Chapter 49

66 4 0
                                    


Casper

"Ah," napadaing ako nang makaramdam ng kung ano'ng masakit sa braso ko.

Inabot ko ito at may nakapa akong kung ano'ng malapot. I immediately opened my eyes and saw my bloody palm. Bumangon, pero napadaing ulit dahil kumirot bigla ang sugat ko.

"What the—" parang tinakasan ng dugo ang mukha ko nang makita ang isang nakatarak na kutsilyo sa mattress, sa tabi ng braso kong nadaplisan.

"Luna," I mumbled her name. She was fast asleep, not even knowing na muntik na siyang mamatay.

I swallowed hard and reached for her. I called her, at hindi naman nagtagal ay nagising na siya. She looked at me with knitted brows, kulang na lang ay bungangaan niya ako sabay tanong na ano'ng trip ko at ginising siya ng hating-gabi.

Kabado kong tinuro ang kutsilyo sa uluhan niya. I was thankful na ako ang napuruhan at hindi siya. Daplis lang itong sa 'kin, pero kung siya ang natamaan. . .

"Casper," she called me while gasping for air. Nanginginig na siya ngayon sa takot, pero mabilis niyang nabuhat si Astro at lumayo sa pwesto namin ngayon.

I roamed my eyes around, pero wala namang tao. Napatingin ako sa mga kasama namin dito sa mattress. Si Hiroshi, Zoe and Kai, kami ni Luna, at Roger na nakaupo sa dulo, nakasandal sa pillar habang natutulog.

"Who did this?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Si. . ." nanginginig niyang bulong.

Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya. "Alam mo, Luna?"

Unti-unti siyang tumango at nagsimulang manubig ang mga mata. "Pero wala akong pwedeng pagsabihan, Casper, baka. . . baka patayin nga niya si Kuya. . . at Ate Jam. . ."

I cupped her face. "Luna, makinig ka sa 'kin. You almost got killed! Mabuti lang at sa akin dumiretso ang kutsilyo at hindi tumama sa ulo mo!"

Napahagulhol na lang siya. I grabbed her by the arms and pulled her into a hug. Kung sino man 'yon, putangina niya.

"Casper? Luna? Ano'ng ginagawa niyo?" inaantok na tanong ni Hiroshi, ngunit agad siyang natigilan nang makita ang duguan kong braso. "Holy crap, bro!"

Dahan-dahan naman siyang napatingin sa kutsilyo na nasa mattress. Napaatras siya nang kaunti, pero nagising niya nang hindi sinasadya si Hikari. Sunod naman na nagising ay si Roger, tapos si Zoe ang huli.

They were all puzzled while staring at the knife. Hindi pa rin nagsasalita si Luna kahit alam niya kung sino ang may kagagawan nito.

Zoe cleaned my wound and bandaged it shut, kaya naibsan naman nang kaunti ang sakit. Hindi masyadong malalim ang daplis, sapat na makapagbuhat pa ako nang mabigat gamit ang braso kong 'yon.

"I remembered this knife!" biglang hiyaw ni Hikari at napatalon pa sa gulat. "Ito 'yong hiniram sa 'kin ni—"

"Guys! Nakita niyo si Jamira?"

Napalingon kami sa sigaw ni Daisy. She was panicking while checking every rooms. Sumunod naman sa kaniya si Logan, na may hawak na litrato.

"She dropped this a while ago before she went missing," wika niya. Pinagpapawisan na rin siya at mukha nang balisa. "We already checked the rooms, but she was nowhere to be found."

"Ano?"

Sumulpot naman si Drake. Nakakunot ang noo niya. He rushed towards Logan and grabbed him by the collar, kaya napalapit kami sa kanila.

"Bakit naman siya mawawala?" inis na tanong ni Drake sa kaniya. Mukhang galit pa rin talaga siya kay Logan sa ginawa nito kayJamira.

Hindi ko siya masisisi. Masama rin ang loob ko kay Logan. I thought he was the one to protect her, but he ended up hurting her.

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now