Jared's POV
Wala ako sa sarili ko ng umuwi ako sa bahay na hindi ko kasama si Emma. Feeling ko, a part of me was taken away and I felt numb and invalid without her. Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko. Akala ko walang katapusan ang pagsasama namin. Kung alam ko lang na hindi mag stay sila Kuya Brent dito sa bahay, sana hindi ko pinayagan si Emma na mag alaga kay Abigael.
Nakasalampak ako ngayon dito sa Sofa at pilit na nag muni muni sa mga alaala ni Emma dito sa bahay. Alam kong marami akong kasalanan at pagkukulang sa kanya. Kaya natatakot ako ngayon baka bigla na lang itong sumuko sa pagmamahal niya sa akin. Nag e echo pa rin sa isip ko ang galit nito sa akin kanina. Hindi ko pa nakikita si Emma na ganon kagalit sa akin. She's more beautiful when she's feisty and I like her for that.
Alam kong wala ng puwang si Vanessa sa buhay ko. Ni hindi ito sumagi sa isip ko katulad ng pag gulo ni Emma ng puso't isipan ko. I felt like I was under Emma's spell. Kung umaasa ang parents ko na magkabalikan kami ni Vanessa, sigurado akong hindi na mangyayari yun. Wala ng isinisigaw ang puso ko kundi ang asawa ko lang. I miss her already. Ewan ko kung makakatagal ako ng wala ito sa tabi ko.
Nag desisyon akong tawagan ito. "Hi! I am just checking on you. Making sure that you are alright in my room." Sabi ko pang masigla ang boses.
Medyo matagal bago ito sumagot. Matamlay at parang umiiyak ang boses. "Okay lang ako. Wala namang problema dito. I'm glad you're home safe." Sabi nito sa malungkot na boses.
Gusto kong mag open up ng nararamdaman ko sa kanya but I guess this is not the right time. I will just take it slow. "I missed you here. I will bring your stuff tomorrow. Mga afternoon na siguro at punta pa ako sa opisina. Goodnight and sleep tight." Paalam ko pa dito.
"Goodnight!" Sagot naman nito sabay hang up ng phone. Oh I missed her sweet voice. I can't stand to be far away from her for so long. I have to packed some of my clothes and I will stay in the house while Kuya Brent and family are here.
I need to sleep now and I'm glad Friday bukas. Makapag pahinga ako sa weekend na ito doon kina Mommy. Then makikita ko pang palagi ang asawa ko. I will just bring with me Aling Pacita. In that way makakatulong ito sa pag aalaga kay Abigael.
Parang antagal ng oras ko dito sa opisina. May tinatapos lang ako kaya hindi ako makaalis alis. Alas 3:00 pm na pala. Narinig kong nag ring ang phone. Si Mommy pala. "Yes Mom?" Sagot ko sa kabilang linya.
"May importante lang tayong pag usapan. Pupunta ka ba dito today?" Sabi ni Mommy sa kabilang linya.
"Opo dala dala ko ang gamit ni Emma at dalhin ko rin si Aling Pacita diyan na lang muna kami at para may katulong si Emma sa pag alaga kay Abigael. Nag bakasyon na rin ako sa opisina para makakasama ako sa mga lakad nila Kuya. Alright. See you Mom." Sabi ko pa sa kanya.
I can't wait to see Emma. Kasama ko si Mang Anton para may mag drive sa amin at si Aling Pacita. Nakita ko agad si Emma sa garden na karga karga si Abigael. Ang ganda niyang tingnan. Sana anak namin ang karga karga niya. Narinig kong nagsalita si Mommy sa likod ko. "Jared hintayin mo kami sa library at may pag uusapan tayong importanteng bagay.
Pumunta ako sa library at nandoon na si Daddy naghihintay. Nagulat ako at sumunod din na pumasok si Mommy kasama nito si Emma. Nakita ko rin ang pagka gulat at pagka balisa sa mga mata ni Emma. "Malamang nagtatanong kayong dalawa kung bakit namin kayo gustong makausap." Panimula ni Daddy.
Nagsalita si Mommy. "Jared, Emma pumunta kami kanina sa NSO para i confirm ang validity ng kasal ninyo. Ngunit wala kayong record sa NSO. Hindi legal ang judge na nagkasal sa inyo." Sabi ni Mommy.
"That's not true Mom! Even if it's true. I will marry Emma again!" Nagwawala na ang puso't isipan ko. Si Emma tahimik lang and I could see shocked written all over her face.
Si Daddy nagsalita. "It is true son. Wala namang problema at kung mahal niyo talaga ang isa't isa. Magpakasal kayo ulit." Dagdag naman ni Daddy.
Nakita kung tumutulo na ang luha ni Emma. Nakatingin lang ito sa mga kamay niya. "Hindi po ako magpapakasal sa kanya. Nasasaktan lang ako sa mga pangyayari but it was a relief na malaman ko na hindi pala kami totoong kasal." Habang pinupunasan nito ang kanyang luha.
Narinig kong nagsalita si Mommy. "Emma, you can take your break. Bukas ka na umuwi sa inyo at gabi na. Pag week end naman off mo eh. Pero bumalik ka sa Monday ha. Nakita ko kung gaano mo iniingatan at alagaan si Abigael." Dagdag pa ni Mommy.
I can't stand the truth with what Mom and Dad revealed. Ibinalibag ko ang pintuang umalis doon sa library.
Nandito pala si Kuya Brent umiinom sa pool at si Ate Tina naman nag swimming. "Halika Bro at tamang tama wala akong kasama dito." Yaya sa akin ni Kuya Brent. "Oh Emma sabayan mo na si Tina na mag swimming." Nandiyan pala si Emma sumusunod sa akin.
"Gusto ko lang sanang kausapin si Jared. At saka wala akong gamit pang swimming." Sabi nito na nakatingin sa akin.
Nagsalita si Ate Tina. "Halika Emma marami akong pang swimming na hindi ko pa nagagamit. Let's have fun!" Wala na rin itong may nagawa at hila hila siya ni Tina.
Ano kaya ang gusto nitong pag usapan namin? Laking gulat ko ng bumalik sila na naka peach two peice ito. Mas lalong na emphasized ang pagka puti nito at ang ganda ng hubog ng katawan nito. Medyo malaki sa karaniwan ang dibdib nito kaya nakikita ang kanyang cleavage.
"Emma huwag kang mahiya at maganda ang katawan mo. Just relax and be confident." Encouraged sa kanya ni Ate Tina.
BINABASA MO ANG
Marriage in Despair(Completed)
RomanceMinahal ni Emma si Jared ng sobra sobra. Hinahabol habol niya ito ng hindi napapagod. Si Jared naman ay umiiwas palayo sa kanya. Naiinis, nalilito at ayaw nito kay Emma.