Napatingin ako kay Drake nang patunugin niya ang hawak niyang lata na may bato sa loob nang apat na beses. Bigla na lang lumabas sina Luna at Casper sa rooftop, may hawak na binoculars at slingshot. Namangha naman ako sa strategy nila, kaya dinampot ko ang isang walang laman na lata at inihagis ito sa ere.
"Bullseye!" Casper exclaimed happily as he hit the empty can. Proud naman akong napangiti dahil ako ang nagturo sa kaniya kung paano gamitin iyong slingshot.
"You've raised him well, Jam," natatawang bulong naman ni Rachel sa akin. Napailing na lang ako bago ko nilingon si Casper, na ngayon at mayabang nang nakangisi sa direksyon namin.
"Nasa C-601 si Astro, 'no?" nag-aalinlangan tanong ko, but I couldn't deny that I missed him so much.
Rachel looked at me. "O-Oo! Gusto mo samahan kita?"
Umiling ako bilang sagot. Nagpaalam na rin ako kaagad sa kanila na mauuna nang pumasok. I rushed towards the room Rachel was pertaining about.
Hinihingal akong nakarating doon. Nadatnan ko pa si Daisy na kasalukuyang binibihisan si Astro. She looked at my direction with wide eyes and shock written all over her face.
"Jam," she said.
I just smiled at her before looking at Astro. Naramdaman ko na lang ang biglaang pag-init ng magkabilang sulok ng mga mata ko. I forgot who my family was just because of those damn memories who suddenly came back after leaving me for decades.
"Astro," I almost choke on my own tears as I mumbled his name. My chest tightened as pain wrapped around it in an instant. "A-Astro. . . Mama's here. . ."
"Mama?" kunot-noo at nagtatakang tanong niya. Dahan-dahan siyang napalingon sa direksyon ko at nang magtama ang mga tingin namin, bigla na lang sumilay ang isang nasasabik na ngiti sa mga labi niya. "Mama!"
Hindi na ako nakapagpigil at napayakap na lang sa kaniya nang mahigpit. Tears started to stream down my cheeks uncontrollably as I caressed his back. Narinig ko pa ang pagtawa niya habang tinatapik niya ang pisngi ko.
"Mama!" ilang beses na hiyaw niya, kaya mas lalo lang akong naiyak.
"I'm so sorry, As—"
"Mama, sorry! Hindi ko na po uulitin, mama! Please don't hit me, mama!" I screamed after getting slapped. Ramdam na ramdam ko ang pamamanhid ng pisngi ko, kaya napapikit na lang ako at ibinuhos ang lahat sa pag-iyak.
"Diyan ka lang ba magaling, Mira?! Sa pag-sorry every time na may mali kang nagagawa?!" galit na tanong niya sa akin.
"So-Sorry, mama—" Nakatanggap na naman ako ng panibagong sampal galing sa kaniya.
"Stop it!" sigaw niya at nag-aalalang hinaplos ang pisngi kong sinampal niya. She suddenly switched into a concerned woman, a concerned mother. "Anak, please. Mama just wants you to be a strong woman when you grow up. Ayaw kitang nanghihingi ng tulong sa kahit kanino, lalo na sa mga lalake, okay?"
"Yes, mama," I answered her while shivering. "Mira understands."
She hugged me as she whispered to my ears about how she wanted me to grow up as a strong woman like her. Then the truth just struck me. My mother left me inside a bathtub full of ice. . . for hours.
* * *
Seryoso akong nakatitig sa isang baso ng tubig na kaharap ko. Wala sa sarili kong nilalaro ang kamay ni Astro, na kasalukuyang nakakandong sa hita ko. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang tungkol sa alaala na 'yon.
"Hey, Jam." Drake snapped his fingers in front of me.
"Ha?" wala sa sariling tanong ko, kaya natawa siya. Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. "Bakit—Ahh! Astro, ouch!"
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
KorkuFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...