Dahan-dahan akong lumabas at napansin ko na bahagyang nakabukas ang pinto sa kabilang kwarto. Wala akong marinig kundi ang malakas na tibok ng puso ko habang naglalakad ako papalapit doon. Halos dasalan ko na ang lahat ng mga santo dahil sa kaba at takot na namamayani sa sistema ko.
Shit. Mas pipiliin ko na lang na multo ang sasalubong sa akin at hindi 'yong taong nangangain ng kapwa tao.
Napasandal ako sa pader nang may marinig na naman akong kalabog. Napatingala ako at napapikit dahil para na akong maiihi sa takot. Pinag-iisipan ko na kung itutuloy ko pa ba ang pagpasok doon o itatakbo na lang si Astro palabas.
"Putangina, Lord," bulong ko habang inaabot ang doorknob para buksan nang tuluyan ang pinto.
Halos takasan ako ng katinuan nang may makita akong bulto ng isang tao na nakatayo sa veranda. My hand moved swiftly without my brain's command. Nakita ko na lang na lumipad na 'yong vase na hawak ko lang kanina at tumama ito sa batok ng lalake.
"Headshot!" wala sa sariling hiyaw ko nang bumagsak ang katawan nito sa sahig. "Akyat-bahay?"
Kumunot ang noo ko at maingat na nilapitan ang lalake. Nakangiwi siya habang nakahawak sa batok niya. His eyes were shooting daggers at me, at kulang na lang ay pakyuhan niya ako.
"Gago, sorry! Ayos ka lang?!" tarantang hiyaw ko dahil wala namang zombie na ganito makatitig.
"Do I look okay after you hit me with that fucking vase?!" galit na sigaw niya sa akin.
Confirmed. Hindi siya zombie, dahil walang zombie ang nagmumura.
"So-Sorry naman," nagsisisi na bulong ko at inalalayan siya sa pagtayo.
Tinabig niya ang kamay ko. "Kainin mo 'yang sorry mo!"
Kaagad naman na umarko ang kilay ko, at inis siyang hinampas nang malakas sa balikat. "Hoy! 'Wag mo 'kong masigaw-sigawan, mataray-tarayan diyan, ha?! Akyat-bahay ka lang!"
"I'm not an akyat-bahay!" maarteng hiyaw niya.
Inambahan ko siya ng suntok, kaya napatakip agad siya sa batok niya, na muntik ko nang ikatawa. "Takot ka naman pala, e! Kung makapagtaray ka, akala mo wala kang kasalanan. Bakit ka ba nandito, ha?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Napabuntong-hininga na lang ako at ilang beses na napailing. Iiwan ko na sana siya sa kwarto, nang bigla niya akong pinigilan.
"Please, help me." Napalingon ako, kaya kaagad niyang binitiwan ang braso ko. "My grandmother attacked me. Hindi ko alam kung paano dahil bedridden siya, but I swear, I'm telling the truth! She did attack me and also tried to bite me!"
Taranta naman akong napahawak sa magkabilang balikat niya dahil sa kaba. "Nakagat ka ba niya? Nakalmot or what? Nasugatan ka ba ng lola mo?"
Umiling siya, kaya nakahinga ako nang maluwag. Inalis ko na rin agad ang mga kamay ko sa balikat niya. Hinawi ko ang buhok ko at problemadong napatitig sa puting pader ng kwarto.
"May masakit ba sa 'yo?" kunot-noong tanong ko sa kaniya, kaya tumango siya, dahilan para mapasinghap ako sa gulat. "Saan?!"
Nakangiwi niyang tinuro ang batok niya. "Dito."
Para akong nabunutan ng tinik at naiilang na natawa. "Psh! Diyan lang naman pala, e. Hayaan mo lang 'yan, mawawala rin 'yan maya-maya."
"Woman, you almost killed me with that vase!" inis na hiyaw niya.
Umarko naman ang kilay ko, kaya napayuko siya sa takot. Maka-woman 'tong batang 'to, mala-Logan lang ang atake, aba!
"Mali ka ng hiningan ng tulong, bata," pang-aasar ko.
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
HorrorFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...