"Ay, ayan na siya," bulong ni Rachel sa akin. "Huwag mong sabihin sa kaniya na sinabi ko sa 'yo 'yon, ah? Baka itakwil niya ako bigla."
Lumapit sa pwesto namin si Drake. Nakangiti pa siya nang malapad bago siya umupo sa tabi ko. Inilatag niya sa harapan namin ang dala niyang mga pagkain.
"Kumain kayo nang marami," wika niya sa amin.
Nanlambot naman ang puso ko. Para siyang maalaga na kuya na binibigay pa sa mga kapatid niya ang pagkain niya. Napatitig na lang ako sa kaniya habang binubuksan niya ang isang bote ng tubig.
"Uminom ka muna, Jam," wika niya at inilahad iyon sa akin. "Oh, bakit? Bakit ganiyan ka makatingin? May dumi ba 'ko sa mukha?"
Narinig ko naman na tumikhim si Rachel. "Maiwan ko na muna kayong dalawa rito. Titingnan ko lang kung humihinga pa ro'n 'yong kapatid ni Luna."
"Oh, right!" Kaagad naman na pumasok sa isipan ko si Logan. "Hindi ko pa pala siya nahanapan ng painkillers!"
Naglaho kaagad ang ngiti sa mga labi ni Drake. "Logan na naman."
"Bakit?" nagtatakang tanong ko. "Kailangan niyang makainom ng painkillers, or else he'll lose consciousness again for the nth time. Mas delikado 'yon."
Nagkatinginan silang dalawa ni Rachel. Mabilis kong ibinalik sa kaniya ang tubig saka na ako tumayo. Hindi na ako nakapagpaalam pa sa kanila dahil sa pagmamadali ko na magtingin-tingin ulit sa mga sasakyan.
"Give it up."
"Ay, mama mo give it up!" gulat na hiyaw ko nang bigla kong narinig ang boses ni Logan sa tabi ko. "Ano ba naman 'yan?!"
Nakasandal siya sa isang sasakyan. Kasalukuyang nakahawak sa sugat niya, kaya mabilis akong lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at nagulat ako nang maramdaman kong malamig iyon.
"Shit," kabadong mura ko at kinapa ang noo niya. "Shit, Logan. You're burning."
He immediately removed my hand from his forehead before closing his goddamn sleepy eyes. "Please don't tell Luna about this. Panigurado mag-aalala nang sobra-sobra 'yon."
"Of course, she will."
Mapait na lang siyang natawa sa sinabi ko. "I was the one who was supposed to protect her. Hindi dapat ako 'yong pinoprotektahan at inaalagaan ngayon."
Napapikit na lang ako sa inis. "That's normal, idiot. May nakikita ka bang tao na hindi nilalagnat o nagkakasakit, or even not feeling any pain?"
"Yes," he answered. "Those creatu—"
"Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi sila mga tao!" inis na bulyaw ko sa kaniya, kaya gulat siyang napatingin sa akin. "Now, I need you to trust me and pull your shits together. 'Wag kang magsalita na parang dito na matatapos 'yang buhay mo."
Natahimik na lang siya. The silence between us was too loud. Inis akong nag-iwas ng tingin at pasimpleng pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.
"Why are you crying?" nanghihina, pero natatawang tanong niya.
"I'm not. Namamalik-mata ka lang," inis naman na sagot ko bago ako tumikhim. "Can you move? Can you get up? Can't you help yourself? Do I still need to ask Roger to help you up?"
"You're crying," giit niya.
"I'm not!" Tumaas na ang boses ko, kaya sumeryoso siya. "I'm not, okay? May pumasok lang na kung ano sa mata ko. Hindi ako umiiyak."
He sighed. "You're not good at acting. Give it up and tell me why you're crying."
Inis ko na lang siyang tiningnan. "You're still breathing and kicking, but you're already acting like your life is already coming to an end! Hindi mo na ba kayang lumaban, ha? Kahit. . . Kahit para na lang kay Luna?"
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
HorrorFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...