Hating-gabi nang magising ako. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko at ang pagbigat ng katawan ko. Dahan-dahan akong bumangon, nag-iingat na wala akong magising sa bawat galaw ko.
I bit my lip before running my fingers through my hair. Sa dinami-dami ng oras na pwede akong dapuan ng lagnat, ngayon pa talaga?
"Hey," I heard someone call me. Napahawak ako sa ulo ko bago ako napatingin sa kaniya. "It's Logan. Are you okay?"
Ramdam ko na kinapa niya ang noo ko. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang malamig niyang palad. I heard him utter a curse before getting up.
"Where are you going?" I asked him in a hoarse voice. Hinawakan ko pa ang braso niya para siguraduhin na sagutin niya ang tanong ko.
"I'll go grab some meds," he answered.
Dahan-dahan akong tumayo, at muntik pa na bumagsak. Mabuti na lang at nasalo niya ako kaagad. I stared at him for a second and thanked him.
"Dito ka lang. 'Wag nang matigas ang ulo," suway niya sa akin, pero matigas ang ulo ko. Umiling ako bilang sagot at nauna nang maglakad papunta sa kusina.
Kinapa ko ang ilaw at nang bumukas ito, bumungad sa akin si Raine. My eyes widened at the sight of her, holding a knife and aiming to cut her wrist. Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya at tinabig ang kamay niyang may hawak na patalim.
"Raine!" I screamed at the top of my lungs, hoping that she would pull herself together. Wala na akong pakialam kung magising pa ang iba naming kasama sa sigaw ko.
"I. . . I'm sorry. . . Ate Jam, I'm sorry. . ." nanginginig na bulong nito. Napalunok na lang ako habang nakatitig sa nawawalan na pag-asa niyang mukha. "Ate. . . I want to be with m-my kuya. . . P-Please, le-let me, A-Ate Jam. . ."
Dahan-dahan na umagos ang luha mula sa mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang init sa bawat paghinga at pagbuga ko ng hangin. I couldn't do anything but hug Raine as tightly as I could, wishing that she could find happiness in this outbreak.
Nagtipon-tipon kami rito sa sala, pero wala namang nagsasalita. Drake wrapped me in a thick blanket, making sure I was getting the warmth my body needed. I sighed before closing my eyes, feeling the deafening silence surrounding us.
"Kailan pupunta rito ang mga kasama mo?" narinig ko na lang na tanong ni Drake.
"Estimated, a day or two," Yel answered in a sleep-deprived manner.
Hindi ko siya masisisi dahil nasangkot lang din ang lahat sa amin sa isang hindi inaasahang pangyayari. Even if we wanted to sleep, hindi namin magagawa 'yon. All of us were worried about what might happen once we did.
"Tutuloy ba tayo mamayang umaga?" tanong naman ni Rachel. I could sense her trying to get back to her usual self, but I'm still quite worried about her.
"We need to," Logan sighed, and it made me look at him. Nagtama ang mga tingin namin, at alam ko na kaagad kung ano ang laman ng isipan niya. "But our problem here is the rain. Mukhang hindi naman titigil 'to mamayang umaga."
"And we will have no choice, kundi suungin ang ulan," Roger seconded, also looking at me with a concerned expression painted all over his face.
"Kung pwede ko lang patigilan ang ulan para sa 'yo, Jam, gagawin ko," bulong naman ni Drake sa akin.
Napapikit na lang ako sa inis. I massaged my temple, giving them a hint that I was utterly annoyed by their irksome discussion. I even tried to hide my frustration, but it was just too hard to suppress.
"Ate Jam, okay ka lang? Ba't parang mananapak ka na riyan?" tanong ni Luna. Bumaba naman agad ang tingin ko sa kamay ko na nakakuyom na pala sa inis.
Logan and Drake immediately turned their bodies away from me, obviously not wanting another episode of that one police station scene.
YOU ARE READING
Zombies From Nowhere
HorrorFamily is something that Jamira Elizalde never had. She only has her friend Elsie and her friend's son, Astro. The three of them were living in peace until the day came when deadly creatures attacked Springdale, and Jamira lost her only friend. As d...