Chapter 04

586 28 1
                                    

Jamira

Natapos na ako sa pag-aasikaso kay Astro, at mabuti naman ay diretso na itong natulog. Napabuntong-hininga na lang ako habang nag-uunat. Pagod kong ibinagsak ang katawan ko sa isang swivel chair at minasahe ang sentido ko.

"Hay!" Napapitlag ako nang may bigla na lang sapilitan na bumuntong-hininga sa harapan ko. "Nakakapagod din palang habulin! Tapos, sobrang bigat pa ng bag na 'yon kanina!"

I frowned before looking at Logan, who's currently sitting on the chair across me. "It was your fault, though. Alam mo naman na nando'n 'yong mga gamit na kakailanganin ni Astro, iniwan mo pa."

"Guilty?" tanong niya at saka ngumisi.

Nag-iwas na lang ako ng tingin. I somehow felt guilty and responsible upon knowing they almost had themselves killed. Kung alam ko lang marami pa pala ang mga nasa labas ngayon at naghihintay lang ng bibiktimahin, sana hindi ko na lang sila pinaalis.

"Sorry," nakayukong bulong ko.

I heard him chuckle. "Pfft! I was just kidding, woman. 'Di ko naman in-expect na seseryosohin mo talaga 'yong mga sinabi ko."

Napatingin na lang ako sa kaniya. He jokingly shrugged his shoulders before looking away. Sumagi naman sa isipan ko ang tungkol sa kapatid niya, kaya nakaramdam ako ng lungkot.

"Logan," I called him. "I don't want to put my life in danger, but I think I should do this to make it up to you. After all, I owe you my life."

"What do you mean?" he wondered.

"We shouldn't waste another minute. Let's go out and find your sister."

Kaagad na naglaho ang nakalolokong ngiti sa mukha niya nang mabanggit ko ang kapatid niya. Napansin ko pa na nagdadalawang-isip siya, pero sa huli ay nagawa niya rin na tumango. Nagpakawala muna siya ng isang mabigat na buntong-hininga bago siya tumayo.

"It's hard to say no," he said. "After all, hindi ko rin naman makakaya 'tong gawin nang mag-isa."

Tumayo rin ako at agad na nilahad ang kamay ko dahilan para kumunot ang noo niya. "It's a deal, then?"

Hindi siya makapaniwalang napasinghap at saka mahinang natawa. He nodded before shaking my hands. Wala sa sarili naman akong napangiti habang nakatitig sa mukha niya. I quickly let go of his hand when I heard someone clear their throat.

"Why are you tense? It's not like we're doing a crime here," Logan said while staring at his palm.

"I was just wondering if you want me to prepare weapons for you two before you go out?" Kio asked while leaning on the pillar with a teasing smile on his face.

"But I don't know how to use guns," I nervously confessed, like it was a crime.

Kio shrugged. "Guns aren't the only weapons."

"Then you got sticks here?" I asked.

Kumunot ang noo ni Kio. "Sticks, hmm? If I remember, may bo staff 'yong isang officer dito. You think you can make use of that?"

Napangisi ako. "That would be better."

Tinipon na ni Logan lahat ng mga kasama namin dito sa gitnang parte ng police station. Hindi ko pinansin ang mga titig na binabato ni Drake sa akin dahil abala ako sa pag-ayos ng mga gamit ni Astro. Nababasa ko sa mukha niya na tutol siya sa pag-alis namin ni Logan ngayong gabi.

"Sigurado ba kayo riyan?" tanong ni Rachel at maging siya ay mukhang tutol din. "What you're planning to do is suicide."

"Dala niyo pa si Astro," dagdag naman ni Drake.

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now