Chapter 27 At a restaurant

11K 267 2
                                    

Emma's POV

Hindi ba pwede kaming maging masaya kami ni Jared kahit panandalian lang? Bakit ba na na fru frustrate ako sa relasyon na ito na alam kong sa umpisa pa lang ay maging talunan ako. I am fuming with jealousy na wala naman akong may magawa dahil wala akong karapatan. I don't know kung hanggang saan ang pasensiya ko na mapigilsn ang emosyon ko pag nakikita ko si Jared at si Vanessa. Parang dinudurog ang puso ko ng marinig kong nakikipag kwetuhan ito kay Vanessa sa phone.

"Sure! I promise I will be there early. Do you need anything? I can pick you up at the condo right now." Dinig kong kausap ni Jared si Vanessa.

Ang ginawa ko tumalikod ako sa kanya at humarap sa glass window overlooking the city skyline. Hindi ako pwedeng palagi na lang nasasaktan. Ito ang buhay na pinili ko, kailangan kong maging matatag.

"Isn't it that the view is breathtaking?" Sabi pa nito sa likuran ko na nagpagulat sa akin.

Lumingon ako sa kanya. "Everything in this place is beautiful! Nakakarelax ang atmosphere by just looking outside." Sabi ko sa kanya na puno ng paghanga sa place niya.

Tumingin ito sa akin. "Mamaya pa daw magpasundo si Vanessa. I would like to take you out for a lunch." Hininimtay nito ang sagot ko sa kanya.

"Sige. Ikaw ang bahala." Tahimik lang akong nakasunod sa kanya.

May ipinagbilin lang ito sandali sa sekretarya niya at umalis na kami. Medyo alanganin lang ako sa suot ko. Bumaba kami sa isang maganda at mamahaling restaurant sa Makati. Inalalayan ako ni Jared sa kamay ng bumaba ng sasakyan. "Are you ok? You seemed nervous." Sabi pa nito sa akin.

Mabuti at sensitive si Jared sa nararamdaman ko. "I'm just concerned with what I'm wearing. Baka mamaya hindi ako nababagay dito." Nahihiya ko pang sabi sa kanya.

Ngumiti lang ito at tiningnan ako sa mata. "You are the most beautiful woman in here. Don't worry." Sabi nito na nagpakalma sa akin.

Ewan ko nga ba. Kung totoo man o hindi ang sinasabi ni Jared, pero sa mga maliliit na compliment na binibigay nito sa akin ay kinikilig na ako. Siguro umaasa pa rin ang puso ko na balang araw ay mapansin din ako ni Jared.

Tahimik ang upuan na itinuro sa amin ng waiter. Tamang tama lang ang pagkakaroon namin ng privacy. The place is very condusive for romance, may candle light and background instrumental music. "Thanks Jared for bringing me to this kind of place. Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kagandang restaurant." Pagpapasalamat ko pa sa kanya. We ordered and dined together. Masarap ang pagkain sa restaurant na ito.

Hinawakan nito ang kamay ko. "No. I should be the one who is thankful to have you here. Parang bonding time na rin nating dalawa. I have to forget yung circumstances natin." Sabi pa nito sa akin.

Tahimik lang ako at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko. "Sana nga makita mo rin ang value ko. Hindi bilang asawa coz I totally give up on that. Kundi bilang isang loyal friend. I'm sorry for everything. Babawi na lang ako sa inyo ni Vanessa kahit pa na masasaktan ako." Sabi ko pa sa kanya.

"Stop saying sorry. We are here in this situation. Marami din akong kasalanan at pagkukulang sayo. I am still glad that you are still here." Ma emosyong sabi nito sa akin. Sana kung pareho lang kami ng nararamdaman para sa isa't isa. Kung sana mahal mo rin ako. Hiling pa ng isip ko. Pero I know malabong mangyari yon.

"Oo naman Jared. My promise to you na tulungan ko kayo ni Vanessa. Gagawin ko yun kahit na mahirap. Para lang makabayad ako sa mga kasalanan ko sayo. Syempre pa ang pinangako ko sa parents mo na ako ang mag aalaga ng baby. Hindi pa rin nagbabago yun. Aalis ako pag natapos ko na ang pinangako ko sayo." Dagdag ko pa.

Nakita kong isinuklay nito ang dalawang kamay sa kanyang buhok. "Hindi mo alam ang nararamdaman ko! Kahit sarili ko hindi ko maintindihan!" Frustrated pa nitong sabi na nakatutok na sa mga mata ko.

Ang tahimik na atmosphere namin kanina ay napalitan na naman ng animosity sa isa't isa. Ganito na ba ako kasama na babae? Sarili ko lang ang iniisip ko kung bakit napilitang magpakasal sa akin si Jared. I know this is not the right place to cry pero hindi ko mapigilan ang emosyon ko. "Hindi ko sinasadya na pahirapan ka. Napaka selfish ko dahil sarili ko lang ang iniisip ko. I just wish to vanish away from you. Away from your life. Para makalimutan ko na lang ang mga mali na nagawa ko. Para na mawala rin ang sakit na nararamdaman ko at ang sakit na naidulot ko sayo." Hindi na ako makatingin kay Jared. Hiyang hiya ako sa mga kagagawan ko.

Nakita kong may dinukot ito sa bulsa niya. Binigyan niya ako ng panyo. "Tumigil ka na sa kakaiyak mo. We still have to pick up Vanessa and pick up Kuya Brent and Ate Tina." Sabay hawak ulit sa mga kamay ko. I know he's just trying to make me feel better.

Sinundo na namin si Vanessa sa condo ni Jared. Hinalikan niya si Jared sa lips ng makita niya ito. Ngunit iniwas naman ni Jared ang mukha niya. Bagay na nagpagalit kay Vanessa. "Jared, wala sa usapan natin na dalhin mo ang alalay mo dito!" Sabay turo pa nito sa akin.

Hinawakan siya ni Jared sa kamay. "Watched your mouth Vanessa. Hindi ka naman ganyan dati ah." Saway pa ni Jared sa kanya.

Tiningnan ako ni Vanessa ng pagalit. "You send her away from us. I don't want to see her!" Sigaw pa nito.

"That's Ok Jared. I can just go home." Sabi ko pa kay Jared.

"No! You stay with me Emma. Vanessa if you don't want to come with us. It is your choice. Don't be a brat." Sabi pa ni Jared na hinihila na ang kamay ko.

"Jared, I'm so sorry. You know that I love you. I will come with you and promised I will behave." Biglang nag iba ang mood ni Vanessa. Sana ganito na lang siya, mabait. Hindi mapanglait.

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon