Chapter 44

375 37 55
                                    

Hey, everyone! Chapters from
44 was revised. I was kind of
feeling a bit off about it, because
the timelines were jumping by weeks
and months. I hope you like this
version before we get to the
final chapters!










Wala sa sarili akong napatitig sa makulay na garden. They were all right about Belria. It's a community which people dreamt to live in on this outbreak. Mabuti nga at hinayaan na nila akong lumabas kasi wala naman nang masakit sa akin.

I inhaled the fresh air and smiled at the serenity brought by this place. I didn't expect na mararamdaman ko pa 'to sa gitna ng outbreak. These past few months, puro lang nakakatakot at madudugong pangyayari lang ang hinaharap namin.

"Hala, si anteh mo! Feeling nagsh-shoot ng movie? Tulungan mo naman ako magbungkal ng lupa rito, uy!"

Napababa ako ng tingin at natanaw si Zoe na nakatingkayad sa hardin. Muntik na akong matawa sa ayos niya kung hindi lang naiinis ang mukha niya. I walked towards her while wearing the garden gloves.

"Dalawang buwan, Jamira. Dalawang buwan kang nasa Dreamland," natatawang panimula niya. "Mukhang marami-rami yata akong maikukuwento sa 'yo nito."

I helped her plant some new seeds. Mabuti na lang talaga at marunong siya nito. She even mentioned she was studying agriculture before medicine.

It was her passion, but because of Dale who saved her life, she was introduced to medicine, which she started to love and became her new passion.

Napangiti na lang ako. Pagkatapos naming magtanim, inaya niya akong mag-ikot sa Belria. Makatutulong din sa akin 'to, maging pamilyar ako sa mga lugar dito nang sa ganoon ay mapadali ang paghahanap ko sa tiyahin ko na narito rin.

"Kari!" hiyaw ni Zoe.

I saw Hikari outside the big house, hanging clothes and bedsheets. She waved at us with widened eyes, siguro nagulat na gising na pala ako. Dali-dali niyang iniwan ang mga gawain at napatakbo papalapit sa amin.

"Jamira, you're awake!" she exclaimed while checking my face and my body. "May masakit ba sa 'yo? Zoe, bakit mo naman siya nilabas? Baka mabinat 'yan siya, ah!"

Natawa si Zoe at pabirong hinalikan sa sentido si Kari. Ayan na sila, ayan na. "Chill, masyado ka nang worn-out. Sino ba 'yang panay utos sa 'yo nang masaksak ko sa tagiliran?"

Napangiti na lang ako. I feel so happy that Belria made them like these. I can't wait to see the others, about how they become.

"Oh, by the way! Luna went home kanina. She was mumbling about he kissed her daw. Who kissed who?"

"Panaginip lang 'yon, Kari—" Natigilan ako nang bigla na lang sumagot ang bibig ko nang hindi nag-iisip.

"What?" sabay na tanong nila.

I gulped and tried to laugh it off. "Ano ba naman kayo?! Haha! Ay, ito na ba 'yong bahay natin? Buti naman may libreng baha—"

"We do labors as taxes, Jam," Zoe cut me off.

"Ay! Gano'n ba? Hahaha! Galing," wala sa sariling bulong ko. I bit my lip before scratching the back of my head.

"Tapusin ko muna 'yong ginagawa ko, ah? Para makasunod ako sa inyo."

"Tulungan ka na namin," I presented.

"Sure kang okay ka na, Jam? Baka mamaya pinipilit mo lang pala sarili mo," bulong ni Hikari. Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido.

I shook my head and we started hanging the clothes. They started telling me about Belria and I could see how much they love the place. Sobrang grateful din daw nila na naranasan ulit nilang mamuhay ng normal.

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now