Jared's POV
Natapos ang wedding at sa isang kisapmata, I am a married man. I am not ready for this. Hindi ang kasal na to ang magpapabago sa nakasanayan kong buhay. After the ceremony, we just ate outside. Maraming mga pangaral ang Nanay at Tatay ni Emma sa aming dalawa ng ihatid namin sila sa kanilang bahay. Lalo na kay Emma. "Emma, alagaan mong mabuti ang asawa mo. Pagsilbihan mo si Jared and submit to him." Sabi ng Nanay niya sa kanya.
Si Tatay Manuel ang nagsalita. "As much as we want to keep you. Eto na ang araw na magkaroon ka ng sarili mong pamilya. Again, bukas ang bahay para sayo. Nag asawa ka lang. Hindi ibig sabihin na nawala ka na sa buhay namin." Madamdaming dagdag ni Tatay Manuel.
"Opo Nay, Tay. Salamat sa pangaral at pag alaga niyo po sa akin. I will try to be the best wife for Jared." Sabi nitong sumulyap sa akin. "Jared kukunin ko lang ang mga damit at gamit ko." Sabi nitong sabay talikod at punta sa kwarto nito. Sinusundan ko ito ng tingin, nagustuhan ko itong kumilos, napaka feminine at outstanding ang beauty nito. Parang wala ka ng hahanapin pa bilang asawa. Ang problema lang hindi ko ito mahal.
Ang tagal ko ng naghihintay kay Emma dito sa sala at hindi pa rin ito lumalabas. Nakita ko itong nagpapahid ng luha. "Are you ready?" Dungaw ko sa kanya sa pintuan ng bedroom niya.
Dali dali nitong binitbit ang bag. "Oo Jared. Pasensiya na kung natagalan ako. May hinanap pa akong gamit." Sabi nitong daladala ang bag. Hindi siya tumitingin sa akin.
Kinuha ko sa kanya ang bag at nagpaalam na kami sa parents ni Emma. Umiiyak ang parents nito ng umalis kami. Tahimik lang itong sumusunod sa akin papunta sa sasakyan. "Mang Anton, sa condo ko po tayo didiretso. At doon titira si Emma." Utos ko kay Mang Anton. Andami ko pa palang gagawin sa opisina ko. Bukas ko na lang asikasuhin ang dapat kong ayusin.
Magkatabi kami dito sa back seat ng sasakyan. Nakatingin lang ito sa malayo. Ako naman ay panay ang sulyap sa kanya. Parang hindi ako magsasawang tumingin sa kanyang mukha araw araw. Pero hindi ako paalipin sa physical na anyo nito. Palagi kong iisipin ang rason kung bakit kami ikinasal. Ang mga pagsisinungaling nito. Gusto ko ako ang naghahabol sa babae. Hindi yung katulad ni Emma ang magugustuhan ko.
"Mang Anton, daan muna pala tayo sa bahay ko. May kukunin lang akong mga gamit doon." Sabi ko pa kay Mang Anton.
Tinawagan ko din si Aling Pacita ang kasambahay ko. "Aling Pacita, can you prepare a special dinner. May kasama akong mag dinner diyan. Salamat po." Sabi ko sa kanya.
Dumating kami ng bahay ko mga alas singko ng hapon. Tahimik lang si Emma, mukhang malalim ang iniisip. Nang bumaba kami ng sasakyan. Binulungan ko siya. "Except sa parents mo. Walang may makakaalam na kasal tayo. I hope it is clear with you." Sabi ko sa kanya.
Malungkot itong sumulyap sa akin. "Walang problema. Kung yan ang gusto mo, ikaw ang masusunod." Sagot din nito sa akin.
Aba, parang wala akong magiging problema dito ah. Good! Yun ang gusto ko, sumusunod sa akin. "Sige, mamaya pag usapan natin ang kasal na ito. Marami tayong bagay na dapat linawin." I told her in advance. Dapat maliwanag sa kanya kung ano ang purpose ng marriage na ito.
"Kung ano ang gusto mo. Susundin ko. Sabihin mo lang kung ano ang ayaw at gusto mo." Malumanay na sagot nito sa akin. Kung ganitong klaseng asawa, wala na akong may mahihiling pa. I am so lucky to have her. Sana kung naging totoo ang marriage na to.
Dumating kaming ready na ang dinner. "Emma si Aling Pacita pala kasama ko dito sa bahay. Aling Pacita si Emma kaibigan ko." Pakilala ko pa sa kanya.
"Naku Sir, ang ganda niya. Mukha siyang artista. Ikaw pa lang Mam Emma ang kauna unahang babae na dinala ni Sir dito." Sabi ni Aling Pacita na puno ng paghanga ang boses.
"Salamat Aling Pacita. Emma na lang po." Sabi pa nito kay Aling Pacita.
Umupo kaming dalawa sa dining table na magkatabi. Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko. Nilagyan din ng juice ang baso ko. "May boyfriend ka ba? Gusto kong malaman kung saan ko ilulugar ang sarili ko." Paunang tanong ko sa kanya.
Nakita kong naglagay ito ng pagkain sa kanyang plato. "Wala akong boyfriend. May mga nanliligaw. Si Eric bestfriend ko at noon pa man sinasabi niya na na gusto niya ako. Pero malinaw naman sa kanya na hanggang friends lang talaga kami." Sabi nito sa akin. Naalala ko ang Eric na bumubuntot sa kanya noong 13 years old ito. Mabuti pala at wala itong boyfriend. wala akong dapat isa alang alang.
Habang kumakain ako. Naramdaman ko na pinahiran ng daliri nito ang aking labi at nagulat ako. "Sorry Jared. Tinanggal ko lang ang kanin." Sabi niyang hindi tumitingin sa akin. May kung anong sensasyon ang dulot nito sa akin. I just take the sensual incident off of my mind. I will feel the same with any woman doing the same way.
"Just to let you know na I have a girlfriend who is in the US. She will be here soon. You're role is to make her jealous, so I can convinced her to stay with me here in the Philippines for good." Sabi ko sa kanya na biglang nagpalungkot sa kanyang mga mata. "You will live in my condo and that's where I usually brought my woman." Dagdag ko pa. "Eventually, I will file an annullment for us pag pumayag si Vanessa na magpakasal sa akin."
Tumingin itong may namumuong luha sa mga mata. "Jared, hindi ba puwedeng totohanin natin ang marriage nato? Ayokong maging isang babaeng hiwalay. Hindi ba puwede na mahalin mo kaming dalawa ni Vanessa ng sabay? Kahit konti lang ang ibigay mo sa akin. OK lang ako." Sabi nitong hinahawakan ang aking kamay. Hindi ko alam na ganito ka selfless si Emma. Parang kinurot ang puso ko sa mga sinabi nito. Pero hindi, hindi ako padadala sa mga drama niya.
BINABASA MO ANG
Marriage in Despair(Completed)
RomanceMinahal ni Emma si Jared ng sobra sobra. Hinahabol habol niya ito ng hindi napapagod. Si Jared naman ay umiiwas palayo sa kanya. Naiinis, nalilito at ayaw nito kay Emma.