Chapter 11 The caring Emma

12.6K 277 8
                                    

Emma's POV

Akala ko na nag asawa ako kay Jared Galvan magiging masaya na ako. Ako na yata ang pinaka miserableng babae sa mundo. Paanong walang tigil ito sa pang iinsulto sa akin, sa kanyang pagkamuhi at sa galit niya sa akin. Aminado akong may pagkukulang at kasalanan ako sa kanya. Pero mahirap pala pag ang lalaki ang pinipilit. Katulad kay Jared, ilang beses niyang sinabi na hindi ang babaeng katulad ko ang kaya niyang mahalin. Masakit isipin pero tinitiis ko. Ang importante nandito na ako sa buhay ni Jared.

Maaga akong gumising tulad ng nakagawian ko na. Nagluto ako ng pwede naming kaining tatlo. Naghahanda ako ng breakfast table ng makita kong nagising si Drake. "Wow good morning at ready na ang pagkain." Sabi nitong mukhang natatakam sa mga inihanda ko.

Umupong kakain na si Drake ng bumukas ang pintuan at pumasok si Jared. "O Jared cousin pasok. Tamang tama at nakahanda na ang breakfast. Nagising ako sa amoy ng niluluto nitong si Emma." Sabi pa ni Drake sa kanya.

"Good morning Jared. Kumain ka muna. Mainam ng may laman ang tiyan mo pag pumapasok ka ng opisina." Sabi ko pang nakangiti kay Jared. Hindi ko na iisipin ang mga sakit na idinulot nito sa akin. Importante maging mabait ako sa asawa ko, masunurin at sinusunod ang gusto nito.

Umupo kaming tatlo sa mesa at kumain na. Nagsalita si Drake. "Alam mo Emma magiging mabuti kang maybahay sa magiging asawa mo. Masipag ka, maganda at mabait. Masarap ka ring magluto." Sabi pa ni Drake.

"Naku Drake tigilan mo yan. Baka akala niya totoo ang sinasabi mo." Saway sa kanya ni Jared.

"Hindi Jared. Siya ang tipo ng babae na hinaharap sa altar. Parang napaka perpekto niya. Anyway, salamat Emma for the breakfast." Sabi ni Drake sa akin na nakangiti.

Narinig namin ang boses ni Diane. "Aba himala at ang aga aga nandito na si Jared. Good morning everyone!" Sabi ni Dianne na kagigising lang.

"Halika dito Dianne at tapos na akong kumain." Sabi ko pa sa kanya offerring my chair.

"Thanks pala Emma for the food. Sana pala matagal ka nang pinatira ni Jared dito. Yan ang problema ko at hindi ako marunong magluto." Sabi ni Dianne.

Si Jared ang nagsalita. "Nandito ako para sunduin si Emma at ihatid sa school habang wala pa akong nakikitang maghahatid sundo sa kanya." Sabi ni Jared. Parang naging pabigat pa pala tuloy ako nito kay Jared.

"Jared, ok lang naman akong mag commute eh. Naabala ka pa tuloy." sabi ko kay Jared.

"Unless walang may magagalit sa akin, ako na ang maghahatid sundo kay Emma. Wala naman akong may ginagawa dito eh. Unlike you Jared na busy ka sa negosyo mo." Sabi pa ni Drake. Si Drake ang tipo ng lalaking madaling kausap. Opposite sila ni Jared na napaka suplado.

"Ok lang Drake. Ako ng bahala kay Emma. Gagawan ko ng paraan at solusyon ang problema." Sabi pa nito kay Drake. Naiilang man akong makasama si Jared. Wala akong choice dahil nandito na siya. Sana mamaya hindi na ako nito sunduin pa. OK lang naman ako eh. Ayoko lang itong maabala pa. Naging malaking hassle nga itong pagpapakasal niya sa akin eh.

Umalis na ako sa kitchen para magbihis. Naka yellow skirt above the knee ako ngayon with matching yellow sleeveless na blouse and flat shoes. Nakita ko pa ring nag uusap sina Jared, Drake and Dianne. Narinig kong nagsalita si Dianne. " Jared, sabi ko na na bagay dito kay Emma ang maging isang model." Sabi nito sa masayahing boses.

"Hindi siya bagay maging model. Baka mamaya maniwala sayo yan." Sabi pa ni Jared na napahalakhak.

Alam kong hindi kami bagay. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing iniinsulto ni Jared. Tumikhim si Drake. "I say she is a very beautiful and attractive woman." Sabi ni Drake na kahit papano napawi ang sakit sa puso ko.

"Just tell the truth Jared. You're spitting insult to this girl. She is beautiful and sexy!" Sabi naman ni Dianne.

Tumingin si Jared sa akin. "We're making Emma uncomfortable. I'll see you guys later." Paalam ni Jared sa kanila.

Tahimik lang akong sumusunod kay Jared. "Emma susunduin kita mamayang hapon sa school mo. Just text me the time to pick you up. I will be there at the parking lot." Sabi nitong kalmado.

"Thanks Jared. Pero kaya ko namang mag commute. Hindi mo ako obligasyon. Salamat sa offer." Sagot ko naman sa kanya.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "You do as I say. Ako ang masusunod sa marriage na to!" Sabi nitong diniinan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Ikaw lang naman ang iniisip ko." Sagot ko sa kanya. "Jared I don't want you to be upset. I want you to know that I'm here to make you happy." Sabi kong hinawakan ang kamay niyang humahawak sa kamay ko. Naramdaman kong unti unting lumuluwag ang pagkakahawak ni Jared sa kamay ko. I feel him relaxing while our bodies are pulled closer. Wala naman na akong may magagawa sa mga desisyon ni Jared. Baka dahil dito makita niya kung gaano ko siya kamahal.

Nandito na kami ngayon sa loob ng sasakyan at si Mang Anton ready ng nakaupo sa driver seat. Sana sa mga gestures ko, sa mga pagiintindi ko sa kanya, sana maramdaman nitong mahal ko siya. "Jared, sana makapag grocery tayo mamaya. Ipagluluto kita ng paborito mong pagkain. Para pag dinadaanan mo ako dito, ipagbabalot kita ng baon mo for lunch sa trabaho." Sabi ko sa kanya.

Tumingin ito sa gawi ko habang kinakabit ang kanyang seatbelt. "Don't bother to cook. I usually eat outside during lunch time." Napako ang tingin namin sa isa't isa.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makipag titigan kay Jared. I felt so intimidated. Parang lahat na yata ng mga bagay na gusto kong gawin bilang asawa ay nire refuse niya. Parang ang hirap ng ganitong sitwasyon na ni katiting wala man lang pagtingin o affection sayo. How can I win his heart when he's not even giving me a chance?

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon