Emma's POVDumaan kami ni Jared ng grocery store. Ang saya namin. Ang dami kong kinukuwento sa kanya. At least hindi na siya katulad ng dati na palagi na lang nagagalit sa akin.
Nandoon na sa condo si Drake. Siya ang nagbukas ng pintuan. "Emma, I was so worried. Mabuti at kasama mo pala si Jared." Sabi nito.
"Relax Drake. I told you I'm gonna pick her up." Sabi ni Jared sa kanya.
"Alright guys. I'll cook our dinner. So just sit back and relax." Sabi ko sa kanilang napangiti.
Narinig ko si Jared at Drake na nag uusap tungkol sa negosyo. Dali dali akong nagbihis ng pambahay at nagsimula ng magluto. Tamang tama ng matapos akong magluto tsaka naman dumating si Dianne.
"Food is ready!" Sabi ko sa kanilang tatlo.
Magkatabi si Jared at Dianne. Magkatabi naman kami ni Drake. Nilalagyan ni Drake ng kanin ang plato ko at bumubulong pa ito kung ano ang gusto ko. "I'm OK Drake." Sabi ko naman sa kanya.
"The food taste good. Thanks a lot Emma. May boyfriend ka na ba? Yan ang qualities na hinahanap ng mga lalaki. Babaeng maasikaso sa bahay." Sabi ni Dianne.
Napatikhim ako. "Wala akong boyfriend." Sabi ko sa kanya.
"Tamang tama pala single ka at si Drake. Who knows di ba? Tsaka hindi naman siguro mahirapan si Drake na mahalin ka dahil masipag at napakaasikaso mo." Dagdag pa ni Dianne.
Tumingin si Jared sa akin na nanlilisik ang mga mata. Alam kong may mga bagay na naman na nakapagpagalit sa kanya.
Narinig ko itong nagsalita. "Drake hayaan mo siyang kumuha ng pagkain niya. Mamaya masanay sayo yan." Sabi ni Jared kay Drake.
"Eh, sinasanay nga din niya akong pagsilbihan. Kaya masaya na ako na gawin ang maliliit na bagay na ganito." Sabi nito kay Jared.
"Guys, let's go to the bar after this." Yaya ni Dianne.
Napatingin sa akin si Drake. "Sama ka. Nandoon naman kami eh." Sabi nito sa akin.
"Naku sorry. Hindi pa ako puwedeng pumunta ng bar. May mga assignments pa ako at may pasok ako bukas." Sabi ko sa kanilang tatlo.
Pumunta na sila sa kani kanilang kwarto para magbihis. Naiwan kaming dalawa ni Jared sa kitchen. Narinig ko itong nagsalita ng napakalapit sa likod ko. "Tulungan na kita." Sabi nito.
"Naku Jared magpahinga ka na at galing ka pa sa trabaho. Ako na dito." Sabi ko sa kanya.
"Gusto mong sumama sa amin? Ok lang naman." Dagdag pa nito.
Bigla akong lumingon at nagkalapit ang aming mukha. Halos magkadikit na ito. Napaawang ang aking bibig. "Sorry." Sabi ko. "Kayo na lang. Dito na lang ako sa bahay." Sabi ko pa.
Tumingin ito sa akin. Nagkatitigan muna kami tsaka tumingin ito sa aking mga labi. "Sumama ka na. We will be leaving early. Ihahatid kita dito." Sabi nitong seryoso sa akin.
Nagbihis na rin ako ng red na A line dress above the knee. Nauna na silang tatlo na naghihintay sa akin. Narinig kong tumili si Dianne. "Oh my God! You are so pretty. Drake bantayan mo yan mamaya. Siguradong maraming aaligid diyan." Sabi ni Dianne.
Napatingin si Drake sa akin. "Really! You are beautiful Emma." Sabi nitong hinahawakan ng kamay ang dibdib niya.
"Ang bagal mo. Bilisan mo kong sasama ka!" Pasinghal naman ni Jared. I just don't get it siya itong pumilit sa akin na sumama sa bar at bakit ngayon nagagalit siya? I will just ignore him.
We're here at the bar. Dikit ng dikit si Dianne kay Jared. Samantalang hinahawakan ni Drake ang kamay ko. Although napapansin kong walang tigil ang pag check ni Jared sa akin. Hindi ko siya tinitingnan. Masakit isipin na ganito ako kung i treat ni Jared. Hindi nito maamin ang totoo naming relasyon. Na ikinasal kami. Asa pa ako, sinabi na niya na hindi ako ang babaeng magugustuhan niya.
May kakilala si Drake sa bar at nagpaalam ito sandali na aalis lang. Hindi ko na makita si Jared at si Dianne kaya napilitan akong pumunta sa lugar na alam kong safe ako.
"Hey there! Care for a company. I'm Arthur." Sabi pa nito. "Mahirap din to be by yourself in a place like this. And you are?" Dagdag pa niya. Buti pa ito concern sa akin. Samantalang ang asawa ko. Ayun masaya kasama si Dianne.
"I'm Emma. Nice to meet you too." Sabi ko pa sa kanyang nag aalanganin ako. Sana hanapin ako ni Drake. Naiiyak na ako, natatakot at nate tense na. Sana hindi na lang ako sumama ng yayain ako ni Jared. Paano kung hindi ko sila makita? Saan ako sasakay nito?
"You seemed like you're so tense. Are you okay?" Tanong sa akin ni Arthur. "I'm here to help you." Concern itong tumitingin sa akin. Nawala kahit papaano ang kaba ko with the way he talks me out of my anxiety. Nalaman kong iisang school lang pala kami but he will be graduating next year. What a small world.
Sa susunod hindi na ako sasama sa kanila or kahit na yayain man ako ni Jared. Buti na lang nandito si Arthur. Kung hindi baka kung sino sino ng lasing ang dumidikit sa akin ngayon. Alam kong walang pakialam sa akin si Jared. Pero tama ba na dalhin nila ako dito sa ganitong klaseng lugar tapos iiwanan lang?
"Pag hindi mo makita ang mga kasamahan mo. That's fine Emma. Ihahatid ka namin ng driver ko. Tsaka huwag kang matakot sa akin. I will make sure that you are brought safely at home." Sabi nito sa aking seryoso.
"Thanks so much Arthur." Nawala ang takot sa dibdib ko. Wala na akong may magawa sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ako kailan man mamahalin ni Jared. Kahit yung safety ko hindi na nito naiisip. Well I guess pag walang pagmamahal, walang concern or care kang matatanggap.
BINABASA MO ANG
Marriage in Despair(Completed)
RomanceMinahal ni Emma si Jared ng sobra sobra. Hinahabol habol niya ito ng hindi napapagod. Si Jared naman ay umiiwas palayo sa kanya. Naiinis, nalilito at ayaw nito kay Emma.