Emma's POVNabigla ako sa naging desisyon ni Jared na pakasalan niya ako. At last my scheme did work on him. Napatingin ako sa mukha niya at blangko ang ekspresyon pagkatapos niyang sabihin sa parent's ko na pakasalan niya ako. "Pwede po tayong pumunta ng munisipyo ngayon para magpakasal kami ni Emma." Seryosong sabi nito sa parent's ko.
Sari saring emosyon ang aking nararamdaman sa ngayon. Tuwa dahil of all people si Jared Galvan ang mapapangasawa ko. Lungkot dahil sa pinakasalan lang ako nito dahil sa mga ginawa kong kasinungalingan. "Salamat Jared dahil pinanindigan mo ang aming kaisa isang anak. Mahalin mo siya at alagaan katulad ng pagmamahal namin sa kanya." Sabi ni Tatay kay Jared. "Gusto din sana namin ma meet ang mga magulang mo. nang sa gayon makilala din namin sila." Dagdag pa ni Tatay.
Napalingon si Jared sa gawi ko. "Mahal po namin ang isa't isa. Mamahalin at aalagaan ko po siya katulad ng pagmamahal niyo. Uunahin na lang muna natin ang kasal. Hayaan niyo gagawa po ako ng paraan para makilala niyo sila." Sabi nitong nakatingin sa aking mga mata.
Panalangin ko na sana totoo ang sinasabi ni Jared. Pero sino ang niloloko ko? Alam kong katulad din niya akong nagsisinungaling. Alam kong walang katotohanan ang lahat ng sinabi niya. Narinig kong nagsalita ang Nanay. "Jared, Emma iiwanan muna namin kayo para mag usap." I have this guilt in my heart with what's going on right now, based on my actions, based on my decisions. Pero bakit pumayag din si Jared sa mga kalokohan ko?
Wala akong mukhang ihaharap kay Jared. Nahihiya ako sa kasinungalingan ko. Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay at doon lang ako nakatingin. Naramdaman kong umupo si Jared malapit sa tabi ko. Mas lalo akong kinabahan. Biglang sumikip ang paligid at nararamdaman ko na lang na namamawis na ako.
Narinig ko itong tumikhim. sa mahinang boses narinig ko itong nagsalita. "Siguro ngayon masaya ka na dahil makukuha mo na ang gusto mo." Sabi nitong nagsalita na napakalapit sa akin. "Ginawa mong miserable ang buhay ko. Kaya pareho tayong maging miserable. You are so obsessed about me since you're 13. I can't believe that at 18 you never mature." Dagdag pa nitong sabi sa akin. "Pero may pakinabang ka rin sa akin. Kaya hindi na din ako talo dito." Sabi pa niya.
Gusto ko mang pagsisihan ang pagsisinungaling ko but when it comes to Jared, parang feeling ko, lahat ng naging desisyon ko ay tama. "I'm sorry sa pagsisinungaling ko. Pwede mo naman akong bigyan ng pagkakataon bilang maging asawa mo. Malay mo, matutunan mo rin akong mahalin." Sabi kong hindi makatingin kay Jared.
Hinawakan niya ng mariin ang aking kamay. Nasasaktan na ako sa higpit ng pagkakahawak niya. "Do you think ganon lang kadali yun? For goodness sake! An 18 year old woman trying to scheme a 22 year old man for marriage? Are you out of your mind? Hindi ang tipo mong babae ang pinangarap kong mahalin." Sabi ni Jared at diniinan pa ang huling sinabi.
Napakasakit ng binitawan nitong salita. Nanunuot sa isipan ko at tumatagos sa puso. Nakakainis ang mga mata ko. Kahit anong pigil ko na huwag tumulo ang aking luha ay hindi ko ito mapigilan. Narinig kong nagsalita ito. "Hindi uubra sa akin ang drama mong paiyak iyak kunwari. Pakakasalan kita dahil sa kasinungalingan mo. Pero ito ang tandaan mo. Hindi kita kayang mahalin." Sabi nitong walang emosyon ang boses.
Napasinghap ako. Ayoko ring nakikita niya akong umiiyak. "Sandali Jared at maikuha kita ng juice. Babalik ako kaagad." Tumayo akong hindi man lang tumitingin sa kanya. Tumulo na ang mga luha ko ng walang tigil. I need to get a grip of myself. I know I deserved his hurtful treatment. Ano bang inaasahan ko sa kanya. Tratuhin akong babaeng hinahangaan, minamahal niya? Sinasamba? Stupid of me!
Inayos ko ang sarili ko at dinala kay Jared ang ginawa kong sandwich at juice. Ayoko ng lumuha pa. "Jared pwede ba bumalik ka na lang bukas at bukas na lang tayo pakasal? May thesis kasi akong i submit mamayang hapon. Hindi ako pwedeng umabsent." Sabi ko pa sa kanya.
Napatingin ito ng galit sa akin. "I told your parents that I'm gonna marry you today. So it is today that I will marry you. I'm busy tomorrow and I don't have time for this bullshit. Get dress and I will just call the judge which is our family friend to marry us." Pautos pa nitong sabi.
Napatingin ako sa mga damit ko. May nabili sa akin si Nanay na laced pink colored dress na above the knee. Tinatawag na ako ni Nanay at Tatay at ready na sila. Nilagyan ko lang ng moisturizer ang mukha ko, konting pulbo at pink lipstick.
Hindi ako makatingin sa mga mata ni Jared ng masilayan ko ito sa sala. Tumagos ang galit nitong tingin sa aking mga mata. Nauna itong bumaba, sinundan ng parents ko at ako ang pinakahuli. Ewan ko kung paano kong mapapaniwala ang parents ko na mahal ako ni Jared with the way he's treating me. Tahimik kami sa loob ng sasakyan. Si Tatay ang nakaupo sa front seat. Sa back seat kami nakaupo. Ako sa gitna at si Jared ang nakaupo sa left side ko. Narinig kong nagsalita si Nanay. "Jared hindi pa naman nakaplano itong pag aasawa niyo ni Emma. Pwedeng uuwi muna siya sa amin?" Pakiusap ng Nanay sa kanya.
Nagsalita ito. "Hindi po pupuwede at kasal siya sa akin. Ihahatid ko po kayo ni Tatay mamaya. Pero sa akin na po titira si Emma." Sabi nitong diniinan ang gusto.
Bigla akong natakot sa realization na sasama na pala ako kay Jared. Namamawis akong bigla sa takot. Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay at hinihila hila ito. By doing that, medyo napapawi ang stress ko. Nagsalita si Nanay. "O, sige Jared anak. Ipasyal mo na lang palagi ang baby namin sa bahay." Dinig kong sabi ni Nanay kay Jared.
Nangako si Jared kay Nanay na hindi niya kakalimutang palagi naming bisitahin sila Nanay. Natapos ang wedding ceremony sa harap ng judge na punong puno ako ng kaba. Panalangin ko sana na tama ang naging desisyon ko. Mamahalin ko ito at aalayan ng buong puso si Jared.
BINABASA MO ANG
Marriage in Despair(Completed)
RomanceMinahal ni Emma si Jared ng sobra sobra. Hinahabol habol niya ito ng hindi napapagod. Si Jared naman ay umiiwas palayo sa kanya. Naiinis, nalilito at ayaw nito kay Emma.