Jared's POV
Ewan ko nga ba sa sarili ko na instead excited akong makita finally si Vanessa. Eto ako ngayon parang wala lang na makita ito. Nagkaagawan pa kami ni Emma sa pizza kung sinong magdadala nito habang bumababa kami ng sasakyan at nahawakan ko ang kamay niya. Parang may kung anong boltahe ng kuryente ng magtama ang aming kamay at mga mata. Ginayuma yata ako ni Emma. Lahat na lang ng galaw nito, lahat ng nakikita ko sa kanya ay nagugustuhan ko. Ultimo sa pagtama ng aming mga mata ay na hypnotized na ako. Damn! Nasisira na ang ulo ko sa babaeng ito. "Ako na at medyo mabigat ito." Sabi ko pa sa kanya. Tahimik lang itong sumusunod sa akin. Alam kong marami ang nabago magmula ng dumating si Emma sa buhay ko.
Nang pumasok kami ng condo nakita kong nakaupo na sa sala si Vanessa. Dali dali itong lumapit sa akin at bigla akong hinalikan sa labi at niyakap. Wala akong may nararamdamang excitement ng makita ito. pinakilala ko na lang silang dalawa. "Vanessa, meet Emma. She's a friend of mine who stays here temporarily in my condo. Emma, this is Vanessa my girlfriend." Pagpapakilala ko pa sa kanila.
Tiningnan ni Vanessa si Emma from head to foot. "Why is she staying here? I don't like her to stay here. Not when I'm here." Sabi pa nito sa akin. Tahimik lang si Emma. Hindi ito kumikibo. Hindi ko na anticipate na malaking gulo pala ang napasok ko with Vanessa being here.
"Sandali Vanessa at mag uusap lang kami ni Emma." Dinala ko si Emma sa room niya at kami lang dalawa ngayon dito sa room.
Magkaharap kami ngayon ni Emma. Tumingala ito sa akin. "I think she's already so possessive of you. Kailangan mo pa ba ako dito?" Sabi nito sa akin. Ang inosente at amo ng mukha nito.
"I will bring you to my house tonight. Better packed your things and you're not coming back here." Ang maikli kong sagot sa kanya.
"Jared, no need for you to do that. Ihatid mo na lang ako sa amin bago ka umuwi." Sabi pa nito sa akin.
Kung possessive si Vanessa sa akin. Ako naman ay nababaliw na kay Emma. I wanted her to be beside me all the time. "Sabihin ko sayo. Hindi ikaw ang mag dedesisyon! Sumunod ka sa gusto ko!" Sabi ko sa kanya.
Naputol ang pag uusap namin ni Emma ng kumatok si Vanessa sa pintuan. "Hon, I'm hungry!" Sabi nito habang kumakatok.
Binuksan ni Emma ang pintuan at dumiretso na ito sa kusina. Naririnig ko na busy ito sa paghahain sa mesa. "I miss you Jared." Sabi ni Vanessa na nakapulupot ang kamay sa braso ko. I began to feel irritated with Vanessa's presence.
Naramdaman na lang namin ang papalapit na si Emma. "Ready na ang dinner." Sabi nito sabay talikod at diretso na sa kwarto niya.
"Emma, you join us for dinner. Halika na dito." Pautos kong sabi sa kanya. Magkatabi kami ni Vanessa at sa harap naman namin umupo si Emma.
Naglalambing si Vanessa na nagsalita. "Hon, I have a good news for you. I have decided to stay here for good and continue my modeling career here in Pinas." Kausap nito sa akin at parang hindi nakikita si Emma.
"Well if that's what you want..." Sagot ko sa kanya.
"That's not the type of reaction I want to hear from you. How eager you are to convince me before to come back..." Pagtatampo nito sa akin.
"Things changed Vanessa. If you decided to stay. That's your decision." Sabi ko pa sa kanya. Wala akong interes sa gusto niya at balak niyang gawin.
Galit itong tumingin sa akin. "Bakit nag iba ka na? At ano ang relasyon mo sa Emma na to?" Pagalit niyang tanong sabay turo kay Emma.
Pagalit din akong lumingon sa kanya. "Let's not argue in front of the food. Take Emma out of our troubles." Dagdag ko pa sa kanya. Nawalan na tuloy ako ng gana sa pagkain.
Alam kong it's not fair to dragged Emma into our mess. Napadako ang tingin ko sa kanya. Tahimik lang itong kumakain. Na despite of the storm and chaos na ginagawa ni Vanessa. Napaka tahimik lang nito.
Naunang natapos kumain si Vanessa at padabog itong umalis ng hapag kainan. Naiwan kaming dalawa ni Emma dito. "I'm sorry Emma. I promised, I'll take you away from here. Away from Vanessa." Sabi ko sa kanya.
Tumingala ito sa akin. Malungkot ang kanyang mga mata. "Hmmm Jared. I don't think so na kailangan mo pa ako sa buhay mo. Narinig mo naman ang sabi ni Vanessa. Dito na siya for good." Sabi nito sa akin. "I think mahal na mahal ka niya kaya ganon na lang siya kung magselos." Sabi nito sa akin.
Bakit ba na instead matuwa ako sa pangyayari dahil bumalik na si Vanessa. Na finally ang matagal ko ng pangarap na bumalik ito sa Pinas ay finally natutupad na. Ang tagal kong hinintay ito from Vanessa. Na sana dumating ang time bigyan naman niya ako ng importansiya. To hell with Vanessa. I will not let her control me again. "Emma, hindi pa natatapos ang pagbabayad mo sa atraso na ginawa mo sa akin. Since naumpisahan mo na ring guluhin ang buhay ko, kailangan na tulungan mo ako sa mga plano ko at sumunod ka sa mga gusto ko." Sabi ko kay Emma. Wala na rin itong nagawa kundi tumahimik na lang. Sana kung ganito si Vanessa. Sana kung katulad siya ni Emma na marunong sumunod sa karelasyon. Sana hindi ganitong nagkagulo ang buhay ko. Hindi puwedeng aalis na lang si Emma sa buhay ko. Pagkatapos niya akong niloko ay ganon kadali na lang itong aalis. "Isa pa. Nangako kang aalagaan ang anak ni Kuya. Padating na sila at sa bahay ko sila tutuloy." Walang nagawa si Emma that night kundi ang sumunod sa gusto ko. Naiwan kong nagmamaktol si Vanessa dahil hindi ko nasunod ang gusto nitong doon na lang mag stay sa condo. I am tired tonight. Gusto kong madala si Emma sa bahay at ayusin ang mga gusot na nangyayari sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Marriage in Despair(Completed)
RomanceMinahal ni Emma si Jared ng sobra sobra. Hinahabol habol niya ito ng hindi napapagod. Si Jared naman ay umiiwas palayo sa kanya. Naiinis, nalilito at ayaw nito kay Emma.