Chapter 15 The Plan

11.8K 275 10
                                    

Emma's POV

Nahihiya ako kay Jared ng sumunod na araw dahil sa muntik ng may mangyari sa amin noong nakaraang gabi. Sinundo pa rin niya ako sa condo at doon siya nag breakfast na kasama namin si Drake. Salamat at Biyernes ngayon. Hindi ko na ito makikita pa ng Sabado at Linggo. "Susunduin kita mamaya." Sabi nito sa akin.

Hindi man lang ako makalingon sa gawi niya dahil sa nararamdaman kong hiya. Halos nakita na ni Jared ang buong katawan ko. Kaya hindi ako makatingin sa kanya. "OK. Same time and place." Sagot kong nakatingin sa may bintana.

Naramdaman ko habang nasa loob kami ng sasakyan na hinawakan ni Jared ang kamay ko. Hinayaan ko na lang ito. Ewan ko ba sa kanya at parang extra sweet pa ito sa akin. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at naiilang ako. Bumaba ako sa sasakyan ni Jared na nagpaalam ngunit hindi makatingin sa mga mata nito.

I was so surprised na binisita ako ni Arthur sa classroom ko. Pinakilala ko ito kay Eric at Kate. As usual nag uusap lang kami sandali sa parking lot ng school. Nagpaalam sa isa't isa at dumiretso na ako sa sasakyan kung saan nakapark si Jared.

"Mukhang seryoso sayo si Arthur. Talagang binakuran ka na kaagad." Sabi nito sa akin.

Napatikhim ako. "Nagkataon lang siguro na malapit ang klase niya sa classroom ko." Sabi ko pa kay Jared.

"I don't like it when someone's pursuing you. I want you for myself. To serve the purpose of this marriage." Sabi pa nito sa akin.

Napatingin ako sa kanya. "Jared, hindi ako ang humahabol sa kanila. Ni isa sa kanila hindi ako nagpakatanga katulad ng gingawa ko sayo." Yun naman ang totoo at hindi ako dapat mahihiya.

Natahimik ito. Niyaya akong mag dinner and he brought me to a fancy restaurant. I am not expecting to be treated by Jared like this. "It's a treat for you. Ikaw na lang palagi ang nag aasikaso sa amin sa condo." Sabi pa nito sa akin.

"It is my pleasure to serve you. Yun naman dapat, pinagsisilbihan ang lalaki." Sabi ko pang nakangiti.

"Oo nga eh. sinasanay mo ako. Siguro happy sayo ang mga ex mo." Light lang ang mood namin. Eto ang gusto ko yung mabait at masarap kausap na Jared.

Napangiti ako sa kanya. "Naku wala akong naging ex. Loyal ako sayo. Sana nga ano. Para maramdaman ko naman kung paano suyuin at mahalin. Anyway, who knows di ba?" Natatawa ko pang sabi.

Bigla itong natahimik. "Paano si Eric? Hindi ba siya nanliligaw sayo?" Tanong nito sa akin.

"Sinasabi niya gusto niya ako. Hindi naman siya nag iinsist sa nararamdaman niya. Dahil alam niyang loyal ako sayo. Eh siya din daw loyal sa akin. Umaasa pa rin siya na one day mabigyan ko siya ng chance. Bakit ba ang lovelife ko ang pinag uusapan natin na boring naman." Halakhak ko pa. "How about sayo? Siguro sobrang ganda ni Vanessa at patay na patay ka sa kanya."

Napatikhim muna siya. "Lahat sa kanya sobra. Sobrang maganda. Sobra kong minahal. Lahat ng atensiyon ko binuhos ko sa kanya. Ayon mas pinili niya ang kanyang propesyon." Sabi pa nitong puno ng lungkot ang mga mata.

Meron palang lalake na ganito ka seryoso kung magmahal. Hinawakan ko ang mga kamay ni Jared. "Jared, alam ko ang nararamdaman mo. Hayaan mo. Tutulungan kitang maibabalik sayo si Vanessa." sabi kong sabay pisil sa kanyang kamay. "Maswerte siya at binuhos mo lahat ng pagmamahal mo sa kanya. Sana may magmahal sa akin katulad ng pagmamahal mo kay Vanessa." Sabi ko pang napatingin sa mga mata ni Jared.

Napatingin din ito sa akin. Tinging tumatagos sa aking sarili. Seryoso ang mukhang nakatutok. "Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sayo. Sana makamit ko na rin ang pagmamahal ni Vanessa." Sabi nitong malungkot ang mukha. "By the way, next week nandito na si Vanessa. Pag selosin natin siya. I want to win her back. I want her to stay here for good and will propose marriage to her." Sabi pa nito sa akin ng diretsahan.

Feeling ko pinagsuklob na ang langit at lupa. Hindi ako makahinga sa sinabi sa akin ni Jared. Napakatanga ko, umaasang tutulungan ko lang siya kay Vanessa. Oh my God! Ang tanga tanga ko lang. Ang sakit ng mga nangyayari sa akin ngayon. Pinipiga ang aking puso sa sakit. Hindi ako makatingin sa kanya. "Hayaan mo. I will cooperate with you." Sabi kong pinipigilang ipakita ang aking emosyon. Para akong sasabog sa galit dahil sa aming sitwasyon. Narinig ko na lang na nag ring ang cell phone ko.

Drake calling... ang nakalagay sa screen. I need to answer the phone para ma divert ang sama ng loob ko kay Jared. "Emma where are you? It's late at night. I'm worried about you." Sabi nitong hinahanap ako.

"I'm here with Jared. We are almost done eating. See you." Sabi ko kay Drake. I will make Jared feel like I'm not affected sa kanila ni Vanessa. Hindi ako kailan man matutunan nitong mahalin.

I stared back at him and noticed how serious he is. "Ayokong binibigyan mo ng atensiyon ang ibang lalaki." Sabi nitong seryoso. Napakagwapo at lalaking lakaki ang mukha. "Habang hindi pa bumabalik sa akin si Vanessa, wala kang karapatang lumigaya." Sabi nitong hinawakan ng madiin ang aking mga kamay.

Akala ko nagseselos ito kay Drake. Yun pala ayaw niyang nagiging sagabal ang atensiyon ng iba sa akin at masisira ang mga plano nito. "Naiintindihan ko ang gusto mong mangyari Jared. Alam ko kung ano ang purpose ko sa buhay mo. Pabalikin sayo si Vanessa at ipa annulled mo na ang kasal natin." Sabi kong halos basag na ang boses. Ayaw kong umiyak. Pinipigilan kong tumulo ang aking luha. Bakit ako nasasaktan? Alam ko namang dahil lang sa kasinungalingan ko kaya pinakasalan ako ani Jared. I felt like crying now. Pero pinipigilan ko. Hindi ako dapat makikita ni Jared na umiiyak. Hindi ako dapat makikita nitong nasasaktan palagi sa pambabalewala niya.

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon