Chapter 38 Jared's Confession

15.9K 306 4
                                    

Emma's POV

🍀🌸🌺Thanks for everyone's patience. I'm back.🌷🌸🍀

Ang sakit ng katawan ko. I'm still sore down there. Hirap din akong maglakad at masakit ang balakang ko. No choice kailangan kong pilitin ang sarili kong magjoin sa kanila for dinner. Ayokong mahalata nila na may nangyari sa amin ni Jared. Walang may dapat na makakaalam. Malayo pa lang ako nakita ko na si Jared at Vanessa na naglalambingan. Nakayakap ito ng paharap kay Jared. Hindi nila ako nakikita at ganon din si Jared na nagpapaubaya sa ginagawa ni Vanessa. She tiptoed and kissed Jared on the lips. Nagtama ang mga mata namin at nakita kong naglakad papunta ito sa akin. I am so hurt with what I just saw. Ayoko ngang lumapit sa kanya. It's enough na nakuha niya na ang lahat sa akin. Ano pa ba ang kulang? Umiwas ako sa kanya at dumiretso doon kila Ate Tina. Para akong hibang sa sarili. Hindi ko ba naisip na once makuha na ni Jared ang gusto niya, hanggang doon na lang ako para sa kanya? Kinuha ko si Abigael kay Ate Tina. "Emma, in case hindi mo pa alam. Babalik kami ng Switzerland tomorrow. May emergency kaming aasikasuhin doon." Sabi ni Ate Tina sa akin. "The chopper will be here early in the morning. You can stay here if you want to. May 3 days pang natitirang araw ang booking namin dito. Magpapaiwan silang lahat." Sabi pa nito.

"I think sasama na lang ako sa inyong bumalik ng Maynila Ate. Tapos na rin kasi ang responsibilidad ko kaya I don't need to stay here." Sagot ko pa. Hindi ko kailangang manatili dito. There's no need. Para ano pa? Para saktan ang sarili ko? It's about time to give Jared and Vanessa a chance.

Nakita kong papalapit si Jared sa akin. Hindi na ako makaiwas sa kanya kaya hinayaan ko na lang itong lumapit sa akin. "Are you okay? Pwede namang si Aling Pacita na lang muna ang mag alaga kay Abigael." Sabi nitong parang puno ng concern ang mga mata. Kung hindi ko pa itong nahuling nakipaglampungan kay Vanessa baka maniwala pa ako na concern nga ito.

"Ok lang ako Jared. Don't worry." Sabi ko pa dito. I don't need to show my vulnerability to him. Ayokong nakikita niyang nasasaktan ako. I have to go. Leave this place and stay away from Jared. Far away from him.

Nakita ko na lang na dumating si Drake at hinalikan ako nito sa pisngi. "Na missed na kita agad kahit sa ilang oras lang na hindi kita nakita. Halina kayo at kumain na tayo." Sabay akong inakbayan ni Drake at giniya sa dining area. Nanlilisik na naman akong tiningnan ni Jared.

Kinuha ni Aling Pacita si Abigael at tapos na daw siyang kumain. Nakita kong magkatabi na si Vanessa at Jared sa upuan. Magkatabi naman kami ni Drake.

Si Kuya Brent nagsalita. "Salamat pala sa lahat na nandidito. It's not a goodbye. Babalik din kami dito sa Pinas." Paalam pa ni Kuya.

Si Ate Tina naman ang nagsalita. "Just have fun. Enjoy lang kayong lahat sa 3 days pa na pananatili dito sa resort. I think si Emma lang ang sasama sa amin bukas." Sabi ni Ate Tina.

Nagsalita si Mommy ni Jared. "You can stay here Emma. Ok lang naman na nandito ka." Sabi pa nito sa akin.

"Salamat po Mrs. Galvan. Tapos na po ang obligasyon ko dito. Tsaka pumupunta po ako sa probinsiya nila Tatay sa Bohol every summer. Plano kong pumunta doon bago mag umpisa ang pasukan. Enjoy na lang po kayong lahat dito." Sagot ko pa.

Nakita kong wala na sa mood si Jared. Habang si Vanessa ay nag fli flirt sa tabi niya. Maagang nagpaalam si Kuya Brent at Ate Tina na karga karga si Abigail. Samantala nagyaya si Drake na sumama ako sa kanila, kasama si Jared at Vanessa na mag swimming. Wala namang masama siguro na mag mingle ako sa kanila saglit. Pumunta lang ako sa cottage para magpalit ng swim clothes. Hindi ko alam na sinusundan pala ako ni Jared. "Bakit ka aalis bukas? Dito ka na lang muna." Sabi nitong sabay yakap sa likod ko habang sinara ng mga paa nito ang pintuan ng cottage.

Nagpupumiglas ako sa pagkakayakap niya. "Pwede ba Jared, huwag mo na akong bolahin pa! Kitang kita ng dalawang mata ko ang paglalampungan niyo ni Vanessa. Tigilan mo nga ako!" Sigaw ko pa sa kanya.

Pinaharap ako nito sa kanya at hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. "Hindi mo lang alam kung paano ko iniiwasan si Vanessa. Kung nakita mo rin sana kung paano ko siyang itulak palayo sa akin." Sabi pa nito. "Ikaw lang ang laman ng puso't isipan ko." Sabi pa nitong niyakap at hinahalikan ako.

Pilit akong kumawala sa mga halik at yakap ni Jared. "Please just leave. I'm leaving because I'm doing you a favor." Sabi ko pa sa kanya.

Naramdaman ko na lang na biglang lumuwang ang pagkakayakap nito sa akin at finally he stepped backwards. "You are not doing me a favor. Infact you are hurting me. I will let you go tomorrow. Pero hahanapin kita at papakasalan ulit. Ikaw lang ang nag iisang babae na nagdulot ng ganitong epekto sa akin. Mag ingat ka. Mahal kita Emma." Sabi nitong malungkot akong tiningnan.

Umalis na ito at naiwan akong mag isa at tulala sa cottage. "Mahal kita Emma" Ito ang paulit ulit na nag play sa isipan ko. Walang mangyayari kung magmumokmok ako dito. I might as well join them.

Si Jared pa lang ang nasa dagat. Busy ito sa paglalangoy at hindi napansin na nandoon na rin ako lumubog sa tubig. Nagulat ito ng makita ako. "Saan na sila Jared?" Tanong ko sa kanya at nakikita ko pa rin ang lungkot sa mga mata nito.

"They're coming. Just enjoy the water." Sabi pa nitong seryoso at tumalikod na sa akin.

I gathered some water in my hand and splashed some on Jared's back. Nakita kong tinapunan ako nito ng tingin at ngumiti sa akin. He gave me his playful smile and started splashing water all over me. Tawa lang ako ng tawa habang natatapunan ako ng tubig sa mukha. "Jared stop it!" Sigaw ko.

"I will stop only if you'll kiss me." Sigaw naman nito.

"Okay" Sagot kong tumatawa pa rin.

I gave him the sweetest kissed on the lips. Nabigla kami na nandiyan na pala si Vanessa at Drake katabi namin. Pati na sila Mommy at Daddy ni Jared ay nakatingin sa amin. Nahiya tuloy ako. Hindi ko na alam kong anong gagagawin ko.

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon