Emma's POV
Ngayon lang ako nabigo at kung paanong maramdaman ang sakit na dulot ng pag ibig. Kahit na alam kong wala akong panalo kay Vanessa na totoong mahal ni Jared. I was just trying to convince Jared to keep me. Ayaw kong mag file siya ng annullment namin pag naayos na ang gusot sa kanila ni Vanessa. Pwede ba yun? He will keep me and Vanessa as the other woman. Narinig ko itong nagsalita. "No, I don't want you to hope! Hindi kita mahal at si Vanessa ang totoong mahal ko. I have other flings but so far nobody could replace Vanessa in my heart. You stay in my condo. You will be living for now with my friend Dianne." Diin pa nito sa akin para maintindihan ko ang sinasabi niya.
Tumulo na ang luha ko at hindi ako makatingin sa kanya. "Jared, gusto mo pa pala ng kanin?" Pag iiba ko sa usapan. Parang pinipiga ang dibdib ko sa sakit. Gusto kong umiyak ng malakas. Para maihinga ko ang sakit sa dibdib ko.
"No thanks. I'm done eating." Dinig kong sabi nito. Nakaupo pa rin ito sa dining table. Isa isa kong niligpit ang kinainan namin. "Just leave it there. Si Aling Pacita na ang bahala diyan." Utos pa nito sa akin.
"Hindi, ok lang ako dito. Ako ng bahala magligpit dito sa kusina." Sabi ko sa kanya. Alam kong nakikita niya akong umiiyak. So what? Sasabihin na naman nitong nag dadrama ako. That's fine. Hindi pa rin ito umaalis ng dining table. Nakatingin lang ito sa aking umiiyak habang nililinis ang dining table. Nakatalikod na ako sa kanya at naghuhugas na ako dito sa lababo ng mga pinggan.
Narinig kong nagsalita si Aling Pacita. "Naku Mam Emma ako na diyan. Sir Jared pasensiya na at may ginagawa ako sa hardin." Sabi ni Aling Pacita.
"Aling Pacita OK lang ako dito. Sanay po ako sa gawaing bahay. Lumaki kaming walang katulong at ako ang inaasahan sa mga gawaing bahay." Sabi ko dito. Mabuti at napapayag ko itong umalis na. Nakakahiya baka makita nito aking umiiyak.
Nang matapos akong maghugas ng mga plato. Laking gulat ko na nandoon pa rin pala si Jared. Nakatingin ito sa aking mga mata. "Jared, Alis na ba tayo?" Tanong ko sa kanya para makalma ang atmosphere sa aming dalawa. "By the way, napakaganda ng bahay mo. Sige, tutulungan kitang maibalik si Vanessa sayo." Sabi ko sa kanya.
"Yung mga kakailanganin mo. Ikaw na lang ang bahalang bumili. Bibigyan kita ng bank card para yun ang gagamitin mo at pang withdraw ng pera. Bibisitahin kita from time to time." Sabi nito sa akin. Parang other woman pala ako nito. Dahil hindi niya ako dito pinatira sa bahay niya. Instead doon ako sa condo katulad ng mga naging babae niya.
Hinatid kami ni Mang Aton sa condo at gabi na ng dumating kami. Tahimik lang ako. Nag iisip at nag mumuni muni sa mga kaganapan sa aking buhay. Ganito na lang siguro kami ni Jared. Maging civil sa isa't isa. Narating namin ang penthouse ng condo at napakaganda nito. Nang magbukas ang pintuan ng condo. May babaeng agad na yumakap kay Jared at hinalikan ito sa labi. Naiilang akong bigla. Aside from that nasasaktan ako sa mga nakikita ko. "Diane, si Emma pala friend ko. Dito muna siya." Pakilala ni Jared sa akin.
"Welcome Emma. Actually 3 days na lang ako dito at babalik na ako ng Paris." Sabi pa nito. Nang biglang may lalaking lumabas sa bedroom. Napakagwapo at matangkad ito.
"Jared! Cousin. Hindi pa ako nakatawag sayo at kararating ko lang galing US." Sabi ng lalaki sabay yakap kay Jared.
"Drake si Emma friend ko. What brought you here in Pinas?" Tanong nito kay Drake.
"Long story but I'm here to heal my broken heart. Dito muna ako sa condo mo. Baka matatagalan ako dito sa Pinas. Who knows, I will stay here for good if I've found the right person." Sabi nito kay Jared. Napasulyap ito sa akin at tinitingnan ako ng malagkit. Umiwas ako ng tingin at naiilang sa mga tingin ni Drake.
I always felt so uncomfortable if guys are giving me attention. Dahil na rin siguro na hindi pa ako nagkakaboyfriend. So, kung aalis pala si Diane in 3 days time. Kaming dalawa lang ni Drake ang tao dito. Hindi naman ako makauwi sa amin at sigurado madisappoint ko ang parents ko sa kasal namin ni Jared.
Tinuro ni Jared ang maging bedroom ko. dinala niya ang bag ko sa loob. Ako naman nakatingin lang dito sa crystal na bintana. Ang ganda ng view sa labas. Parang nakakatanggal ng stressed. Narinig kong nagsalita si Jared sa likod ko. "Do you like the view?" Tanong nito.
Sumagot ako ng hindi tumitingin sa kaya. "Very beautiful and magical. It is so breath taking! Thank you for offerring a place for me to stay." Sabi ko sa kanya na puno ng pasasalamat. Narinig kong umalis na ito at ang pagsara ng bedroom.
Nagpalit ako ng pambahay at nakita kong nag uusap si Jared at Drake. Hindi ko na lang sila pinansin. Nag start akong maglinis ng kusina at hinugasan ang mga plato. "Aba, maswerte yata ako nito at may kasama akong masipag na babae dito sa condo." Sabi pa nitong napahalakhak. "Bihira na lang ang babaeng ganyan na maasikaso sa bahay. Kaya pag nakatagpo ka ng babaeng maalaga. Huwag mo ng pakawalan pa." Seryoso nitong dagdag.
"Depende sa tipo ng babae. Masipag nga, kung sinungaling naman. Di ba nakaka turn off din yun?" Sabi naman ni Jared.
"Depende din kung anong reason ng pagsisinungaling. Kaya dapat alamin din ang rason noon. Believe me cousin! Lahat lahat may rason. Kaya hindi ko huhusgahan ang tao dahil lamang sa unang beses nitong pagsisinungaling. Pero yung habitual liar, yun ang nakakatakot." Sabi pa ni Drake.
Hindi ko na sila pinansin. Busy lang ako dito at pagnatapos ko na ang paglilinis, tsaka ako mag aaral. Tama mag focus na lang ako sa pag aaral ko. Bahala na kung anong mangyari sa amin ni Jared. Sa totoo lang, hindi naman talaga kami bagay. Para lang sa mayayaman ang mayaman. Kaya ayaw ko ng umasa pa.
BINABASA MO ANG
Marriage in Despair(Completed)
RomanceMinahal ni Emma si Jared ng sobra sobra. Hinahabol habol niya ito ng hindi napapagod. Si Jared naman ay umiiwas palayo sa kanya. Naiinis, nalilito at ayaw nito kay Emma.