Jared's POV
Nakatingin lang ako kay Emma na nagsi swimming kasama si Ate Tina. Andami ko ng nainom pero feeling ko kulang pa rin ito. "Hindi yata maalis alis ang mga mata mo sa asawa mo. Congratulations bro! Sana mayroong big wedding celebration para maka attend naman kami." Dinig ko pang sabi ni Kuya Brent.
"Yun nga ang isang malaking sampal. Hindi pala legal ang kasal namin." Sabi ko pa dito na nagpa gulat kay Kuya Brent.
Narinig ko na lang na dumating ang mga kaibigan nito. Mga kilala ko na ang mga ito at matagal ng kabarkada ni Kuya ang dumating. "Welcome back pare! Hi Jared!" Sabay sabay nilang bati.
Napako ang tingin nila sa pool. "Si Tina my wife." Dagdag pa ni Kuya.
"Oo nga sabi ko na nga ba na si Tina yun. Sino naman ang kasama niya?" Tanong ni Michael ang tsinitong barkada ni Kuya.
"Si Emma yan. Siya ang nag aalaga muna kay Abigael ang baby namin habang nagbabakasyon kami dito." Explain pa ni Kuya sa kanila.
Nagsalita si Aaron ang kayumanggi at pinakamatangkad sa kaibigan ni Kuya. "Sobrang ganda at sexy pare. Napakaamo pa ng mukha." Dagdag naman nito. Silang lahat ay nabighani sa ganda ni Emma. I was fuming with jealousy right now. Nakikita ko pa rin sa malayo ang malungkot na mga mata ni Emma. Naunang umahon si Ate Tina at sumunod naman ito. Pinakilala ni Kuya Brent si Emma sa mga kabarkada nito. Interesado sila kay Emma at tahimik lang itong nakipagkamay din sa mga kabarkada ni Kuya. Kaya tumayo ako sa tabi ni Emma. Nag kunwaring lasing na lasing at muntik ng matumba.
Hinawakan ako ni Emma. "Ops Jared! Baka mamaya matumba ka. Ano ba? Halika na nga at tama na ang inom na yan." Sabi pa nito sa akin.
Nagsalita din si Ate Tina. "Sige tulungan na kita Emma." Habang nagpaalam na rin ito kay Kuya Brent.
"Mabuti pang dalhin mo na yan doon sa taas at ng tumigil na sa kakainom yan. Andami mo ng nainom bro." Sabi ni Kuya Brent.
Hawak hawak ako ni Emma at Ate Tina sa braso. Nang paakyat na kami sa hagdanan. "Ako na Ate Tina. Parang ok pa namang maglakad si Jared." Dinig kong sabi nito kay Ate Tina. "Ano ka ba Jared. Hindi inom ang solusyon sa mga nangyayari. Gusto pa naman sana kitang kausapin but I guess sa sitwasyon mo ngayon. Sa susunod na lang tayo mag usap." Sabi pa nito sa akin na hindi tumitingin at sa hagdanan ito naka focus.
Napatingin ako sa kanya. Naka two piece pa rin ito at feeling ko ang init init ng pakiramdam ko. Siguro dala na rin ng alak at ang matindi kong atraksiyon sa kanya. My God! I didn't realized that she is this perfect. She is so beautiful. "Ano ba ang gusto mong pag usapan? Hindi naman ako ganon kalasing." Dagdag ko pa sa kanya na nakangiti.
Finally nandito na kami sa bedroom ko. Pinahiga niya ako sa kama. Nakapa meywang itong nagsalita na nakangiti. "Whoah! I'm really careful at baka mahulog tayong dalawa sa hagdanan." Sinimulan niyang tanggalin ang shoes at socks ko.
"Babalik ako para punasan ka. Mag shower lang ako sandali at ng makabihis din ako." Paalam nito sa akin.
Nakatulog ako sandali dahil na rin siguro sa nainom ko na alak, pagkahilo at pagod. Nakabihis na ng pantulog si Emma at basa pa rin ang buhok nito ng bumalik. Pinunasan niya ako. Kailangan kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. "Kung hindi ko pa nasabi sayo. Sobrang laking pasalamat ko na dumating ka sa buhay ko." Alam kong nabalewala ko ito at may pagkakataon pa akong bumawi.
"Jared, kung ano man ang pinakita ko sayo. Totoo yun at ginagampanan ko lang ang akala kong responsibilidad ko sayo. Yun ay ang pagiging masunurin at ulirang asawa mo. Pero hindi naman pala yun legal." Sabi pa nito. habang pinupunasan ang mukha ko.
Hinawakan ko ang mga kamay nito at hinalikan. "Hindi ako bulag at manhid na hindi ko nakikita at nararamdaman ang pagmamahal mo. Stay with me Emma. Mag umpisa tayong dalawa." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"I can't Jared. It was a relief knowing that all the while wala namang may nagtatali sa atin. Ikaw mismo ang nagsabi na hindi isang katulad ko ang mamahalin mo. I bet your Mom and your family wanted Vanessa for you." Sabi nitong nakatingin sa aking mga mata. "Uuwi ako sa amin at i explain ko sa parents ko ang totoo. Maiintindihan nila ako. Bababa na pala ako at mayroon pa namang isang bakanteng room sa maid's quarter." Paalam nito sa akin na hindi nakatingin. Akma itong tatayo ngunit hinawakan ko ito ng mahigpit sa braso.
"Please... Please don't go. Not tonight please. Stay here with me." Pagmakaawa ko sa kanya.
Napatingin ito sa akin. "Thing's changed Jared. I was given a chance now to make things right. Alam kong marami akong pagkakamali. Naging kasalanan sayo at sa parents ko. Please help me get through with this. Let us move on without each other." Sagot pa nito sa akin.
"Okay, I will let you go for now. I want to have you back. Just give me a chance." Sabi kong binitawan ang mga kamay niya.
Hindi ko kaya na mawala ng tuluyan sa piling ko si Emma. Hindi ako makatulog. Narinig ko na lang ang pagkatok at pagtawag ni Mommy sa pintuan ko.
"Jared, kumain ka na. Saan na si Emma?" Tanong nito sa akin.
"Good evening Mom. Nandon siya sa maid's quarter natulog." Sagot ko pa sa tanong ni Mommy.
"Bakit mo siya pinatulog doon. Sana doon na lang siya sa bedroom ni Abigael dahil pag gabi doon naman kila Brent natutulog ang bata." Pagpapaalala pa ni Mommy sa akin.
Hindi ko maintindihan si Mommy. Di ba't harap harapan kung ipakita nito ang disgusto kay Emma? Siguro guilty lang si Mommy sa pag reveal sa amin ni Emma na hindi naman kami tunay na mag asawa. Emma is a treasure at may busilak na puso. Sana makita ng family ko ang kagandahang panloob nito.
BINABASA MO ANG
Marriage in Despair(Completed)
RomanceMinahal ni Emma si Jared ng sobra sobra. Hinahabol habol niya ito ng hindi napapagod. Si Jared naman ay umiiwas palayo sa kanya. Naiinis, nalilito at ayaw nito kay Emma.