Chapter 36 When love Collide

13.6K 272 8
                                    

Emma's POV

Pagkatapos naming mag lunch back to work na ako. To fulfill my real purpose here. I am just here to take care of Abigael. Buong maghapon ko siyang inaalagaan, nilalaro dito sa loob ng cottage kung saan sila Aling Pacita at Aling Susana. Napakabait at masayahin itong bata. Panay laro lang ito at magbe break lang sa laro kung nagugutom na. Nang mag sunset naisipan kong ipasyal si Abigael sa dagat. Nandoon na sila Kuya Brent at Ate Tina, they look so good together hugging each other in the water. I saw Vanessa throwing water at Jared habang si Drake naman ay nanonood na tumatawa. I am so jealous with what I saw. Maypa honey honey pang nalalaman itong si Jared pero pag nakatalikod ako nakikipagharutan kay Vanessa. You both deserved each other, two liars sweet with each other. Narinig kong tinawag ako ni Ate Tina "Emma, come with us. Akin na si Abigael at para makapagbihis at makaligo ka na rin. I bought some swimsuit and put it in your cottage." Sabi pa ni Ate Tina. Naisip kong ayokong maging kawawa sa harap nila. I will give Jared the dose of his own medicine. Binigay ko si Abigael kina Ate Tina at tumalikod na.

Narinig kong sumusunod si Drake. "Samahan na kita" Sabi nito sa likod ko.

"Sure!" Sagot ko naman dito. Nasanay na rin ako kay Drake dahil ilang araw ko din itong nakasama sa condo at mabait naman ito.

Drake waited for me outside the cottage. Totoo ngang mayroong mga bagong two piece na nakalagay sa bed ko. I chose the peach colored two piece with red roses design at naglagay lang ako ng towel sa balikat ko.

Bumalik kami sa dagat at may sinabi sa akin si Drake na napatawa ako. Nakita kong nanlilisik ang mga mata ni Jared sa akin. Nagsalita si Ate Tina. "Oh my God Emma! You look so beautiful in that two piece. Pwede kang maging model." Sabi ni Ate Tina.

"Thanks po Ate for this." Medyo nahihiya ko pang sabi dito.

"I agree Ate Tina. I am smitten!" Sabi pa ni Drake na inalalayan ako papunta sa tubig.

Naririnig ko na naman ang halakhak ni Vanessa kasama si Jared. Parang pinipiga ang puso ko. Parang tino torture ako dito. Ewan ko kung kaya ko pang makasama silang dalawa. Umahon na sa tubig at nagpaalam sila Ate Tina at Kuya Brent. Sumama na rin si Jared at Drake at kukuha daw sila ng pagkain at wine. Naiwan kaming dalawa ni Vanessa. "Siguro by now alam mo na kung saan ilalagay ang sarili mo when it comes to Jared. Yaya ka lang dito ni Abigael. Don't ever feel na importante ka." Sabi ni Vanessa na puno ng galit ang boses.

"I know where I stand kaya no need for you to remind me." Sagot ko sa kanya at lumangoy na ako palayo dito. Marunong akong lumangoy at dinadala ako ng Tatay sa probinsiya nila na malapit sa dagat.

Dumating sila Drake at Jared at narinig kong hinahanap ako ni Jared. Narinig kong sumigaw ito. "Emma! That's dangerous out there." Nakita kong lumalangoy na ito papunta sa akin.

Nang magkalapit na kami. Hinawakan ako nito sa braso sabay bulong sa tenga ko. "Kung hindi mo ako papatayin sa selos. Papatayin mo naman ako sa nerbiyos!" This brought shivers to my spine.

"Bitiwan mo nga ako Jared. Kayo ni Vanessa ang naghaharutan. Kaya pwede ba." Sabay tapik ng kamay nito na nakahawak sa balikat ko.

"If you are used to other men touching and fucking you, this time sabihin mo sa kanila na hindi na pwede at baka mapatay ko pa sila!" Sabi nitong nagagalit na sa akin.

Sa galit ko sa sinabi niya. Nasampal ko ito. "Wala kang karapatan sa akin at kung sino man ang gusto kong sipingan." tumalikod na ako at bumalik kung saan sina Drake at Vanessa. Nakita kong lumangoy si Jared at umiinom mag isa sa buhangin. Umahon si Vanessa at sinamahan si Jared. Walang tigil ito sa pagkapit kay Jared at sabay haplos sa matipuno nitong dibdib. Niyaya na rin ako ni Drake na umahon at para makakain kami. Nakaluhod lang ako sa buhangin at ayaw kung tumingin kay Jared at Vanessa.

"Come on Emma. Kain na!" Sabi pa ni Drake na binibigyan ako ng plato. Nilagyan ako ng pagkain at tahimik na lang din ako na kumakain.

Si Vanessa nakapilipit na naman ang mga kamay sa braso ni Jared. "This beach brings back our memories together sa Boracay Jared. Remember when it was just the two of us for a week? Andami nating memorable moments together." Sabi nitong puno ng paglalambing kay Jared.

Pero wala itong nakuhang response kay Jared. Binigyan ako ni Jared ng towel niya. "Here, cover yourself!" Pasinghal pa nitong tapon ng towel sa akin. Bakit ako lang? Pareho lang naman kami ni Vanessa na naka two piece ah. Well, ako na naman ang nakita nitong Jared na ito. Nag inuman sila ng wine pagkatapos kumain. Pinilit na din ako ni Drake na uminom ng konting wine. Kaya ng bumalik kami sa cottage. Medyo nahihilo na ako. Hindi ako kinikibo ni Jared. Malamang nagalit dahil sinampal ko ito.

Narinig kong sinundan pala ako ni Jared sa loob ng cottage ko. "Don't you ever dare sleep with another man from now on." Sabi nitong lumalapit na sa akin. Medyo lasing na rin ito at nanlilisik pa sa galit ang kanyang mga mata.

"Jared wala tayong relasyon. Ni hindi ka nga nanliligaw sa akin. Anong karapatan mong pagbawalan ako?" Matapang ko pang sagot sa kanya.

"Walang relasyon? How can you say na walang relasyon? We almost did it! How many times? A countless of times. Kung gusto mong suyuin kita. Fine, liligawan kita. I don't want you to sleep with anybody else." Sabi pa nito sa akin.

"Whoever I slept with is none of your business. Kaya pwede ba, leave me alone." Bakit kailangan niya akong pagbawalan. As if naman may naka relasyon na ako. Siya nga itong first ko sa lahat ng bagay. tumalikod na ako at dumiretso sa shower.

Marriage in Despair(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon