Chapter 28 the Truth Revealed

11.9K 282 7
                                    

Emma's POV

Ipinasyal ni Jared si Vanessa at kasa kasama din ako sa mall. Napaka sosyal nito maski sa mga choices na pinamimili niya. Habang busy si Vanessa sa pamimili, lumapit naman si Jared sa akin na ikinagulat ko ng magsalita ito sa likuran ko. "You can shop as well. Nandiyan ba sayo ang card na binigay ko?" Tanong pa nito.

"Oo dala ko. Ok lang ako Jared. Wala pa naman akong kakailanganin. Don't worry." Sabi ko pa sa kanyang nakangiti. Nakatayo kami malapit sa jewelry section.

Tiningnan ako nito sa mga mata. "Kung ayaw mong bumili. Ako ang bibili sayo." Nakita ko na lang ito na bumili ng mamahaling south sea pearl earring with diamond accent.

Binayaran niya at dahil nakita ko kung magkano ito, nalula ako sa preso. Halos 300,000.00 ang presyo nito na masayang binigay niya ito sa akin. Parang mapaluha ako sa saya. "Thank you. Jared hindi mo naman kailangang gawin to. Napakamahal nito. Ito ang matagal ko ng pinangarap na jewelry. Maraming salamat." Sabi kong nahihiya pa sa kanya.

"You deserved more than that." Maikli lang nitong sabi. Giniya na niya ako para puntahan si Vanessa.

Nakita ni Vanessa ang hawak hawak kong supot ng jewelry. "Mabuti at may mura kang jewelry na nabili dito." Painsulto pang sabi nito sa akin.

"Vanessa stop that crap. Ihahatid ka na namin at susunduin pa namin sila Kuya sa airport." Pagputol ni Jared sa mga insulto ni Vanessa.

"I missed my cousin Tina. Say hi to her and I'll see her one of these days." Sabi pa nito habang malambing na ipinulupot ang kamay kay Jared.

Hinatid namin si Vanessa at tahimik lang ako sa biyahe habang nag uusap silang dalawa ni Jared sa front seat. Mas mainam ng tahimik ako kesa na insultuhin na naman niya ako. Alam kong nagseselos na si Vanessa sa amin ni Jared.

Maaga kaming dumating ng airport at masaya lang kaming nagkukwentuhan ni Jared.

Ang ganda pala ni Ate Tina. Magkamukha sila ni Vanessa. Sosyal ang dating. Pinakilala ako ni Jared sa kanila para tagapag alaga ng anak nilang si Abigail. "Ang ganda naman ng magiging yaya ni Abigael. Pwede kang mag model Emma." Sabi pa ni Ate Vanessa.

Nakita kong sumimangot si Jared. "Hindi siya pwedeng mag model at ang role niya ay alagaan si Abigael." Istrikto pang sabi ni Jared.

Nagsalita si Kuya Brent. "Napaka serious mo naman bro. Siyanga pala. Doon ang diretso natin kila Mommy at gusto nitong makasama si Abigael." Sabi pa ni Kuya Brent.

"Akala ko sa bahay ko kayo tutuloy." Dagdag naman ni Jared.

"Not anymore this time. May apo na, kaya ibang usapan na. Bigyan mo na rin kasi yan ng apo." Sabi pa ni Kuya Brent na napahalakhak.

Gabi na ng dumating kami sa bahay nila Jared. Karga karga ko si Abigael. Mabait itong bata at 3 mos. old pa lang naman ito. I wish for myself one day magkakaroon din ako ng sarili kong anak. Narinig kong nagsalita si Mrs. Galvan. "Aba, gustong gusto ni Abigael ang hawak ni Emma. Halika Emma at ituturo ko sayo ang room ni Abigael." Hikayat sa akin ni Mrs. Galvan. Nakatingin lang sa akin si Jared habang iniwas ko ang tingin sa kanya at sinundan si Mrs. Galvan. Kinuha ni Ate Tina si Abigael sa akin at dinala sa kwarto nila ni Kuya Brent.

Bumalik na kami sa sala at nandoon na rin silang lahat. "I think nagustuhan naman ni Abigael si Emma. Pag umaga mo lang naman babantayan si Abigael. Sa gabi sa amin siya matutulog." Sabi ni Ate Tina.

Nagsalita si Mrs. Galvan "May extrang room ang maid's quarter. Ituturo ko sayo mamaya." Sabi pa nito.

"Mommy hindi mo pwedeng patulugin ang asawa ko sa maid's quarter!" Galit na sabi ni Jared na nagpagulat sa kanilang lahat.

Kinabahan akong bigla. "Ikaw talaga Jared palabiro ka. Naku ok lang po kung sa maid's quarter ako." Ano ba naman itong si Jared. Kung ano ano ang pinagsasabi. Hindi ba na sikreto namin yun. Kaya inirapan ko na lang siya.

Pero nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. "Alam mong hindi ako nagbibiro. Sinasabi ko lang ang totoong relasyon ko sayo." Asik pa nito.

Hiyang hiya ako ngayon sa pamilya Galvan. Paano kung malaman nila na pinilit ko lang si Jared sa kasalang ito. Hindi na si Jared ang mamumuhi sa akin kundi ang buong pamilya niya. Gusto ko lang umalis sa bahay na ito.

"Pasensiya na po Mr. and Mrs. Galvan. Kakausapin ko lang muna si Jared." Paalam ko pa sa kanila.

"What is there for us to talk? We will stay here for dinner." Sabi pa nito sa baritonong boses.

Jared is being so unreasonable this time. Fine! Ginusto niya ito para ipahiya ako sa pamilya niya. Siguro ito ang paraan para makaganti siya sa sakit na idinulot ko sa kanya. Anyway, ngayong gabi na lang ako makikitulog sa bahay niya. Pag may time ako or day off ko dito. Dadaanan ko ang mga gamit ko para dalhin sa bahay namin.

Nasa hapag kainan kami at magkatabi kami ni Jared. Nagsalita ang Mom niya. "Jared, inaasahan namin na si Vanessa ang makatuluyan mo. Hindi na kung sino sino lang diyan sa tabi tabi." Pagalit na sabi ni Mrs. Galvan.

"Mom, Don't talk to my wife like that. Matino at malinis siyang babae." Sabi pa ni Jared sa kanila.

Ngayon yata ang tamang pagkakataon na malaman nila ang totoo. "Tama po kayo. Kasalanan ko po kung bakit nagpakasal sa akin si Jared. Napilitan lang po siya na ikasal sa akin. Kinamumuhian po niya ako. Pinagsisihan ko na ang mga kasalanan ko sa kanya. Usapan namin tulungan kong bumalik si Vanessa sa kanya which is nagkabalikan naman na sila. At tutuparin ko ang pangako kong mag alaga kay Abigail. Siguro nasaktan lang ang ego niya na pinapatulog niyo po ako sa maid's quarter." Sabi ko pa. Sasabihin ko ang totoo para hindi ako maging threat sa kanila. "Hihiwalayan din po ako ni Jared. Mag cooperate naman po ako para mapadali ang proseso." Wala na akong pakialam sa sasabihin ng parents at pamilya niya. I need to say the truth and the truth will set me free.

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon