Chapter 3 Handsome Jared

16.1K 345 7
                                    

Emma's POV

Una kong nakita si Jared sa high school gym na naglalaro ng basketball. I was texted by my bestfriend Kate to see her at the gym. Pero ng dumating ako sa gym wala pa si Kate. Nanood na lang ako ng mga naglalaro ng basketball at doon ko unang nakita si Jared. Napakagwapo niya kahit puno pa ito ng pawis, matangkad at matangos ang ilong. Going to this rich prestigious school is an opportunity. Hindi kami mayaman, middle class ang status namin. Yung parents ko are both principals in an elementary school. Kaya lang ako nakapasok sa school na ito dahil nag iisa lang akong anak. Lahat ibinubuhos nila sa edukasyon ko. Pinalaki nila akong confident sa sarili, friendly at sociable. Minsan nasobrahan ako ng bilib sa sarili na nagawa kong ako pa ang unang nagpakita ng motibong may gusto ako kay Jared.

Malapit ng matapos ang araw namin sa school. As usual nauna akong umalis kay Kate at gusto kong puntahan si Jared para ibigay ang binili kong tsokolate. Nakita ko na kaagad si Jared sa malayo kasama ang mga barkada niya. Alam kong nakita din nila ako at kinakantiyawan na nila si Jared.

Lumapit ako sa kanila. Pero naramdaman kong may sumusunod pala sa akin. Nang nilingon ko. Ang kaklase ko palang si Eric. "Bakit Eric?" Tanong ko sa kanyang nagugulat.

Nahihiya itong sumagot. "Ihahatid sana kita." Sabi nitong pakamot kamot ng ulo.

"Naku mauna ka na at may idadaan pa ako sa kanila." Sabay kong turo sa grupo nila Jared. Mabuti at nagpaalam na rin itong mauuna ng umuwi.

Si Brix nagsalita. "O, bakit mo pinaalis ang manliligaw mo?" Tanong nito sa akin.

"Kuya Brix hindi ko yun manliligaw. Gusto daw niya akong ihatid. Pinaalis ko na dahil may ibibigay ako kay Jared." Sabi ko sa kanila.

Tumawa ito bigla. "Pambihira Emma. Kami tinatawag mong kuya pero si Jared hindi." Sabi pang ngumingiti.

"Paano mukha na kasi tayong matanda." Sabad naman ni Melvin na humahalakhak.

Kinuha ko ang supot sa loob ng bag ko na pinaglagyan ko ng tsokolate. "Jared, para sayo tsokolate." Sabi kong sabay bigay ng supot sa kanya.

Pagkaabot ko ng supot, sabay naman hila ni Jared sa aking mga kamay. "Jared, wait!" Halos madapa ako sa lakas ng hila nito. Dinala niya ako malayo sa barkada niya.

Tiningnan niya ako ng puno ng galit sa mga mata. "Yung mga ginagawa mo ay hindi gawain ng matinong babae. Hindi katulad mo ang magugustuhan ko. Hindi ka dapat nagpapakita ng motibo sa lalake. You're so desperate!" Sabi nitong pagalit sa akin at lumingon sa babaeng nandiyan na pala sa likod namin. "Nandiyan na ang girlfriend ko. Come on Emma." Dagdag pa nito.

Hindi ako nakasagot agad sa gulat ko. May narinig akong lalaking nagsalita sa likod namin. "Sa ganda ng babaeng yan. Hindi dapat inaayawan." Seryoso itong nakatingin kay Jared.

Dali dali akong umalis at iniwan si Jared. Nasaktan ako sa mga sinabi niya. I went home straight that afternoon. Umiyak ako sa sarili kong bedroom. Ayokong makita ng parents ko ang sama ng loob ko kay Jared. Kaya pagdating ko, kumain na ako ng dinner at sinabi kong matutulog ako ng maaga.

The next day nakita ko si Jared na bumaba ng kotse at may kasama pa itong naka unipormeng driver. Nakatingin ito sa akin. Dali dali ko namang iniwas ang aking tingin at pumunta na sa klase ko.

As usual pagkatapos ng klase nakita ko naman silang magkabarkada doon sa tambayan nila. Hindi ako tumingin sa gawi nila at lumalakad ako ng mabilis. Si Eric sumusunod pa rin sa aking likuran. Narinig kong tinawag ako ni Kuya Melvin. "Emma. Halika muna dito." Sabi nitong kumakaway sa akin.

Tumingin ako sa kanila. "Bakit Kuya?" Tanong ko sa kanya na hindi tumitingin kay Jared. Nagpaalam na si Eric na mauna na lang ito.

Si Brix ang nagsalita. "Maaga pa naman eh. Dito ka na lang muna. Sabihin mo sa driver mo na hintayin ka sandali." Sabi nito sa akin.

"Naku Kuya Brix. Nagko commute lang ako. Mauna na ako at traffic pa mamaya may gagawin pa kasi ako sa bahay." Sabi kong nagpapaalam.

Tatalikod na sana ako ng may marinig akong boses ng babae. "Ang kapal din ng pagmumukha mo ano! Ikaw pa ang nanliligaw sa lalake. You're a flirt!" Sabi nitong sabay hila sa buhok ko.

Nakikita kong dali dali siyang inawat ni Jared. "Tricia! Stop it!" Sabi nitong sabay tanggal ng mga kamay ni Tricia sa buhok ko.

Nang mahiwalay na kami ni Tricia. Melvin is patting my back. Niyakap ako ni Brix. "Are you okay Emma? Halika ihahatid na kita. Pagpasensiyahan mo na ang girlfriend ni Jared na si Tricia." Sabi ni Brix. Napatingin sa akin si Jared at umalis na sila ni Tricia.

Hindi na ako nagpahatid kay Brix at kaya ko naman ang sarili ko. i don't want to dwell in bad vibes. I just consider today a bad day. Dapat lang bantayan niya si Jared. Napaka gwapo pa naman nito. Pero ang saktan ako at ipahiya sa campus ay hindi tama. Hayaan ko na lang siya. I still do believe in karma.

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon