Christmas Special Update Alert!
Merry Christmas and enjoy reading, everyone!
The night is as heavy as it seems. Malamig, mapanganib, at higit sa lahat, malungkot. Balot na balot ng katahimikan ang buong paligid, dahilan para bumigat ang bawat paghinga ko.
Daisy locked herself in the bathroom. Sina Rachel at Astro naman pinagpahinga ko muli sa kwarto nang magising sila kanina. Kio is still sitting in the corner of the shop, staring blankly at the floor.
And Drake? Nakaupo sa labas ng banyo at umiinom ng beer, habang paulit-ulit na humihingi ng tawad sa kapatid niya. Hindi ko maintindihan kung bakit iniwan pa niya si Daisy rito, kung pwede naman niyang isama sa kanila ni Rachel sa Riverdale.
Seeing how Drake cares about a stranger like me makes me wonder why he couldn't do that to his own sister. I wanted to ask him, but I couldn't bring myself up to approach him. Whatever his reason for doing what he did, it couldn't change the fact that his actions hurt Daisy.
Napabuntong-hininga na lang ako bago tumayo. Dinampot ko ang bag ko at inilabas lahat ng mga gamit na hindi ko naman kakailanganin. Napansin ko na napatingin sa direksyon ko sina Drake at Kio, kaya tiningnan ko rin sila.
"We should stick to our plan for coming back here. Find a car, leave Springdale, and proceed to Riverdale." Nakatatawa lang isipin kasi kami dapat ni Logan ang magkasama, pero bigla na lang nag-iba ang lahat.
I'll just hope that our paths will cross once again. At sa oras na makita ko siya muli, hindi ako magdadalawang-isip na batukan siya nang bonggang-bongga. Plinano pa talaga niyang dagdagan ang utang na loob ko sa kaniya.
"Ligtas ba sa Riverdale?" tanong ni Kio at tumayo na rin para mag-ayos ng mga gamit.
"Sabi ni Logan ligtas do'n. Una pa lang, nasa plano na namin na pumunta ro'n," sagot ko.
Lumapit sa amin si Drake. "Then tomorrow, we'll leave first thing in the morning. Sasabihan ko lang sina Rachel at Daisy tungkol dito."
Aalis na sana siya, pero kaagad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya. "Hayaan mo muna sila. Let Rachel rest and let your sister sort things out. Daisy is surely still upset."
Nagpakawala na lang siya ng isang mabigat na buntong-hininga. Tumango siya bago dahan-dahan na bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kaniya. He then looked at me with playful eyes.
"Para-paraan ka Jam, ha?" nang-aasar na tanong niya, kaya napangiwi na lang ako at mahinang tinabig ang kamay niya. "Sus! Kunwari ka pa riyan. Gusto mo naman talagang hawakan 'yong kamay ko, e 'no?"
Natatawa na lang na napailing si Kio. "Dumbass."
"Hoy, Kio! Hindi ko pa nakalilimutan 'yong mga ginawa mo sa pinsan ko, ha? 'Wag kang makisali rito," inis na pambabara niya kay Kio kaya napabuntong-hininga na lang ako at ipinagpatuloy na ang pag-aayos. "Saka, hanggang dito lang 'yong WiFi. Hindi ka connected, hindi abot diyan sa 'yo."
"Stop pretending like you didn't give me your blessing, kiddo," Kio exposed him. "Parang hindi mo lang sinabi sa 'kin kanina na dalawang buwan mo rin akong hinintay na bumalik. You already know my reasons, Drake, pero hindi mo lang talaga masabi kay Rachel kasi gusto mo na ako mismo ang magsabi sa kaniya."
"Dre, alam mo? Ang epal mo, 'no?" nakangiwing tanong ni Drake sa kaniya, kaya kumunot ang noo ko. "Sobrang okay na nga 'tong drama natin, oh! Napagsilbihan ko rin 'tong acting skills ko!"
"Acting din ba 'yong binangasan mo 'tong mukha ko?"
Napakamot na lang si Drake sa batok niya. "Kailangan ko rin kasi nang mapagbubuntungan ng takot kanina. Gago kasi 'yong Logan na 'yon, ginawa ba naman akong shield."
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
HorrorFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...