Chapter 29 At Jared's family house

11.8K 261 3
                                    

Emma's POV

Jared was just furious with what I told his family. He is making a fist and I know galit na galit na ito. He grab me by my arm. "Mom, Dad excuse me for a minute." Sabay hila sa akin upang tumayo.

"Aray, Jared saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko pa sa kanya.

"I'm bringing you home. So we can talk this together." Sabi pa na nito at nandito lang kami sa sa sala nila. Alam kong naririnig nila ang usapan namin.

"Hindi ako sasama sayo. I am not your wife. Hindi mo ako minahal. If we are leaving tonight, just bring me straight home to my parents. Hindi kasama sa usapan natin na aminin mo sa family mo that we are married. Gusto mo kamuhian din nila ako katulad ng ginagawa mo!" Sabi ko pa sa kanya.

"Hindi yan ang gusto kong mangyari. I'm just telling them the truth that we are married. You need to be treated as my wife." Dagdag pa nito.

Narinig kong tumikhim ang Mommy ni Jared. "Jared anak. Bakit hindi mo na lang muna hayaan si Emma na magpalipas ng gabi dito. Give yourself and her some space and time to think about your relationship." Kausap pa nito kay Jared.

Narinig kung nagsalita si Jared. "No Mom. Ayaw kong pinapatulog niyo siya sa maid's quarter. I have still my room here. Bakit hindi niyo siya doon patuluyin?" Diin pang tanong ni Jared.

Napatingin si Mrs. Galvan sa akin nakita ko na hindi na ito galit. Nandiyan din pala si Mr. Galvan. Narinig ko itong nagsalita. "Emma doon ka na matulog sa room ni Jared. Magpahinga na kayo at alam kong pagod kayo. Sana huwag kang umalis muna at kailangan ka ni Abigael." Offer pa ng Daddy niya.

Tiningnan ko si Mr. And Mrs. Galvan. "Tutuparin ko po ang pangako kong alagaan ang apo niyo at uuwi na ako sa amin pagkatapos. Wala naman akong may ginagawa sa summer na ito. Kaya makakaasa po kayo." Sagot ko naman sa kanya. Ayokong iniisip nila na hindi ko bibitawan si Jared. Wala akong pinanghahawakan sa kanya. Wala itong pagmamahal at pagtingin sa akin. Malungkot ang mga mata ni Jared habang nakatingin sa akin.

Dinala ako ni Jared sa room niya at tahimik lang akong nakasunod dito. Maganda ang room niya, maayos at puno ng mga photos mula elementary hanggang sa mag binata siya. Tahimik kaming dalawa sa loob ng room nito, nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa amin. Tumikhim ito at pinutol ang malalim kong pag iisip. Narinig ko na lang itong nagsalita. "Hindi ka pa kumakain. Hintayin mo lang ako dito at magdadala ako ng pagkain natin." Paalam pa nito sa akin while he's giving me a penetrating look. I just can't stand being with Jared. Mas tumatagal mas lalong nahuhulog ng tuluyan ang damdamin ko sa kanya. Hindi ko pwedeng hayaan ang puso ko at isipan na maging alipin ni Jared. Alam ko na si Vanessa ang gusto ng pamilya nila sa kanya. Parang tutulo na naman ang luha ko sa mga consequences sa mga desisyon ko. Sa mga pinanggagawa ko na alam kong ako ang may kasalanan. Kung sana hindi ako nagsinungaling sa parents ko. Sana hindi napilitan si Jared na pakasalan ako. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Tamang tama naman ang pagpasok ni Jared. "Dinner is ready!" Masaya nitong bati dala dala ang pagkain at nilapag sa table.

Nakita ako nitong umiiyak. Dali dali itong lumapit sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Shh... Sorry na. I did not intend to hurt you when I blurted out to them about our relationship. My parents need to know. Yun lang ang gusto ko." Habang nakatingin ito sa akin.

"I'm sorry. I am just too emotional. Just don't mind me." Sabi ko dito habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.

Hinila nito ang kamay ko. "Halika kain muna tayo bago lumamig ang pagkain." Giniya ako nito sa upuan. "Kumain ka ng marami. Nagugutom na nga din ako. Kailangan ko naring umuwi at may pasok pa ako sa opisina bukas. Sa hapon ko na dadalhin ang mga gamit mo, since ayaw mo namang umuwi sa bahay natin." Kaswal pa nitong sabi sa akin. Habang nilalagyan ng pagkain ang plato namin.

"Hindi naman sa ayaw. May mga bagay na kailangan ko lang itama." Sagot ko sa kanya. Lumingon ako sa kanya at nakita ko na nakatutok ang mga mata nito sa akin.

"We will work this out. Alam ko maaayos din natin ito." Maigsi na tugon nito.

Tinulungan ko si Jared na dalhin ang kinainan namin sa kusina. Nandon pa si Aling Susana na nagliligpit. Pinaalis na niya kami ni Jared at siya na lang daw ang bahala sa kusina.

Bumalik kami sa bedroom ni Jared at itinuro nito ang mga damit. T shirt at shorts niya na pwede ko munang suotin, pati na mga extra na towel at toiletries. "O siya. Gustuhin ko mang dito matulog ngayong gabi, sigurado akong ayaw mo naman akong makatabi. Babalikan na lang kita bukas. I'll take you out for dinner." Dagdag pa niyo na nakangiti sa akin.

"Jared, may trabaho na ako. May responsibilidad. Hindi ako basta basta na makakatakas sa mga responsibilidad ko kay Abigael." Sagot ko pa sa kanya.

"Don't worry about that. For sure Ate Tina and Kuya Brent won't mind you leaving at night time. Di ba ang usapan, sa araw ka lang mag aalaga ng baby?" Sabi nito sa akin na nakangiti.

"Ikaw na nga ang bahala!" Sagot ko pa sa kanya. Nagpaalam na rin ito at medyo malalim na ang gabi.

Parang nakakapanibago na hindi ko ngayon kasama si Jared. Palibhasa nasanay na akong kasa kasama ko siya palagi. Nandito lang ako sa room niya nag iisip. Pinaplano ko na kung ano ang mainam kong gawin. Babalik ako sa amin at aaminin ko sa parents ko ang totoong relasyon namin ni Jared. Alam kong ma disappoint ko ang parents ko. Pero alam ko rin na maiintindihan nila kung bakit ako nag sinungaling sa kanila.

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon