Chapter 1 Prologue

39.5K 739 5
                                    

🌿🌺🍀Please vote and comments. This is my 3rd story. Hope you will like it watty readers.🌰🌼🌸

3rd Person POV

Matinding paghanga ang nararamdaman ni Emma para kay Jared. Para siyang nagayuma, na hypnotized at na obsessed para dito. Wala ng araw na hindi niya ito naiisip at tanging hinahabol niya ito. Hanggang sa si Emma na mismo ang gumawa ng paraan para mapalapit kay Jared. Pilit nitong ginagawan ng paraan para mapansin lamang nito. Lahat na yata ginagawa niya para dito, lalo na ang ipagsiksikan ang sarili niya kay Jared. hindi na naisip nito ang salitang pride, delikadeza when it comes to him. Umaasa si Emma na balang araw ay mapapansin din siya ni Jared.

Si Jared naman ay isang simbolo ng lalaking hinahangaan ng bawat babae. Lahat nasa kanya na. Gwapo, mayaman at matalino. Hindi na ito nagugulat pa kung may mga babaeng humahanga sa kanya. Sanay na siya na hinahabol ng mga babae. Kaya kaliwa't kanan din ang naging fling nito. Para sa kanya pag palay na ang lumalapit, hindi na niya ito kaya pang tanggihan.

Pero sa lahat ng babaeng lumalapit sa kanya si Emma lang ang hindi nito pinapatulan. Harap harapan niyang pinaramdam dito ang galit, pagkainis at pagkamuhi sa kanya. Feeling ni Emma na isa siyang taong may nakakahawang sakit na pinaninindirihan ni Jared. Maganda si Emma, mabait at marami ding lalaki na humahanga sa kanya. Pero exception doon si Jared.

Dalawang taong magkasalungat ang nararamdaman. Magkaiba ang pananaw sa pag ibig. Isang babaeng desperada na gagawin ang lahat para sa lalaking minamahal. At isang lalaking pilit inilalayo ang sarili sa babaeng humahabol sa kanya.

🍂🍃🌿Please vote and comments para kahit busy ako. Ma inspire akong mag update.💐🌸🌷

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon