Chapter 11

459 25 62
                                    

Balot na balot ng katahimikan ang buong bahay ni Logan. Hindi ko rin naman sila masisisi matapos iyong mga nangyari sa kanila sa labas. Even the cheerful Drake is currently sitting in silence on the couch.

"Bakit parang namatayan 'yang mga kasama mo?" tanong ng batang lalake dahil kami lang ang tumatambay dito sa counter.

"Ikaw? Ano na'ng plano mo ngayon?" Kaagad ko nang iniwas ang topic dahil baka mapunta pa 'yon sa lola niyang na-double dead.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam."

Napatitig na lang ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na mukhang nasa 15 or 16 pa lang ang edad niya. Ang mga batang kagaya niya ay wala pang maayos na plano o desisyon sa buhay.

They still need their guardians support. Idagdag pa kaya na ganito na ang sitwasyon ng mundo? Paano siya mabubuhay nang mag-isa rito?

"Stay here," I decided after I heaved a sigh.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Are you crazy? Are you serious? Are you joking? Did you even think about it? Desisyon ka, ha?"

"Kung ayaw m—"

"I'd be most grateful! Pero kasi, hindi ko lang alam sa mga kaibigan mo," nahihiyang bulong niya.

"I'll take responsibility," dagdag ko pa.

Natawa siya. "Grabe 'yon, ha? Parang nabuntis mo 'ko—"

"Boplaks," natatawang bulong ko sa kaniya at hindi ko napigilan ang kamay ko na pabiro siyang kutusan. "Kalokohan mo talaga, e."

He somehow reminds me of Elsie. Ganito rin ang ugali ng babaeng iyon. Magkaaway talaga kami noong una, pero unti-unti rin naman na na-developed ang friendship namin.

"Funny ko ba?" tanong niya.

"Oo. Funny-ra," sagot ko kaya naglaho ang ngiti sa mga labi niya, dahilan para ako naman ang matawa.

"Hoy, ano 'yan?"

Sabay kami na napatingin kay Drake nang sumulpot ito sa gitna namin. Hinawi pa niya ang mukha ng bata papalayo sa akin. Natatawang napailing na lang ako sa ginawa niya.

"Hoy, ikaw bata—"

"Casper. My name is Casper," the young man stated.

"Jasper man 'yan o ano—"

"Casper nga," giit pa nito.

"Wala akong pakialam!" inis naman na hiyaw ni Drake. "Wala akong pakialam, okay? Reto ko na sa 'yo 'yong kapatid ko, 'wag lang si Jam target-in mo."

"Tigilan mo nga 'ko," suway naman sa kaniya ni Daisy.

Napansin ko naman ang pagngisi ni Casper, na parang may plano pa na asarin itong si Drake. "I only want Jam."

"Oh, ayan! Saksak mo sa baga mo!" Dinampot ni Drake ang isang jar ng strawberry jam, saka niya ito pinayakap kay Casper.

Nagtawanan naman sina Daisy at Luna. Papalapit pa lang sila rito para yata mag-ayos ng mga pagkain sa kusina. Hindi ko na nga rin napigilan ang tawa ko nang makita ang mukha ni Casper. Parang pinipigilan niya ang sarili niya na ipalamon nang buo kay Drake ang hawak niya.

"Sa'n mo ba napulot 'tong batang 'to, Jami-babes?" tanong ni Drake at pasimpleng tumabi sa akin.

"Hindi na 'ko bata!" hiyaw naman ni Casper na parang inapakan na naman ang pagkatao niya.

"Pero mukha kang bata," nakanguso namang pang-aasar ni Drake sa kaniya. "Malamang bata itatawag ko sa 'yo, Ding. Hindi ka naman kasi mukhang matanda."

Panibagong nickname na naman.

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now