nodded her head. "Tingin ko nga rin. Her wife, Cynthia, was an architect, at 'yong nag-design ng bahay na 'yon, kaya hindi talaga maiwan-iwan ni Dale. Kahit ngayong may panibagong virus naman, sinabi niyang tatayo pa rin 'yong bahay na 'yon."

Nakaramdam naman ako ng guilt. Kung hindi kami roon dumiretso, siguro ngayon walang problema si Dale. Siguro nasa bahay pa rin niya siya at siguro ay may kamay pa rin siya ngayon.

"It was all my fault," I mumbled.

"Ayan ka na naman. Inaako mo na naman lahat ng mga mali, e," bulong ni Drake. Inakbayan niya ako at mahina niyang pinitik ang noo ko. "Hindi mo kasalanan 'yon. Who knows, kung hindi natin inalis sina Zoe at Dale sa bahay na 'yon, baka sumabog din sila kasama n'on?"

"Hindi sasabog 'yon kung hindi ko pinatuloy si Yel," sagot ko bago ko tiningnan si Logan. "I told you that Yel is my responsibility, right? She is, and she will be."

"Pagkatapos ng ginawa niya sa 'tin, Jam?" inis na tanong ni Daisy sa akin. Magkasalubong na ang mga kilay niya at paniguradong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"I tied a knot between us. Ako ang nagpapasok sa kaniya, kaya kasalanan ko ang lahat ng mga ginawa-"

"Jamira, you are one of us, and Yel's not! Hindi mo kailan man magiging kasalanan ang kasalanan niya! Ginusto niya 'yon, pero ikaw hindi!" galit na sigaw ni Daisy.

"Sa tingin mo ba magagawa niya 'yon sa 'tin kung hindi ko siya pinatuloy?" mapait na tanong ko. "Kahit saang anggulo man natin tingnan, kargo ko 'yong mga ginawa niya, Daisy.

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now