"Alam niyo b-ba—hik!" Napatakip si Daisy sa bibig niya nang masinok siya. She cleared her throat before pointing at us one by one, lastly, at Drake. "Mahilig si Drake kay SpongeBob—hik! May boxers pa nga siya na pinaka-favorite niya noon!"
"Hoy, anak! 'Wag m-mo naman akong sinisiraan kay Jam!" lasing na hiyaw ni Drake. Pipitikin pa sana niya ang noo ni Daisy, pero mukhang naduduling na siya, kaya hangin ang napitik niya "Sa'n na 'yong noo mo, Daisy? Ba't nawala?"
Natawa na lang ako bago ko hinilot ang sentido ko. Ang tagal ko na rin pala na hindi nakainom, kaya ang dali ko na lang na nakaramdam ng hilo. I just drank five cans, at hindi na kagaya ng dati na kahit sampo pa 'yan na hindi ako nahihilo.
Ibinaba ko ang hawak kong lata at tiningnan ang mga kasama ko. All of them were now drunk, except for Logan who just drank one can of beer. Napatingin siya sa akin at napailing pa nang makita niya ang mukha ko.
"I was expecting that you won't be drunk, Jamira. Akala ko pa naman tutulungan mo akong mag-alaga nitong mga lasing, pero pati ikaw din pala, aalagaan ko," mahabang lintanya niya. Umaakto na naman siyang parang tatay na pinagsasabihan ang anak niya.
"I'm not drunk, okay? Nahihilo lang ako, pero kaya pa kitang tulungan," paliwanag ko.
"Ihi muna 'ko, guys!" paalam ni Drake.
Tumayo siya at nagulat ako nang bigla na lang niyang tinangkang buksan 'yong zipper ng pantalon niya. Mabuti na lang at napigilan siya ni Logan bago pa man 'yon mangyari. Drake's forehead creased as he stared at Logan with a perplexed face.
"Ba't mo hinahawakan pututoy ko? Bakla ka ba, ha?" inis na tanong ni Drake sa kaniya.
Nagpigil ako ng tawa, pero hindi ko na ito napigilan at napabulalas na lang. Drunk Drake really hits different than the sober one.
"What the fuck?! I just saved you from embarrassment, asshole!" inis na hiyaw ni Logan. Binatukan pa niya si Drake, kaya bumagsak ito at naunang tumama ang noo niya sa sahig.
"Aray ko," maiyak-iyak na daing ni Drake. Napaayos siya ng upo at napahawak sa noo niya. "Jami-babes, si Logan, oh! Pinush ako ni Logan! Ang sakit-sakit ng forehead ko!"
Napailing na lang ako dahil sa inasta niya. Lumapit ako sa kaniya at hinaplos ang napuruhan niyang pisngi. Mamaya, baka tuluyan pa siyang umiyak kapag hindi ko pinansin. Mukhang masakit din iyong natamo niya dahil malakas talaga 'yong pagbagsak niya.
"Ang sakit talaga ng forehead ko, Jami-babes," pagsusumbong pa niya sa akin na parang isang bata.
"Halata na 'yang si Drake, ah?" natatawang tanong ni Kari. Namumula na rin ang pisngi niya, pero mukhang pareho lang naman kami nahihilo lang at hindi pa naman lasing. "He likes you a lot, Jam!"
Hindi ko na lang siya pinansin. I focused on gently caressing Drake's forehead. Hindi ko alam kung namumula ba 'tong noo niya dahil lasing siya o dahil sa pagbagsak niya.
"Masakit pa rin?" tanong ko sa kaniya nang mapansin ko na nakapikit na siya at parang nag-e-enjoy pa.
Tumango siya. "Feel ko mawawala lang 'yan kapag kiniss mo. Hihi!"
Napangiwi na lang ako at inis na hinawi ang pagmumukha niya papalayo sa mukha ko. "Umihi ka na nga ro'n, Drake! Baka may maganap na part two na naman 'yong pag-ihi mo sa pantalon mo!"
Napadilat siya at gulat na napatingin sa akin. "Shh, Jami-cakes! Secret lang nating dalawa 'yon! Baka marinig ni Logan, asarin pa 'ko n'on!"
Napatingin ako kay Logan. Nakangisi na siya at parang natutuwa pa sa narinig niya. Napailing na lang ako bago ko tinulungan si Drake na tumayo.
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
HorrorFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...