Chapter 5 The Kiss

13.9K 325 4
                                    

Emma's POV

Since na nagtapos ng high school si Jared, hindi ko na ito nakita pa. Wala na din kaming opportunity na magkita pang muli. Nanatili kaming friends ni Eric. Naging honest naman ako sa kanya na tanging pagiging kaibigan lang ang naging relasyon namin.

Si Eric at tsaka si Kate lang ang tanging naging bestfriends ko. Kahit na mayaman sina Eric at Kate hindi ko na feel ang agwat sa estado ng pamumuhay namin dahil napaka humble nila. Nitong weekend na ang debut ni Kate at invited ako. Gusto niyang nandoon din ako sa importanteng araw niya. Engrande ang celebration at nasa pinakamahal na Hotel ito idadaos. Pinapunta niya ako sa bahay nila para pumili ng signature na damit niya na pwede kong hiramin.

"Naku Kate, nakakahiya naman na manghiram pa ako sayo ng damit." Sabi ko sa kanya. "Nakakalula naman ang closet mo. Sobrang dami ng mga damit mo." Sabi kong sobrang mangha sa dami ng damit, sapatos at bag ni Kate.

"Emma, I want you to look lovely on my birthday. Just to let you know na pupunta si Jared. Ang long time crush mo. Kabarkada yun ni Kuya Ethan eh." pag encouraged pa nito sa akin. "Etong red long gown na may mga swarovski crystals. Bagay ito sayo. We bought this from our trip in Europe. I want you to look your best for Jared. Tingnan lang natin kung hindi siya magandahan sayo." Dagdag pa nito.

"I'm not really sure about that. Alam mo namang pinandidirihan ako non. Now you made me reminisced that puppy love Kate. Ang tagal na rin na hindi kami nagkita. For sure marami ng nagbago." Sabi ko pang nahihiya kay Kate ng maalala ko na naman ang mga pinanggagawa ko noong high school. Pero si Jared lang ang kaisa isang lalake na hinahangaan ko.

"Dito ka na magbihis at may make up artist na binayaran si Mommy." Sabi nito sa akin.

"Salamat talaga Kate. Alanganin nga akong umattend dahil mayayaman ang nandodoon. Para lang sayo pupunta ako." Sabi ko pa sa kanya.

Ang tagal ko ring pinag ipunan ang regalo ko sa bestfriend ko. I bought her at the boutique an expensive french perfume. Maaga akong pumunta kila Kate. Busy na ang bahay nila dahil ilang oras na lang at mag sisimula na ang debut party niya. Nang first time kung makita si Kate sa kanyang gown. I was so shocked sa sobrang ganda niya. "Kate ang ganda ganda mo. Mukha kang prinsesa! Happy birthday bestfriend!" Sabay halik ko sa pisngi niya at yakap.

"Thank you Emma for the compliment and the gift. Bagay na bagay pala sayo ang red gown. Mukha kang model. Sigurado maraming aaligid sayo mamaya." Sabi nito sa akin.

Magkasabay kaming dumating ni Kate at marami ng tao sa reception area. Nagsimula na ang programa. Napaka organized ng sistema at
entertaining ito. As usual dahil excited din akong makita siya. Si Jared ang unang hinanap ng mga mata ko. Sobrang gwapo nito sa damit niyang americana. Napaka manly ng dating from head to foot. I will not get over him. All along siya pa rin pala ang gusto ng puso ko.

Mag isa lang ako dito sa gilid at nahihiya akong makihalobilo sa mga tao. Mga mayayaman ang bisita at puno ng media ang party. Si Eric ang escort ni Kate kaya wala din akong may makausap.

"A penny for your thought." Dinig kong may nagsalita sa likod ko.

Napatingin muna ako at napaisip. "Kuya Brix! Kamusta na?" Natutuwa kong bati sa kanya.

"Kanina pa kita tinitingnan. Nahiya lang akong lumapit at baka hindi mo na ako kilala." Sabi pa nito. "Sandali ikukuha lang kita ng drinks." Sabi nitong sabay na umalis.

"Kabilis mong makipag flirt sa kaibigan ko." Napalingon ako at nakita kong si Jared ang nagsalita.

Nagulat ako don sa sinabi niya. Natahimik akong bigla. "Ah... Eh, Jared gusto mo bang ikuha kita ng cake?" Ano ba yan nauutal naman akong bigla.

"Kaya kong kumuha para sa sarili ko! Those strategy will not work on me." Pasinghal pa nitong sabi.

Nasaktan ako sa mga sinasabi ni Jared sa akin. Pero hindi! Hindi ako susuko. Sabi ko sa sarili ko. Nakita ko na lang si Kuya Brix may dalang drinks. "Jared nandito ka pala pare. Red wine for the beautiful lady here." Sabay bigay ni Kuya Brix ng wine glass.

Agad ko naman itong ininom. Natuyo yata ang lalamunan ko sa mga sinabi sa akin ni Jared. Halos nakalahati ko na ang wine glass at hinawakan ni Jared ang mga kamay ko. "Wait! Are you even legally allowed to drink?" Sabi niyang galit na.

"That's ok Pare. It's only wine. It's not gonna hurt her." Sabi pa ni Kuya Brix na napapangiti.

Medyo naramdaman ko na ng konti ang alcohol sa sistema ko. Ewan ko at ngayon parang wala na akong takot na magsalita. "Someone's here scared I might get drunk. Excuse me? I'll be 18 too next month, so it is legal for me to drink! Don't you worry, hindi ikaw ang tipo ng lalaki na pwede kong i seduce at magpapa seduce sa akin." Sabi kong sabay halakhak.

"Excuse us Brix. Let me just talk to Emma privately." Sabing sabay hila sa kamay ko. When my other hand is free, inubos ko na ang natitirang wine at iniwan ang baso sa isang table.

"Wait! Bakit mo ba ako hinihila ha?" Sabi kong napapatawa na. We are here at the private patio ng hotel.

Pinasandal ako nito sa wall, napakalapit na namin sa isa't isa. "Nobody drives me crazy like you do!" Bumabaon ang malalagkit na tingin sa akin ni Jared.

Hinawakan ng dalawa kong kamay ang pisngi ni Jared. "Ikaw pa rin Jared ang itinitibok ng puso ko. Please kiss me..." Inilapit nito ang katawan sa akin tsaka itinaas ang isa kong legs habang dinidikit ang aming katawan. He lowered his lips and kissed me deeply. Kinakagat kagat nito ang lips ko and kissed me again hungrily when he heard my soft moan. Halos mawalan kaming dalawa ng hininga. Nakita na lang namin na andaming photographer ang kumukuha ng photos at videos namin. "Crap! Let's go!" Hinila niya ulit ako doon sa reception area. Sa dami ng tao, nawala na si Jared sa aking paningin.

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon