"We're not going," desididong wika ni Hikari. "Hindi ko ilalagay sa panganib ang buhay ng kapatid ko. It's decided, we are not coming with you there."
"And they probably won't take us in," segunda naman ni Hiroshi. Napabuntong-hininga siya bago niya sinulyapan ang kapatid niya.
Umiling ako. "They will."
"You got a plan, Jam?" tanong ni Rachel sa akin. Everyone turned to look at me when they heard her.
I sighed before looking at Janison. "Gaano ka katagal nanatili ro'n bago ka umalis?"
"Magdadalawang buwan yata, ate," sagot niya. "Bakit?"
"May alam ka bang weakness ng community? If they got walls, people might think they're prepared or most likely, safe from the world outside, pero imposible naman na wala silang kahinaan, 'di ba?"
"What do you mean?" kunot-noong tanong ni Logan. Hindi ko siya pinansin dahil naiinis pa rin ako sa kaniya.
"What do you mean about that, Jam?" tanong naman ni Daisy sa akin.
"Let's make a deal with them, then," nakangising sagot ko. "If they are low on fighters, we could be their fighters, pero ang kapalit niyon is. . . they will let the siblings in."
"If they're low on medicine supplies, we'll give them more. . . If they have no weapons, we'll find them some!" hiyaw naman ni Casper. Kapansin-pansin pa ang tuwa sa mukha nito habang nakatitig sa akin. "That's a great plan, Jamira!"
"Tch!" palihim na pagtataray ni Janison, pero narinig ko pa rin naman 'yon. Natigilan siya at gulat na napatingin sa akin. "Yeah! About that. . . Belria's actually having a hard time rationing foods and stocks!"
Napangisi naman ako at ilang beses na tumango. "We'll go with that."
"Magwo-work ba 'yan?" nagdadalawang-isip na tanong naman ni Zoe. Pansin ko ang matinding pag-aalala niya para sa magkapatid—para kay Kari???
I set aside the thought and nodded my head. "Trust me. It will."
* * *
Planning the deal was led by me. Naisipan ko na target-in ang supermarket kung saan namin unang nakita 'yong magkapatid. Marami pa ang naiwang mga pagkain do'n at mukhang sapat na mapakain niyon ang isang community.
If the stocks wouldn't be enough, we'll figure the rest later.
"That's a nice strategy, but first of all," Logan said. Palihim naman akong napairap nang marinig ko ang boses niya. "Where do we get a vehicle?"
"The school bus!" hiyaw ni Drake nang maalala niya. Nagkatinginan kami at sabay na napa-high five sa isa't isa.
Nagtama ang mga tingin namin ni Logan at nakita ko kaagad ang kilay niyang nakaarko. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Drake, kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. He suddenly rolled his eyes at me before looking back at the map we're currently studying.
Ayan na naman po siya. Sinusumpong na naman po ng topak niya. Maluwag kaya tornilyo nito sa utak, kaya mabilis magbago ng mood niya?
"Three groups," wika ko. "Rachel and Dale will lead the first one."
"I will lead the second one," Logan said, pertaining about the group who will clear out the supermarket. "And the third group will be led by. . ."
"Me."
Lahat kami ay napatingin kay Hikari nang bigla siyang sumulpot. Her voice sounds decisive, eyes were serious. Napabuntong-hininga na lang ako bago umusog sa tabi ni Drake, para magkaroon siya ng pwesto.
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
HorrorFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...