Rachel
"Gago, Logan!" gulat na hiyaw ko nang bigla na lang siyang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay. "Drake, buhatin mo nga muna 'yan!"
Nilingon ko ang batang babae. "Raine! Saan 'yong bahay niyo?"
Napansin ko na nakahinga siya nang maluwag. Binitiwan niya ang hawak niyang zombie na maskara, saka niya hinawi ang buhok niya. Sinuot niya rin nang mabilisan ang salamin niya, bago niya kami sinenyasan na sumunod sa kaniya.
"Hang in there, kuya," puno ng pag-aalala na bulong ni Luna, habang inaalalayan ang pinsan ko sa pagbuhat sa kapatid niya.
Tumigil kami sa harapan ng isang two-story house. Nilingon muna kami ni Raine, bago niya binuksan ang gate. Dali-dali siyang pumasok sa loob, kaya mabilis kaming sumunod sa kaniya.
"Kio, i-lock mo 'yong gate," utos ko sa kaniya dahil siya ang nagpahuli sa aming lahat.
"Yes, wife."
My brow arched upon hearing his response. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, kaya napalunok ako. It's been so long since I last heard him call me that.
"What?" inosenteng tanong naman niya. "Okay na. Na-lock ko na 'yong gate."
Inirapan ko na lang siya. Nauna na ako sa kaniya na pumasok sa bahay. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa, bago siya sumunod sa akin.
"Where's your brother?" nag-aalalang tanong ni Roger matapos niyang ihiga si Jamira sa sofa.
"Nasa kwarto niya po sa taas," kaagad naman na sagot ni Raine.
"I'll go with you."
Hinila ko si Casper sa likurang kwelyo niya. "Ano namang maitutulong mong bata ka? You better stay here and take care of Jamira."
Napanguso na lang siya at maamong tumango. Napabuntong-hininga naman ako. Nilingon ko si Drake nang inihiga niya si Logan sa kabilang sofa.
"Raine," tawag ko sa kaniya, kaya napatingin siya sa akin. "Pwede ba kaming makialam sa mga gamit niyo rito sa bahay niyo? We need things to treat our friends."
Kaagad siyang tumango. "Nasa divider po ang medicine kit. May palanggana at bimpo naman po ro'n sa kusina."
"Thank you so much, Raine." Nginitian ko siya bago ko tiningnan sina Roger at Kio. "Kayo na lang 'yong sumama kay Raine sa taas. Kami na rito ang bahala sa dalawa."
Hindi na sila umangal pa sa sinabi ko. Tinanguan nila ako bago sila umakyat sa taas. Sinundan ko muna sila ng tingin bago ko nilingon si Daisy.
"Ikaw na lang 'yong maglinis ng sugat ni Logan?" tanong ko sa kaniya. "Ako na'ng bahala kay Jam."
Tumango siya at inihiga si Astro sa kabilang sofa, Pinabantayan muna niya ito kay Casper, bago siya nagtungo sa divider para kunin ang medicine kit. Dumiretso naman ako sa kusina para kumuha ng palanggana at maligamgam na tubig.
"Tulungan na kita, Ate Rach."
Nilingon ko si Luna. "Si Daisy na lang 'yong tulungan mo ro'n sa kuya mo. Madali lang naman sibinan 'tong si Jam, e."
Natahimik siya at hindi pinansin ang sinabi ko. Dinampot niya ang heater, saka niya ito nilagyan ng tubig. Napabuntong-hininga na lang ako bago ko hinawakan ang balikat niya.
"Luna," malumanay na tawag ko sa kaniya. "Kaya ko naman ang Ate Jam mo, e. Doon ka na sa tabi ng kuya mo, dahil mas kailangan ka niya ngayon do'n."
Tumulo naman ang luha niya. Nanginginig niyang binitiwan ang cord ng heater. Bahagya pa siyang napaatras at ilang beses na tumango.
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
HorrorFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...